Cassey's POV Dahan-dahan kong dinidilat ang aking mga mata, dahil sa mga pag-uusap sa aking paligid na bagaman hindi ko maintindihan ay parang bubuyog sa aking pandinig. “Hmmmmm” “Ma ! si Ate !” sigaw na boses ni Candy. Narinig ko ang mga hakbang na palapit sa akin. Kaya tuluyan kong napamulat ang aking mga mata. Halos masilaw ako sa liwanag ng ilaw. Ilang segundo muna akong napatitig at napakunot ang noo nang mapansin na kulay puti ang kisami. Napalibot sa buong silid ang aking paningin dahil hindi naman iyon ang aking kwarto. “Salamat sa Ama! Nagising ka na Cassandra" paglapit ni Mama ay humaplos ito sa aking ulo. “Kumusta ang pakiramdam mo Ate?” si Candy na katabi ni Mama. “Nasaan ako?” takang tanong ko. “Mmmm A-ate , andito ka sa hospital." parang nag-aalangan na sambit ni aki

