Chapter 13 “Joker’s Mask”

1678 Words
Mil’s POV    Tahimik ang boarding house nang makauwi ako. Ang alam ko hindi pumasok sila Orij at Soju kaya’t ang madatnan ang tahimik na bahay ay nangangahulugang  masama nga ang pakiramdam ng dalawa.    I went to the kitchen and drink water. Napatingin ako sa wall clock at naisip ang tatlo na hindi pa umuuwi: si Kim, Vince at si Mr. Period. Then I remembered that thing happened this morning.    “Bakit kaya biglang bumait sakin si Mr. Period?” pagbubuntong hininga ko. “Si Vince naman, napaka-misteryoso parin niya para sakin. I can’t read his mind.”    Noong una, iniisip ko na baka napagtripan lang ako ng dalawa kaninang umaga dahil inis sila sa isa’t isa. Pero habang tumatagal, pakiramdam ko may ibang dahilan kung bakit nila ako pinag-agawan kanina. After thinking so hard, one thing came into my mind.   “Omg,” I gasped. “Hindi kaya… may gusto silang dalawa sakin?”    'Tama! Ganito ‘yung mga napapanood ko sa mga drama o kaya naman nababasa sa nobela. Grabe naman. Hindi ako makapaniwala sa ‘itsura kong ‘to pag-aagawan ako ng dalawang gwapo!'   Napahawak ako sa pisngi habang ngingiti-ngiti. Subalit, bigla akong nagising sa katotohanan nang maalala kung anong klase ng lalaki ang dalawang ‘yon. Isa pa, nandiri rin ako kaya't agad na bumaba ang magkabilang sulok ng aking mga labi.  Kahit kasi na gwapo sila, alam ko na ang totoo nilang mga ugali kaya hindi na ko natu-turn on. Kung sa mukha pagbabasehan, nakakakilig ang senaryo. Pero nasasapawan 'yong imahinasyon ko ng ka-weirduhan ni Vince at kagaguhan ni Greypi. Tipong from flowery background to horror and suspense.   “Kung sakaling magkakatotoo ang love triangle na iniisip ko, isa ‘yong bangungot,” I said while shaking my head. Nahihinuha ko na kasi ang magiging resulta kapag nag-away sila sa iisang babae. Malamang, mahati ako sa dalawa!   Tinigil ko na ang pag-iisip ng nakakatakot na bagay lalo pa't malayo pa ang Holoween. Pagkatapos dumiretso na ako papa-akyat sa 2nd floor.    I was humming to the song ‘Quando Quando’ while walking towards my place. Pero huminto ako sa pagkanta at paglalakad sa tapat ng kwarto ni Orij. Tinitigan ko ang pintuan ng mahigit benteng segundo.    ‘Nilalagnat siya kaninang umaga. Maayos na kaya ang pakiramdam niya? Nakainom na kaya siya ng gamot?’   Alam kong wala sa mood ngayon si Orij lalo pa’t nalaman namin kay Kim na malungkot ito kapag katatapos lang ng death anniversary ng girlfriend niya. But I can’t stay still. ‘Di ako mapakali hangga’t hindi nasisigurado kung nasa mabuti na siyang kalagayan. He is one of my closest friend here.    Kumatok ako sa pintuan. “Tok tok tok~”    Ilang segundo ang lumipas ngunit hindi siya sumasagot. ‘Natutulog kaya siya?’    Biting my lips, I tried to check if the door is lock. Napasinghap ako ng malamang hindi niya ni-lock ang pinto. Aware naman ako na maling manghimasok kaso yung pagka-praning ko pagdating sa mga ganitong bagay, kusang umaatake. Tipong marami akong naiimagine na ‘What if'. Like: What if… nahimatay na pala siya. What if… natumba siya sa sahig at nabagok. Or What if… inaapoy parin siya sa lagnat at dapat ng dalhin sa hospital.     Kaya kung sakaling magalit siya sa gagawin ko, sisisihin ko nalang si ‘what if’.   “Orij?” I mumbled as I opened the door. Madilim ang kwarto niya at tanging lampshade lamang ang nagbibigay ng kakaunting liwanag. “Orij?” muli kong pagtawag bago humakbang papasok. Tinuloy tuloy ko na ang pagpasok hanggang sa nakita ko siyang nakahiga sa kama at natutulog.    ‘Humihinga pa naman siya diba?’   Lumapit ako at pasimpleng umupo sa gilid ng kama. Orij is wearing a blue shirt and white pajamas. Hindi ko siya nakikitang nagsusuot ng hikaw pero napansin ko ngayon na may butas pala ang kanan niyang tainga. Dahil sa madilim ang paligid, ang asul niyang buhok ay nagmistulang itim. Matagal ko ng napapansin na gwapo si Orij pero dahil sa kwela siya at maloko, minsan nababawasan ang pogi points niya. He always appeared like a clown or a joker.   “Pero kapag tulog siya at tahimik, ang cool niyang tignan,” mahina kong komento. Dahan dahan kong inangat ang kamay patungo sa kaniyang noo upang tignan ang temperatura niya.    ‘Medyo mainit parin siya.’    Looking around, I saw some paracetamol tablets. May thermometer din sa gilid, bowl na may lamang tubig at towel. That means Orij took care of himself. Siguro nga hindi na dapat ako mag-alala.    Marahan akong tumayo para hindi ako makalikha ng ingay na ikagigising niya. Medyo umalog ng kaunti ang kama pero hindi naman siguro siya magigisi-   “Nikki.”   “Ahhh!”   Orij suddenly pulled me down. Sa sobrang lakas ng pagkakahatak niya ay napahiga ako. Ang bilis ng pangyayari, ang alam ko nalang nakahiga ako sa tabi niya at nakatitig sa mukha niya ng malapitan. Gusto kong tumayo agad ngunit na-estatwa na lamang ako sa puwesto. Pakiramdam ko nakatuntong ako sa makipot na tulay at kaunting galaw ko lang malalaglag na ko sa mataas na bangin. My heart is beating so fast. Hindi rin ako makahinga ng maayos, ni paglunok ay nahihirapan ako.    “Nikki,” sambit ni Orij habang nakapikit. I once traced his face again: ang makapal niyang kilay, ang matangos niyang ilong at ang kaniyang labi kung saan nanggagaling ang pangalan na hindi pamilyar sa akin.    ‘Nikki? Hindi kaya, siya ‘yung girlfriend niya?’    “O-Orij. Ako ‘to si Mil. Hindi ako si Nikki,” ang paala-ala ko. Sinimulan ko narin kumawala sa hawak niya at bumangon. Ngunit…   “Hmmm,” ungol ni Orij bago ako niyakap.    Ang mabilis na pagtibok ng puso ko ay tumigil. My mind went blank. Napayuko ako habang humihinga ng malalim.   “Hindi ako si…” I sighed.    I can’t continue my words. Pilit kong iniintindi na may sakit si Orij kaya’t baka nagkakaganito siya.    “Alam ko,” Orij spoke. Orij spoke?!   Iniangat ko ang paningin. Nakita kong nakadilat na si Orij at nakatitig sa akin.    “O-Orij,” I stuttered.    “Alam kong magkaiba kayo,” bulong niya na nagpatayo ng balahibo ko.    “Kung ganon,” I muttered then about to push him away. Kaso natigilan ako nang matanaw ang pagpatak ng mga luha sa kaniyang mga mata. Dahil nakatagilid siya ay patagilid ring bumagsak ang mga ito papunta sa kaniyang unan.    Ilang segundo kaming nagtitigan.   He then slowly closed his eyes again and fell asleep.    Sa tingin ko, si Orij ang isa sa mga patunay na hindi lahat ng joker… masiyahin.  ---- Soju’s POV    Napansin kong nakabukas ng kaunti ang pintuan ng kwarto ni Orij. Naalala ko na may lagnat siya kanina kaya nagbakasakali akong i-check ang lagay ng loko. Pero nang sumilip ako ng kaunti, nakita ko si Mil na nasa kama niya. And the most shocking scenario is that they were hugging each other.   Heto tuloy ako ngayon, nasa kusina at gumagala gala ang isip tungkol sa nasaksihan ko kanina.    “Mag jowa na ba sila?” Tanong ko habang nakakagat sa kuko. “Pero base sa sinabi ni Kim mukhang hindi pa nakaka-move on si Orij sa girlfriend niya. Kung ganon, friends with benefits?”   I shook my head. Medyo malayo ang level ko kumpara kay Orij kaya hindi niya gagawin ‘yon.    Sa gitna ng pag-iisip ay dumating si Mil dito sa kusina. Basa ang buhok niya, mukhang katatapos lang maligo. She is wearing spongebob printed yellow shirt and white pajamas.    ‘Kailan kaya siya magsusuot ng short? Puro nalang pajamas ang sinusuot niya. Boring.’   Sinulyapan niya lang ako ng tingin bago binuksan ang ref. Pagkatapos ay kumuha siya ng sterilized milk in box. Tumalikod na siya at…    ‘Teka lang. Kung tratuhin niya ko, para akong invicible ah!’   “Hoy Mil!” pagtawag ko sa kaniya pero patuloy lang siya sa paglalakad palayo.    ‘Ah ganun ha.’   “Bakit kayo magkayakap ni Orij?!” I shouted and she stopped her pace. Unti-unti niya kong nilingon na parang robot. “Nakita ko kayo kanina. Nasa kwarto ka niya at nakahiga ka pa sa kama. What was that?” I asked while smirking.    Nakita ko siyang huminga ng malalim at saka bumaba ng tingin. Then she diverted her eyes back to me. “Hindi iyon katulad ng iniisip mo,” sagot niya.    I stood up and walked closer to her. Pinagpatuloy ko ang pagngisi hanggang sa makarating sa harapan niya. “Tama ka. I couldn’t help myself but to think lewd things. Akala ko naiiba ka sa mga babaeng kakilala ko. Inosente ka ba talaga?”   She clenched her milk box. M-Medyo natakot tuloy ako ng kaunti. Kaunti lang naman.    “T-Tinignan ko lang naman kung may lagnat pa siya,” paliwanag niya. Mas itinaas niya ang ulo upang matitigan ako ng mata sa mata. Her eyes aren’t wavering.Ibig sabihin, hindi siya nagsisinungaling. “Aalis na sana ako kasi tulog siya. Kaso, bigla niya kong hinatak pababa at niyakap. Then he started to call me with another girl’s name. Feeling ko half-sleep pa siya kanina. Napagkamalan siguro niya ko na dati niyang girlfriend.”   May sense ang paliwanag niya. Pero…   “Huh. So ang gusto mong sabihin, kapag ang tao wala sa katinuan, mangyayakap nalang siya basta basta? Hoy, kahit lasing ako, hindi ko ginagawa ‘yun. Kilala ko kung sino ang niyayakap ko,” pagmamayabang ko sabay taas noo.    Ang kinakabahan niyang ekspresyon ay napalitan ng inis. Mil frowned with a grin. “Huh. Ang galing mong magsalita ha. Tiyak na kakagatin mo ang dila mo kapag naalala mo ang nangyari noong nakaraan!” she shouted. Pagkatapos ay tinulak niya ko, “Alis ka nga dyan!” Tinulak niya ko pero sa ibang direksyon naman siya pumunta.    Pinanood ko siyang maglakad papaakyat ng hagdanan.   ‘May… ginawa ba talaga ako habang lasing ako kagabi?’   Scratching my nape, I looked at the living room. Natulala ako roon ng ilang minuto. Hanggang sa…   “Sh*t,” I gasped with widened eyes.    ‘Naalala ko na! Niyakap ko siya habang umiiyak! What the f*ck!’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD