Cassey POV Inis na sumalampak ako sa kama habang nagte-text sa aking kapatid. Me: Huwag mo ipapahawak ang phone kay Mickey at busy ako, ayokong magalit ang boss ko. Candy: Pasensiya na ate, Hindi ko agad napansin na hawak na naman niya ang phone niya. Me: Ako lang lagi ang mauunang tatawag, pwera lang pag emergency. Candy: Opo ate . Wag kana magalit. * may emoji pa itong pa piece sign* Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi ko maiwasan ang makaramdam nang galit kay Marcus. Kung galit ba talaga iyon, baket naman naisipan pa nitong gusto makita ang anak ko? Ayoko makita nito ang anak ko at masaya naman kaming namumuhay nang payapa. Alam kong mayamang tao ito, at lahat kaya niyang pagalawin dahil sa pera nito. Paano kung malaman nito na anak nito si Mickey? At sapilitan nitong kunin a

