Chapter 12.2 “Bad Sparks”

1175 Words
Greypi’s POV   Maagang nasira ang araw ko dahil sa apat na dahilan: Una, naupuan ko sa ulo si Orij. Pangalawa, inagawan niya ko ng kape. Pangatlo, katabi ko na kumakain ng umagahan si Vince. At pang-apat, sobrang daldal ni Kim. Pero sa kabila ng mga kabwisitang naranasan at nararanasan, may isang bagay naman na makakapag-paganda ng mood ko.    I placed my elbow on the table and put my chin above my hand. Pinagmasdan ko si Mil na tumatawa sa harapan ko habang nakikinig ng kwento ni Kim. This is the first time we have breakfast together.    ‘Cute si Mil noong bata kami. At ngayon ay…? Cute parin naman siya. Sadyang ayaw ko lang sa mga babae kaya hindi naging maganda ang una naming pagkikita dahil hindi ko siya nakilala. Isa pa, nahihirapan akong magkaroon ng tiwala sa kahit sinuman. Kaya in the end, nakakapagsabi ako ng masamang salita sa mga nasa paligid ko.’   “Bakit ganyan ka makatingin?” tanong ni Mil ng mahuli akong nakatitig sa kaniya. Naramdaman ko rin ang mainit na sulyap ni Vince at ni Kim na kasama namin sa iisang mesa. Kaya naman, dahan-dahan kong iniba ang tingin at nagsinungaling, “H-Hindi kita tinitignan. Nag-iisip lang ako ng malalim.”    Hindi ko alam kung naniwala sila sa palusot ko, pero dahil wala namang kumontra ay nakahinga na ko ng maluwag.    “Oo nga pala. Natutuwa ako na kumain ka na kasama kami,” masayang sambit ni Kim para sa akin.    I just shrugged my shoulder and murmured, “Well.”At muling umiba ng tingin.    “Bakit bigla mong naisipang kumain kasama ng mga ipis?” ang tanong naman ni Vince.    Sa halip na maasar ay sineryoso ko ang tanong niya. As an answer, I diverted my eyes to Mil. Dahil sa titig ko ay nagtataka siyang nakipagtitigan sa akin.    “Nakatingin ka ba sa kaniya o nag-iisip ka lang uli?” Dagdag ni Vince na kinainis ko.    “Nag-iisip lang ako,” Sagot ko na hindi iniaalis ang mga mata sa babaeng nakaupo sa harapan.    ‘Kailan ko kaya masasabi sa kaniya na ako ang kababata niya? Sh*t. Kung hindi lang dahil sa nangyari noong nakaraan edi sana nasabi ko na sa kaniya nang mas maaga. I need to make our relationship good before I’ll tell her the truth. Tama.’   “Mil, gusto mong kumain ng libre sa wedding reception?” Tanong ni Vince na bahagyang gumising sa aking diwa. “Kakanta kasi ako sa kasal at nabigyan ako ng extra invitation.”  Binalikan ko ng tingin si Mil na kasalukuyang nag-iisip ng isasagot.    “Bakit si Mil ang inaaya mo? Pwede naman ako ah,” reklamo ni Kim.    “Ayokong mapagkamalang nagsama ng boyfriend,” depensa ni Vince na ikinataas ko ng kilay.     Agad naman na sumagot si Kim ng, “Kung babae ang kasama mo, mapagkakamalan siyang girlfriend mo.”    “T-Tama Vince. Wag nalang ako. Kahit pa gusto ko sanang kumain ng libre, ayokong sumakit ang ulo mo dahil sakin,” sagot ni Mil. Hindi ko tuloy naiwasang mapangiti sa sagot niya.    ‘At least, may natitirang parin siyang talino. Halata naman na sinasama siya ng sira ulo dahil interesado siya kay Mil.’   “Mil, gusto ko lang naman na maging close tayo. Nakaka-disappoint naman na tinanggihan mo ang sincere kong pakikipag-kaibigan,” ang malungkot na tugon ni Vince. Sinong niloko niya?! Tanga lang ang maniniwala sa sagot niya!   “Ganun ba. Hmmm, sorry Vince,” Mil apologized.    ‘Tama yan. Huwag kang papayag na magpa-uto.’   “Sige na nga. Sasama na ko. Sayang din yung libreng pagkain. Kailan ba ‘yan?” Mil said with cheerful voice.    Nanlaki ang mga mata ko, bago sinamaan ang tingin ang uto-uto, pati na si Pork and Vince na pasikretong ngumisi. --- Kim’s POV   Katulad ng dati, napag-usapan namin ni Mil na sabay ng pumasok sa school.    “Mil, angkas ka na sa akin,” aya ko habang inaayos ang bike.    “Akala ko ba nabibigatan ka sakin ha?” manawa-nawang tukso ni Mil na sinabayan ko ng tawa.    “Uy nagbibiro lang po ako,” I defended.   “Sus. Wag na. Maglalakad nalang ako.” Lumapit siya sa akin at bumulong ng, “Nagbabawas din kasi ako ng taba. Di na magkasya ang pantalon ko.”   I burst out of laughing. Pero at the same time, medyo nalungkot ako. Ang sabihin kasi ng babae sa lalaki ang tungkol sa ganitong topic ay maaaring mangahulugan na hindi na niya ko nakikita bilang lalaki. She is too comfortable with me. And I hate it.    Sasang-ayunan ko palang sana siya na maglalakad nalang kami ay may biglang pumaradang motorcycle sa tabi namin. When the rider took off his helmet, he looked at Mil and offered, “Sabay ka na sakin.”    Vince is asking her to hop on his motorbike. Pangalawang beses na ‘tong nangyari ah.    “Salamat Vince, pero maglalakad nalang kami ni K-” sagot ni Mil na naantala dahil may pumarada namang kotse sa harapan ni Vince. Nang bumaba ang bintana ay nakita namin si Greypi.    “Mil, hop in. May sasabihin ako sayo.”   ‘At ngayon si Greypi naman ang nag-aalok! Napunta ba ko sa parallel world?’   “Ako ang naunang nag-alok sa kaniya,” ang paala ala ni Vince kay Greypi sabay ngumiti ng nakakatakot.    “Wala ‘yan sa nauna,” pagbabara naman ni Greypi. “Diba sinabi ko na may mahalaga kaming pag-uusapan? Kay wag ka ng sumingit. Shoo~”   Vince smirked. Bumaba siya sa motor saka biglang hinatak si Mil. Nang makita ni Greypi na hinahatak na siya ni Vince ay lumabas din ito sa kotse at hinawakan ang kabila niyang kamay. Tungkol naman sa akin, nasa gilid ako at pinapanood ang pag-aagawan nila sa iisang babae.    Nagpalipat lipat ng tingin si Mil sa dalawang lalaki na nakahawak sa mga kamay niya; kay Vince na nasa kanan at kay Greypi mula sa kaliwa.    “Why are you so full of yourself? Nakakairita ka,” ang sabi ni Vince na halatang badtrip.   “Sa tingin mo natutuwa rin ako sayo?” banat naman ni Greypi na mas hinigpitan ang hawak kay Mil. “Let go of her,” babala niya. Ramdam ko sa mga titig ni Greypi na handa siyang makipagpatayan makuha lang ang gusto. Samantalang mula sa mga titig ni Vince ay mga mata na walang balak sumuko.    “Hayaan nating si Mil ang mag-desisyon.” Binitawang salita ni Vince kasabay ng pagbitaw niya sa kamay ni Mil. “Mil, pumili kung kanino ka sasabay. Sa akin? O sa kaniya?”    Binitawan rin siya ni Greypi at naghintay sa sagot nito. Breathing for a while, Mil answered, “Kung dinadamay niyo ko sa away niyong dalawa, pwes WAG AKO. Para kayong mga bata.” She shook her head then walked away. “Kim tara na!” aya niya na hindi man lang lumingong pabalik.    “O-Oo!” I stuttered. Patakbo akong sumunod bago sumulyap kay Vince at Greypi na patuloy paring nagtititigan ng masama.    ‘Anong nangyayari sa kanilang dalawa?’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD