bc

MAGDALENA-One shot story

book_age16+
21
FOLLOW
1K
READ
dark
others
drama
twisted
slice of life
prostitute
like
intro-logo
Blurb

ONE SHOT STORY- The story is inspired from one of Gloc-9's famous song "Magdalena".

Ano nga ba ang istorya ni Magdalena?

chap-preview
Free preview
LENA
Nakakasilaw na liwanag na dulot ng makukulay na ilaw. Nakakabinging patugtog ng sound operator na tinutogtog ang mabagal na tugtugin. Amoy usok at alak gawa ng pagyoyosi at pagiinom nang ibat-ibang tao. May mga naghahalikan sa tabi. May mga nagaaway. May nagiinuman. May payosi-yosi lang. At ang karamihan ay nanonood lang sakin habang nagpapataasan nang pera para mailabas ako. "HUBAD! HUBAD! HUBAD!" sigaw nang mga kalalakihan na pinapanood akong sumasayaw sa entablado na tanging sapatos, at kulay pulang bra at panty lang ang suot ko. Dalawang buwan na ako dito sa club at nasanay na rin ako sa pambabatos ng mga tao sakin, tila ba pati sa sarili ko ay nawalan na rin ako nang respeto. Dahil sa trabaho ko. I never wanted to do this. Sino namang may gusto nang ganitong buhay? Wala diba? Pero kase kailangan eh, at wala na akong magawa kase wala akong choice. "Lena, balita ko gusto ka ilabas nung anak ni Mayor, ang yummy yummy kaya non! Bakit hindi mo pa sunggaban?" Malanding suhestiyon ni Bianca sakin. "Alam mo nmn na hindi ako nagpapalabas diba? Napilitan lang naman ko sa trabaho na to." Kada may gustong maglabas sakin nagfflashback lahat ng mga memories sa utak ko. "Lena, Anak. Halika dito may bisita tayo." Tawag ni Papa sakin. Agad naman akong lumapit kahit na busy ako sa pagbabasa ng libro. Nagulat ako ng may matandang babae na mga nasa 50's na siguro ang edad, hindi mo mahahalata na nasa 50's na siya dahil punong puno nang kolorete ang muka nito at napakasexy ng suot niyang bodycon dress. Nabalik na lamang ako sa huwisyo nang sumalubong siya sakin ng halik sa pisngi. " You're so pretty, and so damn sexy. What's your name dear?" Tanong nito sakin. "Magdalena ang pangalan niya Mam" pagpapakilala sakin ni Papa. Nginitian ko na lamang ang dalawa at umalis na. "San ka pupunta iha? Sasama ka sakin, hindi ba nasabi nang papa mo sayo?" Iyan ang mga katagang nagpatigil sakin. "Anak dun ka na muna kay Mam Cherry mo titira. Alam mong hindi ko na kaya na pagaralin ka pa, kaya nung nag-alok siya ng tulong hindi na ko nagdalawang isip. Para sayo din yun anak." His voice sound sincere, pero bakit ganon? Hindi siya makatingin sakin ng diretsyo? "Talaga pa? Mapagpapatuloy ko na college ko? Salamat po mam!" "Magayos ka na ng gamit mo Magdalena, aalis din tayo agad 6 hours ang biyahe papuntang Manila. Hindi ko pa naman sinama driver ko." Yung saya ko napalitan ng lungkot. Manila? Malayo yun dito kay papa, wala na nga si mama tapos iiwan ko pa siya? Ayoko, pero sayang isang taon nalang ggraduate na ako. "Anak, inayos ko na gamit mo kanina, magiingat kayo ni Mam Cherry, magpakabait ka." Umiiyak na si Papa, hindi ko alam kung bakit, siguro tears of joy kase makakapagtapos na ko ng pag-aaral. Pagdating namin sa kotse ni Mam Cherry ang maamo niyang muka ay biglang naging mataray, nilagyan niya ako ng posas sa kamay na ikinagulat ko. Sinubukan kong siyang kausapin kung bat ako nakaposas pero hindi ako nito pinapansin at nakafocus lang sa pagmamaneho. Nung una ay mahinahon pa ako pero nang makalayo na kami sa amin, nagsimula na kong maging histerical, umiiyak na ko dahil may masama akong pakiramdam pero hindi ako pinapansin ni Mam Cherry. "Pwede ba! Tumigil ka na sa kakaiyak? Nakakarindi! Kahit na buksan mo ng paulit ulit yang pintuan hindi mo mabubuksan! Isang beses pang magkulit ka, hindi lang posas ang ilalagay ko sayo tatalian ko na din yang bibig mo ng matahimik kana." Pabulyaw na sinabi sakin nito pero hindi ako nagpaawat. "Ibaba mo ko! Ibalik mo ko kay papa! Dito palang sa kotse hindi mo na ko tinuturing na tama! Ibaba mo ko dito, itigil mo ang sasakyan! Wala na kong pake kung hindi ako makapagaral!" Sigaw ko, itinigil niya ang sasakyan sa isang tabi kung saan walang masyadong tao. Tinitigan ako ng masama ni Tandang Cherry at biglang tumawa ng malakas. "At naniwala ka namang pagaaralin kita? Sabi ng tatay mo matalino ka? Bat hindi mo man lang naisip na ikaw ang binayad nang tatay mo sa utang niya? Magttrabaho ka para sakin, ano na kase pangalan mo? Madella?" "Magdalena! Tanga!" Pagkasabi ko non ay sinampal niya ako ng sobrang lakas na nagpamanhid sa muka ko. "Isang beses pa na suwayin mo at sagutin mo ako ng pabalang papatayin kita" natakot ako nang maglabas ito ng baril sa bag niya. "Parang awa mo na mam, ibalik mo na ko sa papa ko, Ayoko na pong sumama sayo." Sobra na ang iyak ko at na halos hindi na ko makahinga dala na rin ng takot. "Magdalena, darling, gusto ko lang ipaalam sayo na wala ka nang babalikan. Pinapatay ko na siya" pagkatapos niyang sabihin iyon ay sobrang lakas ng tawa nito. "At sa ayaw at sa gusto mo magttrabaho ka para sa akin. Malaki ang pakinabang ko sayo, bata ka at maganda, siguradong mabenta ka" pagkatapos niyang sabihin yun ay sinampal pa ako muli nito nang magsasalita pa sana ko. Wala na kong ibang magawa kundi ang umiyak nalang, bukod sa galit ko kay Cherry ay hindi ko maalis na magalala sa papa ko hindi ko alam kung totoo, gusto kong tumakas gusto ko lumaban, pero sobrang hina ko. Wala akong magawa. "Hoy Mars! Tulala ka nanaman, kung ayaw mo dun ako nalang, ako na next na magpperform eh, see you later mare!" Hindi ko alam kung bakit parang okay lang sa kaibigan ko ang mga ginagawa niya, parang walang kahirap-hirap para sakanya. Napatayo na lang ako sa kinauupuan ko ng tinawag ako ni Mam Cherry nang sobrang pagkalambing. "Lenaaa darling" kumaway pa ito sakin. "Sir Cris, siya po si Magdalena, Lena for short." Napakalaki ng ngiti nito. "Lena, siya si Sir Cris, pogi no?" Pagkasabi niya non ay binulungan niya ko ng palihim. "Anak ni mayor. Wag kang maarte" tama nga ang sabi ni Bianca, gwapo nga si sir Cris. "Nice to meet you sweetheart." Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko, hinablot ko agad ang kamay ko at sinampal siya. Nagulat siya sa ginawa ko habang si Mam Cherry ay halata mong nagagalit na. "Sir, kausapin ko lang saglit tong alaga ko ha?" Pagkatapos niyang sabihin yon ay palihim niya kong kinurot at hinila palayo nang konti kay Sir Cris. "Dalawang buwan ka na dito at hindi ka pa rin nagpapalabas sa mga customer! Alam mo bang nawawalan ako nang customer dahil sayo! Pinagbigyan na kita sa mga iba mong inayawan ha? Anak ni mayor yan malaking kikitain ko jan! Say sorry and come with Sir Cris or else I'll kill you! Bibigyan nalang kita ng drugs mamaya para malakas loob mo ha?" Sa puntong ito alam ko sa sarili ko na talo na ko, at wala akong magagawa kundi ang sumunod kay Cherry. "Sorry Sir, my baby was just playing hard to get with you. It's one of her techniques to seduce handsome customers like you" napangiwi naman ako sa sinabi ni Cherry, atsaka naman ay inabot ako kay Cris. Nag-abot ng malaking envelope si Cris kay Cherry na nagpaningning sa mata nito, alam kong pera ang laman non at sigurado akong napakalaking halaga non sa kakapalan nito. NASA loob kami ng isang malaking kwarto, at pakiramdam ko ay dito dinadala ni Sir Cris ang mga ginagamit nyang babae. Itinulak kaagad ako sa kama ni Cris at hinalikan nang may panggigigil, halata mong lasing ito dahil sa galaw at nalalasahan ko ang alak sa kanyang bibig, nang mabalik ako sa huwisyo ay tinulak ko ito ng sobrang lakas na nagpabitaw sa halik namin. "Anong inaarte mo? Are you still playing hard to get with me, lady? No need to seduce me, I'm already turned on, big time. Malaki ang ibinayad ko sayo kaya galingan mo." Pagkatapos non ay humiga ito habang hinihintay ang gagawin ko sakanya. "Pleasure me" sinabi nito habang nakapikit. Para akong tuod na nakatayo sa dulo ng kama niya hindi ako makagalaw gawa ng takot ko. Ngunit napalitan ang takot ko nang awa nang makita at marinig kong umiiyak si Cris. "f**k! Ano pa ginagawa mo? s*x tayo! Paligayahin mo ko!" Hinila ako ni Sir Cris sa kama at pinilit muling halikan. "Huwag po! Parang awa niyo na! Ayoko please!" nagpumiglas ako ngunit sobrang lakas niya, naramdaman ko na lang na tumigil na ito sa pamimilit sakin ng bigla akong umiyak. "Binayaran na kita pero ayaw mo parin sakin! Puta lahat nalang!" Sigaw nito habang nakikita kong nagbabadya nanaman ang luha sa mata niya. Pumunta siya sa cabinet at may kinuha nang makita niya ang jacket ay binato niya sakin yun. "Isuot mo yan. Aalis tayo" Lumabas kami sa Condo niya at kasalukuyan kaming nasa harap ng motor niya. "San ka nakatira? Ihahatid kita." Nagulat ako nang bigla niya akong kausapin. Hindi ko alam kung sasabihin ko bang nakatira din ako sa bar, kung maaga aong iuuwi nito malalagot ako kay tandang Cherry. "Ano? Di ka sasagot? Sakay." Pagkasabi niya non ay umangkas na ko sa motor niya, di ko alam kung san niya ko dadalin pero mukang ito na yung best way para di ako saktan ni Cherry. Nung una, akala ko na ibabalik niya ko sa bar at isusumbong ako, pero nagulat ako nang makita kong nilagpasan namin ang bar at dumiretso kami sa tabing dagat. Hindi ko nga alam kung galit ba siya o hindi dahil sobrang bilis niya magpatakbo ng motor, wala pa naman kaming helmet. NASA tabi kami ng dalampasigan nakatambay. Sa isang beach resort kami pumunta. Iniwan niya ako saglit, may bibilin daw siya. Pagdating ni Sir Cris, ay may dala dala na siyang isang bucket ng alak. "You dont want to f**k? Drink with me then." Kanina pa ako hindi nagsasalita at hindi kumikibo, nakadalawang bote na siya ng alak bago ako uminom para sa unang