Cassey's POV Halos mag isang linggo buhat ng umalis si Marcus ay nakaramdam ako ng pangungulila sa kaniya. Pero dahil parating na ang aking anak ay nahati ang aking nararamdaman. Pagka-miss kay Marcus at excited na muli kong makakapiling ang aking magandang Anak. Ngayong araw ay susunduin ko ang aking kapatid na si Candy at ang aking anak na si Mickey. Halos magkandahilo-hilo ako sa pag-iling para lang huwag na akong samahan sa pagsundo sa aking anak. Pero masiyadong makulit si Nanay Lourdes. Kailangan ko daw ng bodyguard. Nakakahiya man ay gagamitin pa ang kotseng Black Bugatti Chiron ni Marcus. Nakakahiya talaga gumamit ng mamahaling sasakyan nito ng wala siya. At baka magasgasan pa, kulang pa ata ang buhay ko sa pagbayad kung nagkataon. Pero hindi nila ako pinayagan. Isang driver at

