bc

Along Came Art Apollo

book_age18+
45
FOLLOW
1K
READ
billionaire
family
powerful
confident
doctor
bxg
campus
city
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

"At talagang hanggang dito sinusundan mo ako?"

"Ano kamo?" biglang harap niya.

"Are you talking to me?"

"Who do you think I'm talkin to? Kababae mong tao sunod ka ng sunod sakin."

"HAHA!" sarkastiko nitong tawa. "Are you insane? Why would I follow you? Care to tell me, what were you thinking?"

"Don't tell me you're interested at me," he smirked.

"Duh! Hope you're okay.The party isn't starting yet, but it seems you're already drunk.

"Oh, stop denying. I know very well a girl like you."

"Really?" then she laughed that made him more annoyed.

Suddenly, Raven came closer and rested her palms on his shoulder. Her lips was almost touching his ears. His breathing become erratically.

"You're inside my territory," she smirked. He was left dumbfounded.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Art Apollo's P.O.V Isang taon nalang makaka-graduate na din ako. I honestly don't know why I was too excited to get to school today. Pero tingin ko nakakadagdag sa excitement yung makita si Jessica. Almost six months na din akong nanliligaw kay Jessica and I could say na although patagal ng patagal mas lalong nagiging malalim yung pagtingin ko sa kanya. Kung pwede ko lang tanungin na maging girlfriend ko na edi ginawa ko. But, on the other hand, I know she wants assurance na kaya kong tumagal sa pagtitiyagang manligaw. Naging routine ko na din yung pagsundo sa kanya papuntang school and paghatid pauwi. Pero minsan di na kami nagkakasabay as sobrang busy sa school and trainings ng basketball. During our vacations, mas madalas trainings namin dahil na rin last year na namin ito sa high school and gusto ni Coach Mike na school pa din ang champion. Pagbangon ko diretso na ako ng bathroom then harap sa mirror, "Gigising pa din akong gwapo kahit puyat." After maligo, I went downstairs, "Good morning Manang!" paunang bati ko. Masaya kong iginala ang paningin sa breakfast that she prepared. "Good morning! Oh hijo, mag-umagahan ka na. Anong oras ba ang pasok mo at ang aga mo yata ngayon?" baling ni Manang Lydia. "Papunta po ako kina Jessica at sabay kaming papasok," napapangiti kong sabi. "Siya kumain na, at ng di ka ma-traffic paroon kina Jessica." Agad naman akong sumandok ng friend rice and sunny-side-up at kumain. Matapos ang kalahating oras nakarating na din ako sa village kung saan nakatira sila Jessica. "Good morning, Sir! Anong sadya nila?" tanong ng guard. "Dyan lang po sa Santos residence," sagot ko. After ng phone call agad naman akong po pinatuloy. Pagkarating ko sa tapat ng bahay nila, I went out of the car and knocked on the gate. Ang nagbukas ng gate ay ang kanilang katiwala. Malugod ko siyang binati at pinatuloy ako. Kilala na ako ng katulong nila. Sino ba namang hindi makakilala sa isang, 'Art Apollo Ramos.' Kidding aside! Mas madalas kasing dito ang diretso namin nila James & Roy after ng training. James is Jessica's cousin pero nito ko lang nakilala si Jessica because I used to stay in the U.K wayback elementary. I went to the sala and waited Jessica there. After a few minutes, bumaba na siya. Nakangiti siyang bumati sa akin at ganon din ako sa kanya. Naka-uniform na kami although first day of school. Since, di rin naman kami transferees, so why wouldn't we wear it, diba? She's wearing red lipstick. Sanay na akong makita si Jessica ng naka-make up. "Let's go," she uttered. Nagkamustahan lang kami while on our way to school. Ito na yung usual routine namin ni Jessica. Walang nagaganap na malaking away sa amin kahit pa ilang months na din simula nung manligaw ako. Di na kami nagkita kahapon dahil pasukan na din. As I parked, I went quickly out of the car and opened the door for her. "Thank you, Art!" she then smiled genuinely. Isa iyon sa mga bagay na nagustuhan ko kay Jessica, mabilis pakisamahan sa lahat ng bagay. Kung baga walang hassle, pag gusto ko nagugustuhan niya. "I'll see you later, then" usal ko. I kissed her on the cheek. "Let's have our lunch together. I'll wait you in the canteen," dagdag ko at mabilis na tinahak ang daan papunta sa locker area. Pagpasok ko ng locker room agad na nagbulungan ang mga babae. 'Tsk... kakasawa ng maging gwapo.' Agad na lumapit si Jade at hinaplos ako asa braso. Mabilis na dumaloy ang dugo ko sa sintido. Naiirita talaga ako sa ganitong babae. Pinigilan ko ang aking sarili na mapasinghal. "Jade, what is it?" pilit ko mang pigilan ang inis ko ay kusang lumabas kung paano kong iyon sinabi sa kanya. "Hey, Art don't be mad. Gusto ko lang malaman kung anong Strand ang i-take mo ngayong senior?" she asked flirtatiously. "STEM. And if that's what you only need to know, get off your hands of me, now" tiim bagang kong ani. Maya-maya ay agad na inalis ni Jade ang pagkahawak nito sa braso ko marahil ay napansin niya na ang iratable kong boses. Pagkaalis ni Jade at ng mga kasama niya ay siya din dating nila James and Roy. "Good morning, lover boy!" ngingisi-ngisi niyang bati. Binati ko naman sila. "Mukhang bad mood bro," ani ni Roy kay James. Pinagkunutan ko siya ng noo at agad na padabog isinara ang locker. Nagpauna akong lumakad, kinakalma ang sarili. 'Hindi pwedeng badtrip ako ngayong araw.' Sabay-sabay na kaming naglakad papunta sa room. Pagpasok ay inilapag ko ang aking gamit at pumunta sa pintuan. Pumuwesto ako kung saan kinasanayan kong pwesto. Sumaandal ako sa pintuan animo'y gwardya, pagkuway nagmamasid sa mga dumadaan. Mayamaya'y nawili na ako't nakikitawa na sa kalokohan na pagbati ni Roy sa bawat babaeng madaraan doon. "Bro, look at that" turo niya sa gawing harapan, naglalakad papunta sa room namin. Hindi naka-uniform? Nakasalamin, saksakan ng tangkad parang di babae at higit sa lahat sabog ang buhok na isa pang ayaw ko. Pag-angat ng ulo niyo kitang-kita ko ang pagpukol ng tingin niya sa akin. Dire-diretso siyang naglakad na nakatitig pa rin ang mata sa akin. Nainis ako sa paraan ng pagtitig niya. Hindi iyon normal! Iyon ang tinging naghahamon. Nang makatapat sa pinto ng room ay tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. ABA! Hindi ba ako nito nakikilala? Tumayo ako ng diretso at pinandilatan siya, "Hoy! Hindi mo ba ako kilala?" "Do I need to know you? Nothing seems interesting in you," she chuckled sarcastically. Iginuyod niya ang paningin sa kabuuan ko ng sabihin iyon. Mabilis na nag-init ang ulo ko. Agad akong nakaisip ng mas makakagaan sa pang-iinsulto niya sa akin. Nang tumalikod siya at naglakad papasok ay siya ding pagpatid ko sa kaliwang paa niya. Nawalan ng balance ang katawan niya na syang nagdulot ng paglagapak sa sahig. Nangibabaw ang tuwa sa akin. Biglang nagkumpulan ang mga estudyante sa harapan ng room namin. Nagulat nalang ako sa paglapit ni James sa babae. Hahawakan na siya ni James para tulungan ngunit mas mabilis itong nakatayo na parang walang nangyari. Tiningnan lamang nito si James na parang walang pakialam. Tumitig siya sa akin ng diretso, pero wala akong mabasang emosyon doon. Nilampasan niya ako na parang hangin at salampak na umupo sa likuran. Pag minamalas ka nga naman doon pa napiling umupo sa puwesto namin. "Hoy, excuse me! That seat was taken!" asik ko. "May pangalan mo?" "Ano kamo?" "Tsk... stupid!" iyon lang at agad din siyang lumipat sa likuran ng upuan namin. Akala mo kilala mo na binabangga mo dito. Ilang minuto pa ang lumipas, tumunog ang bell na siyang hudyat na oras na ng klase. Nagsipagtakbuhan ang mga kaklase namin papasok sa room at nagsiayos ng upo. Maaring papasok na sa room ang unang instructor namin. Sa kamalasmalasan nga naman first subject pa talaga ang Chemistry. Napatingin ako sa likuran at nakita ko ang sabukot na babae na nakapandekwatrong upo at nakapikit. Lakas mag-imagine ehh. Napaka-weirdo. "Good morning, everyone!" di ko namalayan na naroon na pala ang aming instructor. Agad kaming tumayo at bumati. "Good morning, Ms. Endrinal!" Napakaistricta niyang guro lalo na pag oras ng klase. "So, before we start, introduce yourself first," turo niya sa likuran namin. Tumayo ang babae at diretsong tumingin sa unahan. Nagdiretso sa pagsasalita si Ms. Endrinal, "By the way students, di niyo na kailangan magpakilala pa isa-isa since old students na kayo dito and siya lang ang transferee here in our section." Pinaunlakan niya ang mga sinabi ni Ms. Endrinal at malumanay na nagpakilala. Bigla akong napangiti sa naisip ko. 