bc

Brotherhood Billionaire Series 1: Sweet Memories with you. (COMPLETED)

book_age18+
15.2K
FOLLOW
72.8K
READ
billionaire
powerful
CEO
comedy
bxg
city
secrets
nurse
like
intro-logo
Blurb

Isang linggo bago grumaduate sa college si Cassandra ay niyaya siya ng kaniyang kaibigan na mag-bar. Kahit ayaw niya ay napilitan siya dahil iyon na rin ang huling pagsasaya nila bago sila magkahiwa-hiwalay.

Dahil sa kaniyang kalasingan ay pumasok siya sa isang pribadong kwarto para magbanyo ngunit napagkamalan siyang babaeng bayaran ng isang lalaking gwapo at may matalim na mga mata.

Nagising na lamang siyang hubo't hubad at masakit ang katawan katabi ang lalaking nakilala niyang may matatalim na mga mata na mahimbing ang pagkakatulog. Hindi niya ito kilala at ang tanging pangalan niya lang ang alam dito. Si Marcus.

Matapos ang apat na taon , isang nurse na si Cassey at nagtatrabaho sa isang sikat na private hospital na pagmamay-ari ng kapatid ng kaniyang kaibigan.

Pero bigla siyang inirekomenda ng kaniyang boss bilang private nurse sa isang kaibigan nitong lumpo . Di na siya nag dalawang isip tanggihan ito dahil sa laki ng alok na kaniyang sasahurin . Para makatulong sa kaniyang magulang, kaniyang kapatid na nag-aaral at lalo na sa sa kaniyang tatlong taon na anak na si Mickey.

Nang makilala niya kung sino ang aalagan niyang lumpo ay halos gusto na niyang kumaripas ng takbo . Dahil ang kaniyang aalagan ay hindi naman talaga lumpo, kundi isang gwapo at may matatalim na mga mata , walang iba kundi si Marcus.

Anu ang gagawin ni Cassey para di siya maapektuhan sa presensiya nito, lalo na at nagkaroon ng bunga ang isang gabing pagkakamali, walang iba kundi ang anak niyang si Mickey.

chap-preview
Free preview
Prologue
Kakatapos ko lamang magtupi ng mga damit ko at nilalagay sa cabinet nang may kumatok sa kwarto ko. “Cassey halika na sumama kana samin ng mga friends ko." si Maya na ka housemate ko. Tumayo ako binuksan ang pintuan ng kwarto at pinapasok ang kaibigan ko. Classmate ko rin ito at isang linggo na lang ay graduation na namin. Nakaraan araw pa ako nito niyaya mag bar kasama ang mga kaibigan nito na parehas mga mayayaman. Ilang beses ko na rin ito tinanggihan, unang una ay natatakot akong magpunta roon lalo na puro inuman at kasiyahan ang ginagawa. Pangalawa ay nahihiya ako makibagay sa mga ito lalo na may mga sinasabi sa buhay. “Alam mo naman ang sagot ko diyan Maya" sabi ko. “Tsk! akong bahala sayo dun, dika mapapahamak. Saka yun nalang ang last bonding natin dahil ga-graduate na tayo remember" mataray nitong sagot. Natawa nalang ako sa reaksyon nito. May pagkamataray talaga kasi ito buti nalang ay sanay nako. Kahit minsan ma-attittude ito ay mabait itong tao marami na ding naitulong ito sakin. Napabuntong-hininga nalang ako. “Oo na" “Yeheyyy" tili ni Maya . “Okay ire-ready ko na isusuot mo” sabay talikod at tumungo sa pintuan para lumabas. “Sandali Maya!" tawag ko dito pero para itong bingi at tuluyan ng lumabas. Napapailing nalang ako . Minsan talaga paladesisyon itong si Maya, tignan mo nga naman may nakaready na pala akong isusuot. Iba talaga pag anak mayaman. ~~~~~~~~~~~~~ Malakas na tugtog at nakakahilong mga ilaw ang bungad sa loob ng bar na ikinangiwi ko. “Come on Cassey ! Andun na ang mga friends ko" sabay hatak sakin. Kumaway pa ito sa may bandang dulo tiyak yun na ang mga kaibigan ni Maya. Pinakilala naman agad ako sa tatlong kaibigan nito na sa itsura palang halatang mga anak ng mayayaman. Umupo naman ako sa pinakasulok at medyo madilim na parte dahil naiilang talaga ako sa sitwasyon ko. Ang suot ko pa naman ay sobrang sexy na bigay ni Maya. Isang white sleeveless na croptop at high waist black mini skirt na halos dalawang dangkal lang ata haba. Nilagyan ko nalang ng blazer dahil naaasiwa talaga ako sa suot ko. Hindi naman kasi ganito ako manamit kaya hiyang hiya ako. “Dont be scared Cassey and lets enjoy tonight!" sabay abot sakin ng baso may laman na alak. Marahan ko itong kinuha at ininom. Halos mapangiwi ako sa lasa dahil ito ang unang beses ko na uminom ng alak. Diko napapansin na napaparami na ako ng inom. Habang tumatagal kasi lalo palang sumasarap ang iniinom ko. Habang ang mga kaibigan ni Maya ay nagwawala sa gitna ng dancefloor habang sumasayaw. Mabuti nalang di ako iniiwan ni Maya at masaya kaming nag uusap. “Maya" napahinto kami kwentuhan nang may lumapit na isang lalaki banda samin. “Jerick?" si Maya. “Pwede ba tayo mag-usap saglit" Napalingon sakin si Maya para bang nanghihingi ng permiso at tumango nalang ako. “Sige na Maya ayos lang ako dito" “Wag ka mag-alala babalik agad ako" at tumayo na ito sabay hila sa lalaki. Napapailing nalang ako kay Maya . Baka manliligaw na naman nito. Sabagay maganda si Maya kaya ligawin. Nakaramdam ako ng panunubig. Kaya kahit medyo nahihilo ako dahil sa ininom ko ay tumayo ako bitbit ang pouch ko. Masyadong maraming tao halos parang wala ng pakialam ang iba dahil halos maapakan nako. Pero pinilit ko pa rin maglakad ng maayos. Hinahanap ang banyo. Pumasok ako sa malaking pintuan at baka naroon ang toilet, pero maraming mga pintuan ang nandun parang mga VIP room ang datingan. Dahil naiihi nako ay pumunta nako sa pinakamalapit na kwarto at saktong pagpihit ko ng doorknob ay bumukas ito. Agad na ako pumasok sa madilim na kwarto at diretso pasok sa loob ng kwarto . Mukha naman walang tao kaya bibilisan ko nalang matapos magbanyo at baka mahuli ako ng kung sino man. Laking ginhawa ang naramdaman ko at dali-dali kung kinuha ang pouch ko at lumabas ng banyo . Nagtaka ako na lumiwanag ang buong silid. Bago pa ako makalapit sa pintuan ay may kamay na humawak sa braso ko kaya nabitiwan ko ang hawak ko na pouch. Nanlalaking mata akong napahinto. “Where do you think you are going?" isang baritonong boses ang nagsalita. Pakiramdam ko tuloy tumalon ang puso ko sa pagbiglang kabog ng dibdib ko. “M-mister, sorry po kung nakibanyo ako di ko alam na may tao pala po dito" pakiusap ko habang nauutal na nagsasalita. Hindi ko magawang lumingon sa taong nakahawak ng mahigpit sa braso ko. “Do i need to believe in you? Alam ko na ikaw ang pinadala dito sa kwarto ko kaya wag kana mag sinungaling. Hindi ba bayad na kita? " masungit nitong salita. Marahas akong napalingon sa lalaki at galit na tumingin dito. Hindi ko inaasahan at nabigla ako kung gaano ito kagwapo sa paningin. Napakakapal ng mga kilay at kahit nakakunot ang noo, mga matang kulay green at sobrang talim kung tumingin. Matangos na ilong at labing parang kay sarap halikan. ‘Peste! nakapag pantasya pako' sigaw ng aking isipan. Dahil matangkad ito ay nakatingala akong nagsalita. “Hoy Mister! Uulitin ko ulit . Naparito lang ako para magbanyo . At kung anu man yang