bote ko. Nakakarami na kami ng inom at pakiramdam kong nagiging komportable na kami sa isat-isa dahil kung ano ano na ang kinekwento namin sa isat isa. "Alam mo iba ka, Lena" sinabi niya ito sakin ng nakatitig sa mata ko. "At pano naman ako naging iba, Cris?" Cris nalang ang tawag ko sakanya, masyado daw formal kung may sir pa. Eh anak LANG naman daw siya ng mayor. "Nagttrabaho ka sa club diba? Bat di ka nagpagalaw sakin? Hard to get ka lang ba talaga o napipilitan ka lang sa trabaho mo?" Kahit lasing na ako, pakiramdam ko hindi ko dapat ikwento ang buhay ko kung kani-kanino lang. lalo na kay Cris, kakakilala palang namin. "Ano naman sayo kung napipilitan ako, o pa-hard to get lang ako? p****k pa rin naman tingin mo sakin, wag mo na isipin yun" mayabang kong pagkasabi. "Bat ka umiiyak kanina? Di ba dapat ako ang umiiyak? Hahaha!" Tawa ako ng tawa dahil naalala kong umiyak siya kanina habang gusto niyang paligayahin ko siya. Nagulat nalang ako ng bigla itong humikbi. Natigil ang pagtawa ko at hinawakan kamay niya. "Makikinig ako." Pagkasabi ko non ay tinitigan lang ako ni Cris sa mata at nagsimula na siyang magkwento. "She cheated on me.. ang sakit, ang sakit sakit" sa totoo lang ngayon lang ako nakakita ng lalaking nagddrama para sa babae. "I thought we were okay. Sometimes we fight, but that's normal in a relationship, right? Last week, I was about to surprise her for our 3rd anniversary, but things f****d up. I saw her in her room.. Having s*x with my cousin." "Ha? Bullshit naman yan! Ano ginawa mo?" Di ko na napigilan magmura nakakagigil kaya. "Tinapon ko ung cake sakanila habang magkapatong sila. Nagulat sila, iniwan ko sila don. Hanggang ngayon nagssorry siya, hindi ko pinapansin.Pero, mahal ko eh, at ang sakit. Kaya eto ako ngayon nagpapakalasing kasama ka." Tuloy tuloy lang ang patak ng luha sa mata ni Cris. Hindi naman ako marunong magcomfort kase lalo na sa mga ganitong sitwasyon. Para maiba, ako naman ang nagkwento. "Alam mo ba, last week ko lang nalaman na patay na tatay ko. Totoo pala yung sinabi ni Cherry na papatayin niya si tatay. Alam mo ang sakit kase wala kang magawa at wala ka man kang nagawa. Pero kahit gustong gusto ko na mawala sa mundo, gusto ko ng hustisya para sa papa ko" Malungkot ung mata ni Cris na parang sinasabing sorry sa pagkawala niya. "Na stuck na ko jan sa night club na yan. Ayoko talaga eh, nung sinubukan kong tumakas isang linggo akong ikinulong sa kwarto, hindi ako pinakain o kahit ano. Sabi ko ok na yun, para mamatay na ko. Pero syempre iniisiip ko si papa" Napatigil si Cris sa pagiyak "Bat ba anjan ka sa club, kung ayaw mo naman talaga? Pwede kitang tulungan malakas impluwensya ko alam mo yan." Hindi ako nakapagsalita, ayoko magkaron ng utang na loob sa lalaking to. "Ano ka ba, nagkwento ka, kaya para fair nagkwento din ako. Iinom nalang natin kase. Ubusin na natin tong natira." Nakakaapat na bucket na ata kami at gusto pa niyang umorder Lasing na lasing na kami at sayaw na kami ng sayaw dito sa tabi ng dagat. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng saya at hilo at the same time. Para kaming mga sira ulo, sa totoo lang. pinagtitinginan na nga kami ng staffs eh. Nagulat ako ng bigla nalang akong natumba, dala siguro ng hilo at kalasingan. "Okay *hik* ka lang ba *hik* Magdalena?" Sinapak ko siya. "Sabing Lena eh. *hik*" sasampalin ko sana ulit siya kaso nahawakan niya ang kamay ko at pinatong iyon sa mga balikat niya. Nagkatitigan kami. Dala ng malamig ng simoy ng hangin, Tunog ng alon sa dalampasigan, sa ilalim ng buwan at milyon-milyong bituin sa langit. Wala nang mas perfect pa para sa isang halik. Nagkatitigan na muna kami bago lumapit ang muka namin sa isat-isa. Kaso bago pa kami magkadikit, bigla akong nasuka. Hiyang hiya ako at diring diri ang itsura niya. Sinira ko ung napakagandang moment. Inabot niya sakin ang panyo niya pero tumanggi ako at dumiretso sa cr. Paglabas ko, nakita ko na hinihintay ako ni Cris sa Counter, malapit lang kase ang cr sa counter. Palabas na ko ng biglang may humatak saking lalaki. Tinakpan niya ang bibig ko at saka hinipuan. Di ako makasigaw dahil sa pagtakip niya sa bibig ko. Nagulat nalang ako ng bigla nalang bumulagta ang lalaki sa sahig at nagsilabasan ang mga kasamahan niya para itayo siya. Sumenyas na ako kay Cris na umalis na doon para hindi na makagawa pa ng gulo. Nasa tabing dagat na uli kami at kinakalma niya ang sarili niya. "Ayos ka lang ba Lena?" Tumango na lamang ako bilang sagot. Tila ba nawala ang kalasingan namin dahil sa nangyare kanina. Inabutan niya ko ng malamig na tubig at pinaupo. Tahimik naming pinagmamasdan ang dagat at langit. Napatingin ito sa orasan nito nang makita niyang humikab ako. "Mag-aalas kwatro na pala" sabi nito sabay tingin sakin. "Ihahatid na kita." Pagkasabi niya non ay dumiretso na siya sa motor niya. Nang makarating kami doon ay isinenyas niya na sumakay na ako. Habang nasa biyahe kami ay bigla niyang sinabi na kumapit ako ng mabuti sakanya. "Lena, kapit ng mabuti. Wag kang bibitaw kahit ano mangyare. Sorry" hindi ko maintindihan kung bakit siya humihingi ng sorry, siguro nang dahil sa kanina. "Ano ka ba wag kang magsorry, wala kang kasalanan sa nangyare kanina" pagpapahinahon ko rito. " Lena hindi yun." Napatigil ako at napahawak nalang nang mhigpit sakanya nang makita kong lumampas na kami sa bar at hindi parin kami tumitigil. "Cris, lampas na po tayo." Hindi niya ako kinibo at hawak parin nito ang preno at tila nanginginig na ito. "Lena, sira ang preno. Napagtripan ata tayo ng mga lalaki kanina. Kumapit ka." Wala akong masabi, nabalot ako sa takot. Sobrang higpit ng kapit ko kay Cris. Hindi ako makasigaw, hindi ako makapagisip ng mabuti. May naririnig akong paparating na bumbero. Nakasalubong namin ito. "Ok lang ba sayo na magdirediretso tayo hanggang sa maubos ang gas?" Tanong nito. Um-oo nalang ako agad bilang sagot. Sumulyap kami sa pinuntahan ng mga bumbero at napansin kong sa bar yun. Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o malulungkot sa nangyayari. "LENA KAPIT!!!" Sigaw ni Cris at napasigaw na rin ako ng makita kong may dalawang truck kaming makakasalubong. Sumisigaw nalang ako hanggat kaya ko. At hinayaan ko nalang na mamuti ang paligid ko. End. --

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

Rewrite The Stars

read
101.4K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook