Cassey's POV Kahit medyo puyat sa nagdaang gabi ay gumising pa rin ako ng maaga para maghanda ng breakfast. Nasanay na rin ang aking katawan sa paggising sa umaga kahit ba puyat. Hinalikan ko muna sa pisngi ang aking Anak na tulog na tulog at bumangon. 5:30 pa lang naman ng umaga. Mabilis na naghimalos lamang ako ng mukha at pinusod ang aking buhok. Nakasuot pa rin ako ng pajama. Habang ang kapatid ko naman ay kasamang nakitulog sa kwarto ni Honey. Bumaba na ako para magsimulang magluto. Kumuha ako ng itlog para gawing sunny side-up. Nagprito na rin ako ng maling, hotdog at pancit canton. Sinangag ko na rin ang kanin na mula pa kagabi. Nagpakulo na rin ako ng mainit na tubig makapagkape. Namiss ko ang ganitong ginagawa sa tuwing rest day ko sa hospital. Lahat naman kami ay kumikilos dito