pinagsasabi mo ay wala na akong pakelam. At nagkakamali ka ng taong sinasabihan mo dahil hindi ako iyon. Dahil may mga kasama ako at naghihintay na sila sakin. Kaya kung pwede bitiwan mo nako . At sorry nalang kung nakibanyo ako." matapang kung salita . Naiinis na rin ako lalo pa sa epektong ininom ko kanina. Lalo lamang nagsalubong ang mga kilay nito at lalong tumalim ang mga mata. Para bang anu mang mga oras ay mahihiwa ang pagkatao ko sa paraan ng pagkakatitig nito sakin. “Stop the bulls**t! " sabay hatak sakin at walang habas akong hinalikan sa mga labi. Hindi agad ako makagalaw sa bilis nang pangyayari at ito ako ngayon hinahalikan ng lalaki. Nagpumiglas ako ngunit sobrang malakas ang lalaki. Ang isang kamay nito ay nakapulupot ata sa bewang ko at mahigpit ang pagkakadikit sa katawan nito at ang isang kamay nito ay nakahawak sa batok ko. Hindi ako makawala sa katawan nito. Lalo pa at nahihilo ako sa pagkalasing dagdag pa ang mainit nitong mga halik na para bang hayok na hayok. “T-teka sanda-" Nabitin ang pagkakasalita ko ng halikan na naman ako nito at tuluyang pinasok ang dila nito sa loob ng aking bibig. Halos maubos ang hininga ko sa paraan ng paghalik nito sakin. Hindi ganito ang inaasahan ko na unang halik. Parang gusto ko tuloy maiyak. ~~~~~~~~~ NAHIHILO at sobrang sakit ng buong katawan ko na para bang binugbog habang dahan dahan na inaalis ang brasong nakapulupot sa katawan ko. Maingat ko itong binaba sa may unan at maingat din akong bumaba ng kama. Hindi pa rin ako makapaniwala na ganun-ganon nalang nawala ang iniingatan ko na para lamang sana iyon sa mapapangasawa ko. Uminit ang mga mata ko pinipigilan ko maiyak habang dinadampot ang mga damit ko na nagkalat sa sahig. Matapos ko isuot iyon ay dinampot ko din ang pouch ko na nagkalat ang mga laman. Hindi nako nag-ayos ng sarili dahil ang importante sakin ang makalabas ng kwartong ito. Pero bago pako humakbang at makalapit sa pinto ay lumingon muna ako sa lalaking nakadapa at hubad. Di ako makapaniwala na dito ko nabigay ang sarili ko dahil sa aking kalasingan, kung tutuusin pwedeng pwede ko siya pigilan pero ang lintik kung katawan at bumigay din. Kung tutuusin parang nagustuhan ko rin ang ginawa naming dalawa dahil di ko mabilang kung ilang beses namin naabot ang langit. Dahil siguro sa kagwapuhan nito kaya bumigay ako. Napapailing nalang ako habang tumutulo ang mga luha ko. “Hindi ko man lang alam ang pangalan mo" bulong ko sa sarili at tumalikod na para lumabas ng silid. Habang naglalakad ako palabas ay may nakita akong bakla sa may counter. Tumingin ito sakin at ngumiti. “Hi ! Nag enjoy kaba kay Sir Marcus?!" para bang kilig na kilig ito habang nagsasalita. “Grabe ang ganda-ganda mo pala kaya sulit na sulit ang bayad sayo!" Huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko ay sasabog nako. “Hoy bakla ! hindi ako bayarang babae at pakisabi diyan sa sinasabi mong Sir Marcus ay magkita nalang sila ni Satanas !" bulyaw ko dito at mabilis na naglakad palabas ng bar na iyon. Ang akala kung bar lang ay may mga aliwan din pala sabagay mga gawain ng mga walang magawa sa buhay. Mabilis din akong nakasakay ng taxi at umuwi sa tinutuluyan ko. Dahil maaga pa ay pwede pa akong makapahinga dahil pakiramdam ko ay mauubos ako anu mang oras. Nang makarating ay agad akong pumasok sa loob ng aking kwarto at pabagsak na humiga sa aking kama. Sobrang daming pumapasok sa isipan ko at muli ay naiyak ako. Diko namalayan ay nakatulog na pala ako sa kakaiyak. Makalipas ng ilang oras ay nagising ako sa malakas na pagkakatok ng kung sino. “Sino yan?" “Its me Maya!" Napabalikwas ako. At dali-dali naghubad ng kasuotan at humugot nalang ako ng pajama at malaking t-shirt . Ayoko makita niya ako na ang suot ko ay mula pa kagabi at baka magtanong ito, wala ako sa mood makipag kwentuhan. Binuksan ko ang pinto at mukha ni Maya ang bumungad habang nakabusangot. “My goshhh Cassey ! kanina pako kumakatok ang tagal mo" “Pasensya na sarap kasi ng tulog ko" “Bigla ka nalang nawala. Akala ko kung ano na nangyare sayo, naglaho ka nalang basta dun" simangot nito at umupo sa kama ko. “Nagbanyo kasi ako at pagbalik ko nakalimutan ko na kung saan tayo nakapwesto kaya umuwi nalang ako ganun din naman." sagot ko kahit sobrang wala na sa hulog ang kasinungalingan ko. Nakataas ang isang kilay nito habang nakatitig sakin. Para bang di naniniwala sa sinasabi ko. “Tinawagan at tinext kita pero dika sumasagot. " Napalunok ako. Diko alam dahil hanggang ngayon ay diko pa binubuksan ang cellphone ko. “Pero dahil okay kana, Sabay na tayo mamaya pumasok" ngumiti na ito kaya napahinga nako ng maayos. “Sige na at magpe-prepare nako" ngumiti nako dito at lumabas na din si Maya. Napabuga nalang ako dahil pakiramdam ko ay para akong lutang at sabog. Naalala ko na naman ang kaniig ko na ang pangalan pala ay Marcus... Ibabaon ko na lamang siya sa limot at magmo-move on.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.7K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook