Chapter 14.2 “It Started With Entertainment”

1079 Words
Soju's POV Papalabas palang ako ng boarding house ay nakakita ako ng malaking basang sisiw na kulay asul. "Dude, anong nangyari sayo? Saang itikan ka nanggaling?" pag-bibiro ko kay Orij na nakasimangot at nabasa ang ulo ng kung anong malagkit na bagay. On the second thought, hindi dapat itikan ang sinabi ko dahil hindi naman itik ang sisiw. Dapat siguro sinabi ko nalang na: 'Congratulations! Nakatakas ka mula sa pagiging balot.' "Soju, wala ako sa mood kaya manahimik ka," babala niya saka nagpatuloy sa paglalakad papataas ng hagdanan.  Natatawa akong lumabas at nakita si Mil na nakaupo sa ilalim ng lilim doon sa garden. Kasalukuyan niyang winawagayway ang malagkit na kamay. "Kainis! Ang lagkit!" She complained before she noticed my presence.  "Nakipag-away ka ba kay Orij?" tanong ko habang naglalakad papalapit.  "Hindi a. Bakit naman ako makikipag-away?" masungit niyang tugon bago tumayo. Humakbang na siya papasok ng boarding house ngunit bago siya tuluyang makalayo ay may inamin ako.  "Naalala ko na 'yung nangyari noong nakaraan," I said.  Tumigil siya at lumingon sa akin.  "Sorry," I murmured. "Kalimutan mo nalang sana ang nakita mo. Pero, about sa pagyakap ko sayo, wala 'yong ibig sabihin. Kaya wag kang mag-a-assume."  Mabilis napalitan ang ekspresyon niya ng pag-aalala, patungo sa pagka-asar. "Kahit ilang beses mo kong yakapin, hindi ako mag-aassume. Wala akong katiting na interes sayo no."  'Bakit parang nasaktan ang pride ko sa sinabi niya?'  I bit my natural red lips and brushes my hair sexily using my palm. Pailalim ko siyang tinitigan na parang nakakalaglag ng panty. "Sigurado ka bang hindi ka maaakit sa akin? Huh?" I said in husky tone.  Pero yung inaakit ko, tinitigan ako gamit ang walang buhay niyang mga mata.  "Palagi mo talagang sinasayang ang oras ko," ang sabi niya. Bahagya siyang umiling at umakmang aalis.  'Teka! Hindi ako papayag na mapahiya ng ganito! What Soju wants, Soju gets.' "Aray!" sigaw ko bago umupo at nagkunwaring napupuhing. "Ang sakit ng mata ko, napuwing 'ata." "Tumigil ka nga sa pag-acting," ang narinig kong reklamo niya.  "Hoy, aacting ba ko kung talagang masakit?" pagsisinungaling ko sabay sulyap. She looks very worried.  'Ayos. Mukhang gagana ang plano.' Lumapit siya agad upang tignan ang kalagayan ko. "Ano bang tumama sa mata mo?"  Mag-iisang buwan narin na magkasama kami sa iisang bahay. Kaya alam ko ng si Mil ang klase ng tao na hindi nakakatanggi sa mga nangangailangan ng tulong.  "H-Hindi ko alam eh," I acted. Tumingala ako at ipinakita ang mata. "Hipan mo nga raw," pakiusap ko.  'Okay. So here is the plan. Kapag inilapit niya ang mukha niya sakin, magkukunwari ako na na-out of balance ako kaya aksidente kong mahahalikan ang labi niya. Perfect!' "Para kang bata. Simpleng puwing lang akala mo mamamatay na," nagreklamo muna siya bago lumapit at hinipan ng marahan ang mga mata ko.  Nakaabang na kong magpapatalisod subalit... "Masakit pa ba Soju?"  Nang tawagin niya ang pangalan ko, at nang tanungin niya ako kung nasasaktan pa ba ang aking mga mata ay tuluyan akong nanlambot. Napaupo ako ng tuluyan sa damuhan habang nakatulala sa kaniya. "Hoy, napano ka?" Pagtataka niya. 'Iyan din ang gusto kong itanong sa sarili. Anong nangyayari sakin? Bakit bigla akong kinabahan sa harapan niya?' "O-Okay na ko," ang sagot ko na may halong pagbubuntong hininga.  Mabilis akong tumayo, saka pumasok sa bahay. Nang makapasok ako ay nanghina ang mga tuhod ko kaya't sumandal ako sa pader.  I held my chest and murmured something that I didn't expect, "My heart is... racing."  ---- Vince's POV Magkasabay kami ni Mil na lumabas ng boarding house. She is wearing a simple baby blue dress while I am wearing a black suit.  "Okay lang naman siguro 'yong suot ko no?" tanong niya sa akin na waring humihingi ng approval.  Marahan akong tumango kahit hindi tinitignan ang suot niya. "Hmmm," I murmured.  "Tss, di ka naman tumingin," reklamo niya na tinawanan ko lang ng palihim. "Grabe! Excited na kong pumunta sa kasal. Malamang na mamahaling pagkain ang nasa venue."  Kung hindi dahil sa pagkain, malamang hindi siya sasama sa akin. Pero ang totoong rason talaga kung bakit gusto ko siyang isama ay dahil... dahil...?  I don't know. Wala lang akong ibang maisip na isama at nanghihinayang ako sa extra na invitation. Ayokong isama si Orij dahil masyado siyang O.A. Si Kim naman, napagkakamalan na boyfriend ko dahil palagi siyang nakabuntot. At mas lalo namang wala akong balak na isama si Soju o si Greypi. Sa kanilang lima, kay Mil lang ako mag-eenjoy. Malapit na sana kaming makarating sa motor ko subalit may biglang sumalubong at humarang pa sa daan.  "Saan kayo pupunta? Bakit bihis na bihis kayo?" Ang tanong ng sira ulo at pakielamero na si Greypi.  Wala siyang nakuhang sagot sa amin pero nahulaan niya ang destinasyon namin.  "Teka, wag mong sabihing aattend ka nga talaga sa kasal kasama ng mokong na 'to?" he asked while pointing me.  "Kung mang-aasar ka lang, tumigil ka na. Kakain ako ng libre kaya wag kang kontrabida," sagot naman ni Mil. Nauna siyang humakbang papaalis ngunit hinarangan uli siya ni Greypi.  "Mag-usap tayo," aya nito.  'Curious ako kung bakit ba himutok na himutok siyang makausap si Mil. Kaso, male-late na ko sa kasal kaya't wala na kong panahon para marinig iyon.' "Mil, male-late na tayo," paala-ala ko.  "Umalis ka nalang mag-isa," sabat ni Greypi at tinitigan ako ng masama.  "Aalis na kami kaya tumabi ka," naiinis na reklamo ni Mil sa kaniya.  Dahil napapagod na ko ay hinawakan ko ang kamay niya at hinatak palayo. But before we could even escape, he held her other hand. Katulad ng dati, naipit si Mil sa pagitan namin na nag-aagawan sa kaniya. "Let go," he warned.  "Ayoko," ang matatag kong sambit. Ang pinaka-kinaiinisan ko ay ang katulad niya na masyadong nagmamagaling. Kaya habang may gusto siyang kunin, mas napo-provoke ako na hindi siya pagbigyan. "Ano ba?!" sigaw ni Mil sabay inalis ang hawak naming pareho sa kaniya. "Alam kong pareho kayong may crush sakin pero hindi ako kinikilig sa love triangle na 'to!"  Natulala ako sa sinabi ni Mil. Maging si Greypi ay nawala rin sa wisyo pagkatapos marinig ang matapang niyang pag-a-assume.  "Pupunta ako sa kasal at kakain ng libre. Tara na Vince!" Naglakad siya palayo at iniwan kami ni Greypi na tulala.  "A-Anong kagag*han ang sinasabi niya?" nauutal na sambit ni Greypi bago nagtungo sa kabilang direksyon.  'So Mil thought that we are doing this because we like her. Damn it. She never fails to surprise me. Mas lalo akong na-e-entertain.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD