Cassey's POV Mabilis lumipas ang mga araw na nag-daan. Isang linggo na rin akong kasama sa mga lakad ni Marcus. Sa opisina man at sa mga meeting. Para akong anino niya na di ko mawari. Nakakahiya man sa iba lalo na sa kaniyang mga tauhan na madalas kong napapansin na laging nagbubulungan sa tuwing mag kakasama kami. Nasanay na rin ako dahil palagi ding nakahawak sa aking kamay si Marcus na para bang takot na mahiwalay ako sa kaniya. Katulad ng dati ay palagi akong nagpapakain sa kaniya na iisang plato at kutsara lamang ang gamit. Maski ang baso ay iisa lang din kung saan banda ko ininom ay gagayahin niya din na parang tanga. Ang mas nakakaloko pa ay ang walang katapusan niyang paghahalik sa akin. Habang tumatagal ay mas lalo siyang nagiging sweet sa akin. Ako naman ay tao lang na marupok

