Chapter 15 “Falling In Love Is Possible”

2454 Words
"Vince, bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko kanina?" reklamo ng wedding coordinator kay Vince na kasalukuyan namang tsine-check ang gagamiting piano.  "Nag-da-drive ako kanina. Nasan si Mich?" sagot nito na may karagdagang tanong.  Natataranta siyang tinugon ng boss niya na halos umabot na ang stress level sa tuktok ng bundok. "Iyon na nga Vince," she said while gritting her teeth. "Nagkaroon siya ng minor injury dahil sa car accident habang papunta rito. I kept on calling you kanina. Anong gagawin natin? Malapit ng magsimula ang kasal."  Matapos marinig ang problema, 'di sinasadyang napalingon si Vince kay Mil. Nakaupo ito sa malayo at binibigyan siya ng malaking ngiti. "Kaya mo 'yan Vince!" she even mouthed a cheer.  Sa ilang araw na pakikisama ni Vince sa kaniya ay may natutuhan siya mula rito. Hindi niya akalain na kakailanganin niya pala ito balang araw.  "Don't worry. Nakahanap na ko ng kapalit," kalmadong sagot ni Vince sabay tumayo at tumungo sa gawing lugar ni Mil.  Tumayo siya sa harap ni Mil at nakatanggap ng nagtatakang ekspresyon mula sa kaniya. "B-Bakit?" aniya ng dalaga.  "Buti nalang talaga, ikaw ang sinama ko." After dropping that sigh, he pulled her to the side stage.  "T-Teka Vince! B-Bakit mo ko sinasama?" naguguluhang sigaw ni Mil habang sapilitan siyang hinahatak. Hawak hawak ang magkabilang balikat, marahang itinulak at itinayo ni Vince si Mil sa harap ng wedding coordinator.  "This girl can sing. Wala na kong panahon para maghanap ng makaka-duet ko sa kanta, but I assure you that the two of us can pull it together. Umaasa ako na bibigyan niyo rin ang babae na ito ng sweldo," ang sambit ni Vince.  'Anong pinagsasasabi niya?!' Reklamo ni Mil sa kaloob-loob ngunit wala siyang magawa kung hindi magpakita ng pekeng ngiti sa kaharap niya.  Mariin siyang tinitigan ng coordinator mula ulo hanggang paa. "Hindi ka naman mag-sa-suggest kung hindi ka confident." Mataray niyang binigyan ng tingin si Mil nang magtama ang kanilang mga mata. "Kahit pa wala sa 'itsura niya na maganda ang boses niya. Tsss, bahala na. Make sure it'll be good."  "T-Teka..." Tututol palang sana si Mil subalit inalisan na siya ng kausap. Kunot noo niyang hinarap si Vince saka nagreklamo, "Vince ano bang ginagawa mo?! Ang usapan natin kakain lang ako rito ha." Mahinahong umupo si Vince sa harap ng piano, kung paanong mahinahon rin siyang sumagot, "Naaksidente ang ka-duet ko sa kanta. So, naisip ko na ikaw nalang ang pumalit sa kaniya." Pagkatapos ay binigay niya kay Mil ang music score kung saan naroroon ang lyrics ng part niya sa kantang, 'the Gift' By Jim Bricman and Martina Mcbride "P-Pero b-bakit ako? Narinig mo na ba kong kumanta?" pagpapatuloy ng kaniyang hinaing.  Inayos ni Vince ang pagkaka-wax ng buhok pataas at kalmadong sumagot. "Sa iisang bahay lang tayo nakatira. Madalas kitang marinig na kumanta lalo na kapag good mood ka. Kaya hindi ako nangangamba."  Sa ipinapakita ni Vince, nakumbinsi si Mil na siya ang uri ng lalaki na hindi 'ata dinadapuan ng kaba. Tipong 'yong mga valedictorian na sawang-sawa nang magbigay ng speech sa stage kaya wala epek na ang salitang 'niyerbyos.' "K-Kaso, hindi naman ako professional singer. Sanay kang humarap at kumanta sa maraming tao. P-Paano naman ako?" Ipinakita niya ang nanginginig na kamay bago nagpatuloy, "Parang sasabog na k-ko s-sa kaba."  He gazed at her trembling hands. Base sa namumutla niyang mukha at sa nanginginig niyang laman, alam ni Vince na kinakabahan nga ito. Kapag nagpatuloy ang nararamdaman ni Mil na kaba, baka masira ang performance! Ano kaya ang pinakamagandang paraan para mapakalma ang kaniyang kasama? Vince suddenly held her hand. Kung gaano kalamig ang kamay ng dalaga ay siya namang init ng palad ni Vince. Pagkatapos niyang marahang hawakan ito ay pumikit siya na para bang dinadama ang pangyayari.  "Anong ginagawa mo?" pag-uusisa ni Mil sa kakaibang paggawi na nasaksihan. "Ipinapasa ko sayo ang kalahati ng pagiging kalmado ko," sagot ni Vince habang nakapikit.  Aminin na nating may pagkamisteryoso nga ang datingan ni Vince. Tipong walang makakahula ng susunod niyang gagawin, iisipin o sasabihin. Ngunit ang pagiging misteryoso niya ngayon ang naging dahilan para mawala ang kaba ni Mil at mapalitan ng mahinang pagtawa.  "Ginagawa mo kong bata na naniniwala sa super powers," pagtawa ni Mil sabay tinanggal ang pagkakahawak ni Vince. He opened his eyes and saw her giggling.  'Now she's okay,' He reassured inside his head.  "Don't think too much," ang payo ni Vince bago humarap sa piano tiles. "Tumingin ka lang sakin habang kumakanta. Isipin mo na ako lang ang audience. Okay?"  Tumango si Mil kasabay ng malalim na paghinga.  Ilang sandali pa ay nagsimula na ang ceremony. Nang pumasok ang bride sa loob ng hall ay siya namang pagsisimula sa pagtutog ni Vince sa piano.  Ang katotohanan na kakanta si Mil sa harap ng maraming tao ay muli na namang kumakatok sa kaniyang isipan. Ngunit katulad ng payo ni Vince, sinikap niyang patahanin ang kaba sa pamamagitan ng pagtingin sa kaniyang katabi na unang nagpamalas ng malamig at malambing niyang tinig. "Winter Snow is falling down Children laughing all around Lights are turning on Like a fairytale come true"  Matapos kantahin ang unang verse ay napaisip ng malalim si Mil habang tinitigan siya; ang maliit niyang mukha at nakakaenganyo niyang mga mata. Hindi niya maikaila na mas lalong dumagdag sa pagiging cool niya ang maganda niyang boses. At naisip na niya na malamang, maraming babae ang naghahabol dito.  Vince looked at her and made signal that it is already her part to sing. At dahil nasa ilalim pa siya ng spell ng kagwapuhan ng tinititigan niya ay napakanta siya ng maayos higit sa inaasahan niya. "Sitting by the fire we made You're the answer when I prayed I would find someone And baby I found you" Smiling a little while gently tapping the piano tiles, Vince sings a duet with her.  " All I want is to hold you forever All I need is you more everyday You saved my heart From being broken apart You gave your love away And I'm thankful everyday For the gift" ---- Vince's POV Naging maayos ang performance namin kagaya ng inaasahan ko. Matapos ang ceremony ay idinaan ni Mil ang kaniyang aftershock sa pamamagitan ng paglamon sa mga handa sa kasal. Sa sobrang dami ng kinain niya, hindi siya natunawan kaya't lumabas kami ng hall at uminom ng yakult dito sa parking lot.  "Masama parin ba ang pakiramdam mo?" I asked.  "Medyo hindi na. Nakatulong 'tong Yakult," sagot niya sabay pinakita ang empty bottle ng Yakult.  Nakaupo kami sa elevated ground, kaharap ng nakaparadang kotse na umalis na kani-kanina lamang.  "Bakit kasi ang dami dami mong kinain? Para kang wala ng bukas," pagbibiro ko gamit ang seryoso ekspresyon, kaya naman sineryoso rin niya ang pagsagot.  "Natural lang na maparami ako ng kain. Halos maubos ang energy ko dahil sa kaba 'no. Kasalanan mo 'to." "Naging maganda naman ang resulta ah." I stretched my legs as I looked up. Inilagay ko ang magkabilang kamay sa likuran para mapagsandalan ng bigat. "We didn't mess up. Tapos, nagkaroon ka ng extra money. Kumain ka pa ng libre. That's a win and win for both of us."  Gamit ang peripheral vison ay napansin ko siyang tumatango tango sa gilid. "Sa bagay. Memorable experience na rin siguro 'to, hehe." 'Memorable?' Tumingin ako pabalik sa kaniya at ganoon rin ang ginawa niya. We looked at each other as if we are talking using our eyes.  Naglalaro lang naman ako kasama siya ngunit ituturing niya itong memorable experience? That made me feel guilty.  "Bakit ganyan ka makatingin? Nagagandahan ka ba sakin?" tanong niya na nagpatawa sa akin.  "Pffft~"  Iniwas ko ang tingin at tumawa sa kawalan. 'Napaka-assuming talaga ng babae na 'to.' "Kung makatawa ka, nakaka-insulto ha. Oo na! Alam ko namang hindi ako maganda. Cute lang," pagpapatuloy niya.  "Saan ka humuhugot ng confidence para sabihin 'yan?" tanong ko matapos muling tuminging pabalik. "Katulad kanina. Paano pumasok sa utak mo na pinag-aagawan ka namin ng sira ulo dahil may gusto kami sayo?" "Actually alam ko namang wala kayong gusto sakin." Nahihiya siyang umiba ng tingin. Pagkatapos ay pinaglaruan niya ang hawak niyang empty bottle ng yakult sa kaniyang mga kamay. Looking downward, she continued, "Sinabi ko lang 'yon para matigil ang bangayan niyo. Sigurado kasi ako na maiinis si Mr. Period kapag inakusahan ko siyang may gusto siya sa akin."  'I see. So joke lang pala na inakala niyang may gusto kami sa kaniya. But in Greypi's part, may iba akong kutob. Seeing how persistent he was, I think he really has something with Mil.' Ibinaluktot ko ang tuhod. Niyakap ko ito gamit ang magkabilang braso at ipinatong ang kaliwang bahagi ng aking pisngi. "Paano kung totoo palang may gusto kami sayo?" I blurted while looking at her.  Kung ibang babae ang pagsasabihan ko nito, malamang na mataranta sila at isipin na may kahulugan ang mga salita ko. Ngunit kung tungkol kay Mil, tumawa lang siya at mabilis na kumontra.  "Parang sinabi mo na posibleng pumuti ang uwak," pagtawa niya kasabay ng pag-iling. "Sa ugali mo Vince, ikaw 'yung walang kainteres interes na makipag-date. Doon naman kay Mr. Period, imposible siyang magkagusto sakin. Like the hell? Ang sama kaya ng simula namin. Ano to? Korean drama na nagsisimula sa pagiging aso't pusa?"  'Imbes na aso at pusa, sa tingin ko mas more on daga at pusa silang dalawa. Cause Greypi is always chasing after her.' "Nagtataka rin ako sayo Vince," sambit niya na pumukaw ng interes ko. "Bakit mabait ka sakin? Base sa narinig ko kina Orij at Kim, hindi ka komportable sa mga babae. Kaya bakit ginagawa mo ang lahat para maka-close ako?"  Tinanggal ko ang pagkakabalutok at umupo ng maayos habang nakabukaka. 'Ang hirap talagang umupo ng ganito lalo na kapag may katangkaran.' "Hindi mo parin ba natatandaan kung kailan tayo unang nagkita?" I asked.  Umiling siya bilang sagot. "To be honest, namumukhaan kita. Kaso hindi malinaw sakin kung saan, kailan at paano. Sabi mo pa, nakita mo kong umiiyak kaya mas lalo akong naweirduhan."  This time it is Mil who couldn't sit comfortably. I noticed her massaging her legs. Hindi kasi siya makaupo ng maayos dahil baka makitaan siya sa suot niyang baby blue dress. So I took off my suit and offered it to her.  "Gamitin mo. Napansin ko na nahihirapan kang umupo," I said.  Nakangiti niyang kinuha ang suit mula sa akin at ipinangtakip sa binti niya. "S-Salamat." "Kumakanta ako sa isang bagong bukas na coffee shop tapos nakita kitang umiiyak habang pinapanood ako."  She stopped. Sa biglaan kong pagshe-share ng sagot at natigilan siya pansamantala.  "OMG! Tama! Naaalala ko na! Ikaw nga 'yon!" she gasped. Dinuro duro pa nga niya ako. "Sabi ko na nga ba kaya pamilyar ka eh!" May pasuntok-suntok pa siya sa hangin, animo'y nanalo sa lotto.  "So bakit ka nga umiyak sa compose ko na kanta?" "Ha?" "Kaya ako nakikipag-close ay dahil gusto kong malaman ang dahilan mo. You won't say your answer if you still feel that I'm stranger, right?"  Ang kanta na isinulat ko noon ay hindi tungkol sa romantic feelings kung hindi tungkol sa pagmamakaawa sa atensyon at pagmamahal ng mga taong nakapaligid sayo. I wrote it because of my family circumstances. Kaya naisip ko na baka may pinagdadaanan din siya sa pamilya niya. Also, this was the first time that someone cried over my songs.  "Hindi ako umiiyak noon. Naninibago pa kasi ako sa contact lenses na suot ko kaya naluha ako," pag-amin niya.  I feel like someone splashed me with cold water in the middle of winter after hearing her answer.  Tuluyan na kong napatawa ng malakas. "Pffffttt hahahahahahahahaha!" Halos mapahiga na ko sa sahig sa sobrang pagtawa. I can feel my intense belly and there are tears on the side of my eyes.  Saglit ko lang ibinuka ang mata ko at nakita ko siyang nanlalaki ang mga mata at tulala sa akin. "H-Hindi ko akalain na kaya mong tumawa ng ganito." Nang marinig ang komento niya ay umurong ang ngiti sa aking mga labi. I sat straight and then forged a cough, "Ahem." "So you can laugh like that?" pagkamangha niya.  "You are really unpredictable," I murmured. "Buong akala ko, may deep meaning behind those tears. Tapos contact lenses lang pala ang dahilan. I got interested in a very very odd way." "Pero nagustuhan ko rin naman ang kanta mo. Naka-relate ako." "What do you mean?"  "I am an adopted child. Your song hits me noong natatandaan ko ang panahon kung kailan pakiramdam ko wala nang magmamahal sakin. Kaya kahit hindi ako umiyak, I still love it."  Naramdaman ko ang paglulungkot ng kaniyang mga titig. Pinaala-ala nito ang sugat na mayroon ako at hanggang ngayon ay nanatiling sariwa sa dilim.  "I am not an adopted child. Pero pakiramdam ko, mag-isa lang ako," I shared. Tinignan niya ko at ganoon rin ang ginawa ko. "Hindi ko sinasabi na magkapareho tayo ng kalagayan dahil wala naman akong ideya kung masaya ka sa pamilyang kumupkop sayo. But in my case, I have the same parents for years. Pero ni isang beses, hindi ako naging masaya na makasama sila. They are always busy in works. Minsan nga nakakalimutan ko na ang mga mukha nila." "Bakit hindi mo sabihin sa kanila ang nararamdaman mo?" she suggested.  "Para saan pa? Walang magbabago." "Vince. Anak ka nila." Napahinto ako at hindi nakapagsalita. Tinitigan ko lang siya habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.  "Ako nga na hindi kadugo ni mama at papa, minamahal nila ng sobra. Paano pa kaya ang katulad mo na nagmula mismo sa sinapupunan ng mama mo?" I clenched my fists. Wala namang mali sa sinabi niya pero naiinis ako dahil pinapakiusapan niya ko ng bagay na mahirap gawin.  "Madaling sabihin pero mahirap gawin," I said.  She nodded. "Hmmm. Alam ko. Pero mas mahirap gawing posible ang bagay na imposible. Like asking my real parents why did they abandon me?"  Dahan-dahan kong niluwagan ang pagkuyom ng aking mga kamay. Hinaplos niya ang sensitibong parte ng puso ko ngunit nakaramdam ako ng kaunting ginhawa.  "Para akong nagbabasa ng libro habang pinapakinggan ang linya mo," I chuckled then looked away.  "Lol," tugon niya bago tumawa ng mahina. "Sorry sa pagka-OA. Ganito 'ata pag feeling author." "Nagsusulat ka ng libro?" "Hmm oo. Pero sa w*****d lang. Kaunti lang din readers ko." "Hindi ako mahilig magbasa pero gusto kong basahin ang gawa mo." "Hahaha! Ayoko. Nakakahiya." "Bakit? SPG ba ang sinusulat mo?" "Oy hindi ha! Clean romance ang genre ko! Hanggang kiss lang ang mga scenes." "Okay. Magda-download ako ng w*****d application mamaya. Anong username mo?" "Ayoko nga sabi!" I am really sure na nagsimula ang lahat sa entertainment; sa pag-eenjoy ko na pagtripan siya. But I think falling with her soon... is really possible.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD