Chapter 14.1 “It Started With Entertainment”

1689 Words
"Sandali lang!" sigaw ni Vince bago buksan ang pinto ng kaniyang kwarto. Pagkabukas ay nakangiti si Kim at nahalata niyang may hihingin itong pabor. But still, he asked, "Anong kailangan mo?" Itinaas ni Kim ang dala-dalang sabon, shampoo, short, brief, t-shirt at tuwalya. Pagkatapos ay nakangiti niyang sinabi na, "Vince, sira kasi 'yong shower ko. Pwede bang makiligo?"  "Sure," ang maikling pag-sang ayon ni Vince kasabay ng paghakbang patalikod.  Tuwang tuwa si Kim na pumasok sa loob ng kwarto niya habang patuloy na nagpapasalamat. "Salamat! Aayusin ko ang paggamit!" Then he went inside the bathroom. Ilang beses na kumurap si Vince sa kawalan. "Nakalimutan ko ang cp ko sa kusina," ang sabi niya sabay nagtungo palabas ng mabilis anupat naiwanan niyang bukas ang pinto.  Segundo lang ang pagitan nang bigla namang dumating si Mil. "Vince?" pagtawag ng dalaga sa loob ngunit napansin na walang tao sa kwarto. "Nasan kaya siya? May itatanong pa naman sana ako." Umakma na sana siyang aalis subalit nakapukaw ng kaniyang pansin ang mga gitara na nakadisplay sa loob ng kwarto.  "Woah. Ang dami niyang gitara," she exclaimed. Sa pagkamangha ay hindi niya namamalayan ang sarili na naglalakad na pala papasok. "Mahal siguro ang mga 'to," bulong niya na may halong pagtango. Nang makita ang sarili sa reflection ng salamin ay roon lamang niya napagtanto ang pagkakamaling ginawa. Going inside the man's room without his consent, isn't this invading as someone's property? Kahit si Mil, ayaw niya na may basta nalang papasok sa sariling silid. Pero sabi nga sa kasabihan, palaging nasa huli ang pag-sisisi. 'Naku! Magagalit si Vince kapag nakita niya kong pumasok sa kwarto niya ng walang paalam!' Singhap niya sa sarili. She stepped backward and about to dash outside. Ngunit saktong pagtalikod niya ay nakatayo na sa tapat ng pinto ang may-ari ng kwarto.  "Anong ginagawa mo sa loob ng kwarto ko?" tanong ni Vince habang hawak hawak ang cellphone na may Batman phonecase.  Pansamantalang natulala si Mil. Pino-process pa kasi niya sa utak ang nararapat isagot sa pagkakataong ito.  "Going inside my room without my consent," dagdag ni Vince na mas lalong nagpakaba sa kaniyang nahuling usyosera. He leaned at the door frame as he crossed his arms. "Gawain 'yan ng p*****t," pang-aasar niya. Hindi lang dito natapos ang lahat. He even smirked at her while calling her, "Eva," in annoying giggling tone.  Tumaas ang kilay ni Mil, kasabay ng pagtaas ng dugo niya, "H-Hoy! Tigil tigilan mo na ang pagtawag sa akin ng Eva! Isa p-pa, h-hindi ko naman sinasadya na ano eh...! Kasi ano. Ahhhh, ahmmmm... The t-thing is..." She firmly bit her lips. Ramdam naman ni Vince na wala siyang ibang masamang balak kaya't natatawa ito sa pagkataranta ng dalaga.  "May sasabihin ka ba sakin kaya ka pumunta?" pagbasag ni Vince sa nakakailang na sitwasyon.  "Oo!" mabilis na tugon ni Mil. " N-Nakabukas kasi 'yung pinto. T-Tapos nakita ko ang mga gitara mo kaya 'di ko sinasadya na pumasok para tignan ng malapitan. Sorry."  Vince nodded in cool way. "So ano bang sasabihin mo?"  "Itatanong ko sana kung tuloy tayo sa kasal," nahihiyang sagot na Mil.  "Depende kung isusuot mo ang wedding dress," pagbibiro ni Vince na hindi agad naintindihan ng kaniyang kausap. "Ha?" Mil uttered.  Tumawa si Vince at umiling dahil sa reaksyon niya. "Wala," he murmured. "Oo tuloy tayo. Ala una pa lang naman. Mamaya pang 6pm magsisimula ang kasal. Kaya you don't need to rush."  Dahil hanggang ngayon ay nahihiya parin, namumula si Mil na naglakad paatras. "Okay okay. Kita nalang tayo mamaya. Bye!" pagkatapos ay pumasok ito sa loob ng CR. Akala ata niya, 'yong pinto ng CR ang pinto papalabas ng kwarto. Mukhang nagkalito lito na naman siya, tsk tsk tsk.  "Bakit siya pumasok sa CR?" nagtatakang tanong ni Vince. After a few seconds of thinking, his eyes widened by the fact that someone is actually occupying his bathroom at this moment! "T-Teka. Nasa loob si Kim at naliligo," bulong niya. Pagkasabi niya nito ay saktong nakarinig siya ng tili mula sa loob.  "Ahhhhh!"  "Aaaaaaaaaaaahhh!" Ang pinaghalong tili ni Kim at Mil ay sapat na para magkandarapa si Vince papalapit sa pintuan ng banyo. Nang buksan niya ito, tumambad ang nakakahiyang eksena: Si Mil na nakaupo sa sahig habang nagtatakip ng mata, at si Kim naman na basang basa, walang saplot habang tinatakpan ang p*********i niya.  "Ohhh f*ck," pagmumura ni Vince na kasalukuyang nagugulantang.  Agad na tumayo si Mil at tumakbo palabas nang nakatakip parin ang mga mata. Kung tungkol naman kay Kim, waring nabawasan siya ng ilang taon ng kaniyang buhay. "B-Bakit siya pumasok d-dito?" nauutal na tanong ni Kim. Unti unti siyang nanghina at napaupo sa tiles habang pulang pula sa hiya.  "Nakalimutan kong sabihin na..." Vince paused for a moment. Tumawa siya at nagpatuloy, "Sira nga pala ang lock ng pintuan. Sorry bro." Kung minamalas nga naman~ Pero kung malas ang pag-uusapan, isa si Mil sa nangunguna sa listahan.  "Hello Mi-" ang di natuloy na bati ni Orij kay Mil na tumatakbo habang nakatakip ang mga mata. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa masaksihan niya kung paano ito mauntog sa dingding. "Teka Mil! Mauuntog ka sa-!" babala sana niya ngunit huli na ang lahat. "Aray!" She screamed after bumping on the wall.  Napaatras pa nga ng ulo si Orij dahil naimagine niya kung gaano kasakit ang pagkauntog nito. "Bullseye," he muttered. Mukhang hindi maganda ang simula ng araw ni Mil ha.  "Oh ito itlog na hilaw. Ipaikot mo lang sa noo mo para hindi ka magkabukol," ang alok ni Orij. Nasa garden silang dalawa at nakaupo sa ilalim ng lilim. Kinuha ni Mil ang itlog sa kamay niya bago nahihiyang nagpasalamat. "T-Thank you." Then she gently rolled the egg on her forehead.  "Ano bang nangyari? Bakit nagtatatakbo ka nang nakatakip ang mata? Nakakita ka ba ng multo?" Sunod na sunod na pag-uusisa ni Orij.  Kahit gustong gusto ni Mil na magreklamo, pinili nalang niyang manahimik. Sa sitwasyon ni Mil, sino bang may lakas ng loob na magsabing: 'Nakita kong hubo't hubad si Kim!'?  "Wag mo nalang alamin," bulong ni Mil. Madali namang kausap si Orij anupat tumango siya at sumang-ayon, "Okie dokie." Then he chuckled.  Napalingong pabalik si Mil taglay ang seryosong mga titig. Kamakailan lang kasi, nasaksihan niya ang pag-iyak ni Orij dahil sa namatay nitong kasintahan. After that, this is the first time she saw him laugh again.  "Ahh, alam mo ba noong may sakit ako, napaginipan kita. Pumunta ka raw sa kwarto ko para i-check kung may lagnat pa ko," Orij shared.  Lingid sa kaniyang kaalaman na ang panaginip ay totoong nangyari. Mil then realized na hindi natatandaan ni Orij ang ginawa niyang pagyakap sa kaniya noong panahon na iyon. Siguro nga't mas maganda nang ibaon nalang sa limot ang nangyari.  Mil smiled slightly then said, "Talaga?" "Oo!" pagmamalaki ni Orij.  "Ano pang ginawa ko sa panaginip mo?" Mil chuckled.  "Ahmmm, tumabi ka raw sa akin sa higaan at-" Itinigil ni Orij ang pagsasalita.  Kapwa nilang alam ang sumunod na nangyari, bagama't para kay Orij, panaginip lang naman iyon.  "W-Wala naman. Natapos na sya agad," pagsisinungaling nito sabay umiwas ng tingin.  Tumango naman si Mil at pinagpatuloy nalang ang pag-ikot ng itlog sa noo. Pareho silang biglang nailang sa isa't isa kaya't pansamantalang namayani ang katahimikan.  "Ang tigas ng ulo mo ah," biglang sambit ni Orij na may halong pagtawa. "Sa impact ng pagkauntog mo, akala ko nabasag na ang bungo e."  "Nang-aasar ka ba?" naiinis na tugon ni Mil.  "Hindi ah! Pinupuri pa nga kita." Itinaas ni Orij ang kamay at nagbigay ng dalawang thumbs up. "Mil, sa tigas ng ulo mo, pwede kang mag-perform sa mga entertainment talent show. Sumali kaya tayo? Ako 'yung taga-akyat ng puno ng buko tapos ikaw ang taga bukas. Gagamitin mo 'yang ulo mo." "Habang tumatagal, nagiging harsh ka sakin!" reklamo ni Mil na tuluyan ng napasimangot.  "Nag-jo-joke lang ako," paliwanag ni Orij na walang hinto sa pagtawa. "Pero seryoso ako na gusto kong sumali ka sa talent-" Natigilan nalang ito nang aksidenteng makagat ang dila habang nagsasalita. "Aray! Nakagat ko ang dila ko!" Inilawit niya ang dila at ipinakita. "May dugo ba?"  Looking at him while he is sticking his tongue made her laugh.  "Bakit ka tumatawa?" tanong ni Orij kasabay ng pagsalubong ng kaniyang mga kilay.  "Mukha kang aso habang inilalawit mo ang dila mo," pang-aasar ni Mil.  Ngunit hindi tumatalab ang ganitong uri ng pang-aasar kay Orij. "Kapag nagpapatawa ako, hindi ka natatawa. Tapos kapag seryoso ako, tumatawa ka naman. Nakalog 'ata ang utak mo. Kakatukin ko pabalik ha?"  Pagkatapos ay pinitik ni Orij ang noo ni Mil.  "Ouch!" Mil gasped then hold her forehead.  Imbes na ma-guilty ay manawa nawang sinabi ni Orij na, "Oh ayan. Tumino na ba?"  Mil pouted her lips. Gustong-gusto na niyang gumanti!  "Mas matigas kaya ang ulo mo!" napipikong niyang sambit.  Subalit pilosopo siyang nakatanggap ng sagot. "Anong matigas? Kasing lambot ng bumbunan ng baby ang ulo ko." He even acted cute that annoyed her the most.  Sa panggigigil ay napasulyap si Mil sa hawak na itlog. "Subakan natin kung talagang kasing lambot ng bumbunan ng baby ang ulo mo," ang babala niya bago hinampas niya ito sa ulo gamit ang itlog.  Naka-ready na sana siyang tumawa. Not until she realized that she smashed him with a raw egg. Pansamantala niyang inakala na nilagang itlog ang hawak niya.  "Oh my gosh," she exclaimed.  Mula sa tutok, pababa sa gwapong mukha ni Orij ay tumulo ang malagkit na likido ng hilaw na itlog. Napanganga si Mil habang nakatulala si Orij at namumula na sa galit. "S-Sorry. Nakalimutan ko na hilaw na itlog pala ang hawak ko," paumanhin ni Mil, umaasang huhupa ang galit ng lalaking buong puso niyang kinaltukan sa ulo. Dahan-dahan niyang tinanggal ang natitirang shell sa ulo ni Orij anupat nag-aakala na okay na ang lahat dahil tahimik naman ito. Subalit... "Miiiiiiiiiiil!" nakakabinging sigaw ni Orij. Halos mapaatras nga si Mil dahil sa pagkabingi. He looked at her fiercely that she gulped in fright. "Bwisit!" ang bulong niya bago tumayo at lumakad papasok ng boarding house.  'So it is really confirmed that I'm unlucky today,' Mil confessed to herself.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD