Habang hinihintay si Marcus sa paliligo ay tinutok ko na lang ang sarili sa panonood ng tv. Napaigtad ako nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko na nakaipit sa bewang ko. May tumatawag. Maliksi ko kinuha iyon at kunot noo kong tinignan, walang iba kundi ang makulit ko na namang Anak. Sasagutin ko na lang ito nang mabilis habang naliligo pa ang isa. “Baby ko" mahina kong sagot at baka biglang marinig ako. “Mommy!" boses ng Anak ko nakahikbi. “Bakit napatawag ang baby ko? May problema ba? Umiiyak ka ba?" nag-aalala kong tanong. “T-tita Candy took my chocolates!" sabay ngawa nito. Halos mabingi ang kaliwang tenga ko sa atungal nito. “Hindi ba sinabi ko sayo huwag ka kakain ng mga sweets at chocolate?" “But Tito Pogi gave it to me!" nag-iiyak pa rin nitong himutok. “Who's Tito Pogi?"