'Malalaman ko din ang napakapangit mong pangalan katulad mo.' Bulong ko sa sarili. Umiling na lamang si Roy na parang narinig ang mga naiisip ko at tumingin sa gawi ng babae. Weird! "Good morning! I'm Dominique Raven Ellsworth Rowans," iyon lamang at agad din siyang umupo. Di na ako makalingon. Iba sa pakiramdam ang boses niya. Na parang may awtoridad na kilalanin mo siya kahit ganon kaikling detalye ang sinabi niya. Ni hindi ko nakitang ngumiti siya kahit sa mismong instructor namin. Ang mismong araw na ito ay silbing orientation lamang. Nagbigay lang si Ms. Endrinal ng mga materials na kailangan namin sa subject niya and konting explanations abt' sa subject at dismissed na din agad. Patayo na ako ng biglang lampas ni Bryan. Akala ko'y ako ang kakausapin ngunit nagkamali ako. Bumaling ang atensyon sa likuran. Magiliw na kinakausap ni Bryan ang babaeng sabukot. Babaero iyan pero ang tipo yata ngayon ay dugyot. 'Tsk... pangalan lang maganda sa'yo.' Nagulat nalang ako sa pagtapik ni Roy na nagpakawala ng nakakalokong tawa. "What?!" angil ko. Humagalpak ng tawa si Roy at tinapik ako sa braso. "Masyado kang hot ngayong umaga," ani nito. Sinamaan ko siya ng tingin ang nagpaunang lumakad papuntang canteen. Hindi ko na naisip pang itext or tawagan si Jessica. Pagpasok namin sa canteen ay agad kaming pumuwesto sa table malapit sa gawing bintana. Una na akong tumayo para umorder. Bigla akong natuliro ng malaman na ang nasa unahan ko ay siyang sabukot. "I'll have clubhouse sandwich and one coffee, " ani nya. Ni hindi manlang naisip gumamit ng 'po at opo.' Anak ng napakabastos pala magsalita. Masyadong casual makipag-usap. "Tsk... napakabagal," nasabi ko sa kawalan. Nagkibit balikat lang siya at mabilis na umupo sa malapit sa mesa namin. Wala manlang siyang kasama kumain. Nang makaorder na kami ay naupo at agad ding kumain. "Art why did you do that?" agad na tanong ni James. Kaya naiinis din ako minsan pag nandyan si James masyadong mabait at kj type. Leche naman talaga. "What?" maang ko. "Art alam mo namang babae iyon pinatid mo pa. Are you out of your mind? Ano bang ginawa niya sa'yo umabot sa ganon?" Napaisip ako ng idadahilan. Leche naman kasing babae iyan. "Kung di niya ako ininsulto di mangyayari iyon," angil ko. "Para iyon? Porke't di ka kilala?" agad na sabat ni Roy. "I still remember what she'd said earlier. Do I need to know you? Nothing seems interesting in you," dagdag pa niya habang ngumingisi. "Hindi lang kasi matanggap ng ego mo na may typical na babae na di kilala ang 'The Great Art Apollo Ramos.' At mas lalong di katanggap-tanggap para sa'yo na di siya interesado kung sino at ano ka dito. Masyado mong hinahanap yung paghirit ng mga babaeng nagkakandarapa sa'yo. Well, I could say she's gorgeous," ngiti niya ng bitawan ang mga salitang iyon. Halos mabilaukan ako sa narinig ko sa kanya. Anak ng tupa bulag ba ito o nahihibang? "Ano kamo? Gor- gorgeous?" I stuttered. Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko and he nodded. "You're helpless, " usal ko. Parang kakaiba ang pananalita na iyon ni Roy para sa akin. Hindi siya mabilis ma-attract sa babae at kung nagkataon naman na ganon ay may isang bagay na nakita niyang gusto niya sa babae. "She has beautiful name," baling nito sa amin ni James. "I agree on that matter but it's the only beautiful thing she holds," nasusuya kong sabi. "I don't wanna talk about this anymore," pigil ko ng makitang magsasalita na naman si James. He laughed, "I was about to asks where's Jessica?" "She's still in her class," James nodded. Sa totoo lang okupado na ang isip ko mula nung makita ko ang sabukot na iyon. Pagkatapos ng breaktime ay pumunta muna kami sa c.r bago kumuha ng gamit sa locker. Pagdating namin sa classroom agad na isinuyod ang aking paningin tila may hinahanap ako. There she is, quietly sleepin'. Kababaeng tao nakakatulog kung saan-saan. Nakalaylay ang kamay at nakatungo sa armrest. Bahagya pa akong tumingin sa likod kung may nakatingin sa akin. Naupo na ako sa harap ng upuan niya. May kung anong nagtulak sa isipan kong ituloy ang iniisip ko. Nagmadali akong nagpunta sa likod ng armchair at tinanggal ang sintas ng converse shoes niya. Nasa kalagitnaan na ako ng pagtatali sa sintas niya sa armchair ng biglang dating ni Roy. His eyes widened, "What the hell! Stop it Art!" Pinangunutan ko siya ng noo, "What, why?" Iniwan ko na ang naunang pagtali ko sa paa niya at sumalampak sa upuan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ex-wife

read
241.2K
bc

A Night With My Professor

read
544.2K
bc

Sexytary |SPG|

read
570.4K
bc

The Professor's Wife

read
465.8K
bc

Law of Love (Buenaventura Series #1)

read
44.2K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Wildly and Desperately (TAGALOG/SPGR18+)

read
657.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook