Dumaan ang lunch break na halos na di namin nakita sa canteen ang transferee. Tanging sina Bryan, Janus at Daizelle ang nakita ko sa tapat ng table namin. Mamaya ay History subject namin kaya di maaring malimutan ko sa locker ang handouts kundi ay lagot ako nito sa napaka terror na teacher namin si Sir Cinco.
"Pre punta muna ako ng locker," paalam ko kina Roy at James.
"Sige don't be late at huwag mong kalimutan handouts mo kundi ay lagot ka na talaga doon," tawa nito.
Pagpasok ko sa locker room ay doon ko nakita ang transferee sa bench. Pikit na pikit ito. Nakapagpalit na siya ng damit. Pagkalaki-laki ng suot nitong t-shirt. Nagmulat ito ng mata at agad sinuot ang eyeglass niya. Tumingin lang ito saglit sakin at ng akma na itong pupunta sa locker niya ay bigla kong pagharang. Tumikhim lang ito.
"Anong karapatan mong pagsabihan ako kanina?" angil ko.
"Talaga? Parang di ko matandaan na pinagsabihan kita," sagot nito.
"Kung inaakala mong magiging madali ang pag-aaral mo dito nagkakamali ka," ani ko.
"Hahaha. Alam mo unang araw ko pa lamang dito ay pakiramdam ko nakasalubong ko na si Satanas," saad nito. Kahit pa di mahimigan ng pang-iinsulto da boses niya ay insulto iyon para sakin.
"Ako ba ang tinutukoy mo?!" sigaw ko.
"Di ko pinangalanan ang Satanas na tinutukoy ko. Paano mo namang nasabi na ikaw iyon?" balik tanong nito. Ganon na lang agad pag-init ng ulo ko. Nahila ko ang braso niya at gulat ako sa nagawa ko. Parang hanging naibato ko ang katawan nito sa locker. Napahampas ang noo nito sa locker. Ni hindi ko maramdaman kung gano ba ito kabigat. Pero ni hindi ko siya magawang tulungan dala ng inis sa lahat ng pang-iinsulto nito. Nagulat ako sa biglang pagpasok ni Sir Philip sa locker room. Ano namang ginagawa nito dito? Leche naman baka mapatawag ako nito sa office.
"Drae what happened?" paupong lumapit si Sir Philip sa kanya. Halata sa mata ni Sir ang concern. Drae? Bakit ganon tawag niya dito? Sa pagkakatanda ko Dominique Raven Ellsworth pangalan niya.
"Are you alright?" tuloy nito sa pagtatanong. Nag-angat ito ng tingin sa kanya. Wala akong mabasang emosyon sa kanya. Kitang-kita ko ang pagdugo ng noo nito.
"I'm fine," ani lang nito. Bahagya pa itong bumwelo bago makatayo ng ayos. Kaswal lang itong makipag-usap sa teacher namin.
"Drae you're not okay. I'll escort you to the clinic," ani pa nito. Naestatwa ako kung paano silang mag-usap. Ni hindi ako tinitingnan ng transferee.
"Please huwag na. I'm fine," tuluyan na itong lumabas ng locker room. Agad din itong sinundan ni Sir Philip. Lutang akong pumasok sa room. Ni hindi ko alam kung paanong hindi manlang siya gumanti sa ginawa ko. Ni sigaw o panibagong sapok galing dito ay wala akong natanggap. Dapat ba makonsensya ako? Sobra na ang galit ko sa pang-iinsulto niya.
"Art ayos ka lang ba?" sabay na tanong ni James at Roy.
"Huh?"
"Lutang ka ha. Ano bang nangyari?" tanong pa nito.
"O-oo ayos lang," utal kong sagot. Nagsipasukan ang mga kaklase namin ng pag ring ng bell. Makalipas pa ang ilang minuto dumating na din si Sir Cinco. Agad itong bumati.
"Good afternoon students!"
Agad kaming tumayo, "Good afternoon, Sir Cinco!"
Ilang minuto na din ng mag-umpisa ang klase. Nasa kalagitnaan kami ng discussion ng dumating ang transferee. Kita ang benda sa noo nito.
"Good afternoon Sir Cinco! I'm sorry for being late. I just had ran errands," pagpaumanhin nito.
"I remind you students na bawal ang late diba?" baling tanong sa amin.
"Transferee ka kaya dapat marunong kang sumunod sa patakaran ko. Matuto kang rumespeto sa panuntunan ng school na ito," ani ni Sir.
Diretso itong tumingin kay Sir Cinco, "Being late does not mean of disrespecting your rules, especially the rules of this school."
Nanlaki ang mga mata ni Sir Cinco sa mga sinabi nito.
"Akala mo ba'y di ko alam ang mga usapan dito tungkol sa'yo? Kababae mo tao napaka basaghulera mo," asik nito. Tiim bagang itong tumingin kay Sir, pagkuway nagpipigil ng galit. Nanatili itong nakatayo sa pinto ng room. Kitang-kita ko ang patakbong pagdating ni Sir Philip. Ano na namang masamang hangin nagdala sa kanya dito sa room? Besides, kanina pa tapos subject namin sa kanya.
"Sir can I have a minute with you?" ani nito kay Sir Cinco. Tumango lang si Sir at lumabas ito para kausapin si Sir Philip.
"You may get in there Drae," marahang utos nito sa transferee. Anong karapatan niya? Subject teacher ba namin siya ngayong oras na ito?
Diretso itong nagtungo sa upuan niya na parang walang kaklase na nakatingin sa kanya. Ilang minuto pa ang lumipas at bumalik si Sir Cinco sa loob ng room.
"Next time Ms. Rowans di kita tatanggapin sa klase ko unless emergency ang reason or you have parents consent," paalala nito.
Nagtuloy-tuloy sa klase si Sir. At gulat kami sa biglaang pagtawag nito sa transferee.
"Ms. Rowans can you give us your idea about GMO?" Tumingin ito sa kanya at tuloy sa pagtayo. Ngayon ka magyabang!
"Sir pardon," usal nito. Pardon, pardon ka pang nalalaman. Huh... tingnan nalang natin kung may maisasagot ka.
"Explain G.M.O or your understanding abt' it," paliwanag ni Sir Cinco.
"Genetically modified organism (GMO) or involving of genes," ani nito.
"Is that all?" tanong ni Sir.
"No, Sir."
"Then, furthermore..."
"O-Organism whose genome has been engineered in the laboratory in order to favour the expression of desired physiological traits or the generation of desired biological products. In conventional livestock production such crop farming, and even pet breeding, and it has long been the practice to breed select individuals of a species in order to produce offspring," nautal pa ito nung una.
"Did you understand that?" baling ni Sir sa amin ng makaupo na ang transferee.
"Yes, Sir" we answered in chorus. Ni hindi yata ito dinaanan ng kabobohan. Hays... San ka ba galing na school? Sino ka ba talaga? At bakit ganon ang pagtawag ni Sir Philip sa kanya?
"Be prepared for tomorrow's quiz," ani ni Sir Cinco.
"Sir ilang items po?" tanong ni Jade.
"It's just a short quiz. It'll be 150 items," direktang sagot ni Sir. Short quiz sa kanya iyon? Ano nalang kaya pag long quiz na? Naman oh! Siguradong bagsak na naman ako at iyon ang di dapat nangyari ngayon lalo't graduating na ako. Nang magpaalam si Sir ay agad na tumayo si Roy at pumunta sa likuran. Takang napalingon ako. Nakaupo na ang loko sa tabi ng transferee. Tumalikod nalang ako sa sinalpak ang earphone. Inilagay ko iyon pero di ko ginawang mag play ng music.
"Hi I'm Roy," sabi nito.
"Ah hi..." sagot nito na di manlang nagkubling ibigay ang pangalan. Napakataas talaga ng tingin sa sarili.
"You're Dominique, right? Hehe," napapahiyang ani ni Roy. Ni hindi ko manlang marinig na sumagot ito sa tanong ni Roy.
"Can I ask what happened to your forehead?" tanong nito.
"Eh nagtatanong ka na nga eh," kaswal nitong sagot. Napatawa si Roy sa naging sagot nito.
"Eh ano nga ba nangyari dyan?" ulit ni Roy.
"Ah.... wala naman.... nauntog lang,"iyon lang ang naging sagot nito. Napaayos pa ako ng upo ang akala ko'y sasabihin nito kay Roy ang nangyari kanina.
"Grabe naman pagkakauntog mo at ganyan ang benda," ani nito.
"Ah... Haha," narinig ko ang bahagyang pagtawa nito. At ang siraulong ito marunong pa lang tumawa? Akalain mo nga naman. Tsk...
"Di ko kasi napansin yung bukas na locker eh sa tangkad kong ito nakantuhan yung noo ko," sagot nito kay Roy. Nak ng tupa mayabang na eh sinungaling pa.
Pero pasalamat nalang talaga ako at di manlang ito nagkwento kay Roy. Mukhang di rin talaga ito palakwento ng kung ano mang nangyayari sa kanya. Takot naman pala sakin. Haha.
Dumating si James at agad na itong umupo sa tabi ko. Batid kong galing na naman ito sa Business Administration Department. Nagulat ako sa biglang pagsiko nito.
"Oy ayos ka lang ba Art?" tanong pa nito. Tumango lang ako bilang tugon.
"We have meeting tomorrow with the team," ani James.
"What time ba?" balik tanong ko.
"After class pa naman daw." Habang nasa gitna kami ng usapan ay dumating ang aming Filipino teacher.
"Magandang hapon!" bati ni Ms. Arcobal. Agad kaming nagsitayuan at bumati din. Bukas ay may Values subject kami kaya alam kong ako na naman mapuputukan nito sa room. Inaamin kong bully ako estudyante pero may dahilan ngayon kung bakit ko nasaktan ang transferee na iyon. Masyado niyang inuubos ang pasensya.
•••
Dominique Raven Ellsworth's P.O.V
Pagkatapos ng klase ay agad akong lumabas at diretso sa dala kong bike. Oo bike, as in bicycle - bisikleta huwag engot hindi scooter or motor na iniisip niyo. Malapit ng maubos ang pasensya ko. Ang akala ko'y pag nakalipat ako ng school magiging tahimik buhay ko mas pinagulo pa nito. Anyways, wala naman akong problem either sa schoolmates or classmates pa before. Yes, siguro may naiinis sakin sa personality ko pero di tulad dito na parang mga demonyo ang estudyante. Tsaka halos lahat ng ka-close ko sa pinanggalingan kong school eh lalaki. Kaya napapaisip ako bakit ang kumag na ito galit na galit sakin. And worst, magsyota silang nagkakampihan. Pangit na kung pangit pakinggan ang magsyota pero iyon sila, parehong ugok! Ni hindi manlang makuhang magtanong bago mag-akusa. Eh ano pa bang magagawa? Mapanghusga sila animo'y kritiko. I've been just two days here, pero kung ano-anong sinapit ko na.
•••
Flashback (Monday)
Naglalakad ako sa hallway at kitang-kita ko ang mga nagkukumpulang estudyante animo'y may nakitang artistang gustong-gusto makita. Sa totoo lang nakakapagod umakyat ha, pang third floor pa ang room ko. Napukol ang tingin ko sa tatlong lalaking nakatayo sa labas ng isang silid.
"Bro look at that," dinig na dinig kong sinabi ng lalaki doon sa isa niyang barkada. Nagtaas ako ng tingin at doon ay nasisiguro kong ako ang tinuro nito. Bakit nga ba obvious? Ako lang naman ang naka civilian. Pulos naka uniform ang mga estudyante dito. Isa pa nasaakin ang paningin ng lalaki. Matangkad ito pero nuknukan ng payat. Diretso ko siyang tinitigan ng makalapit na ako sa room na iyon. Tsk... kamalas-malasan kaklase ko pa. Pinasadahan ko ng tingin mula ulo hanggang paa. Batid kong naiinis na ito sa akin sa pagkunot nito ng noo.
Tumayo ito ng diretso at pinandilatan ako, "Hoy! Hindi mo ba ako kilala?" tanong pa niya. HAHAHAHA patawa ka!
"Do I need to know you? Nothing seems interesting in you," sarkastikong ani ko. Hmm... akala mo ha. Nang pagtalikod ko ay di ko na napansin ang pagpatid nito. Lumagpak ang katawan ko sa semento. Nak naman! Masakit iyon! Hays... Nang akma na akong tatayo ay siyang paglapit ng isa sa kasama nito. Inilahad pa niya ang kamay tanda ng pagtulong ngunit ganon nalang ang naging pagtanggi ko. Tumayo ako at diretsong umupo sa likuran. At ang kumag lumapit na naman. Kulang ba ito sa pansin?
"Hoy, excuse me! That seat was taken!" angil nito. Sige lang sagarin mo ako.
"May pangalan mo?" kaswal na tanong ko.
"Ano kamo?" tanong pa nito na parang tanga.
"Tsk... stupid!" tumayo ako at doon na pumuwesto sa likuran ng upuan niya. Tsk... iyon nalang ang bakante eh. Pag dinapuan ka nga naman ng malas oh!
•••
Present
Gulat na gulat ako sa pagpasok sa apartment.
"Drew what are you doin' here?" agad kong tanong.
"Aren't you happy seeing me?" balik tanong nito. Umiling lang ako at nagbaling ng tingin kay Zoey.
"Paanong nakarating iyan dito?" nangunot na ang noo ko.
"Raven di ko naman alam na nakita ako niyan sa mall kanina nung kumuha ako ng pera sa bangko," nagi-guilty nitong sagot.
"Dapat tinaboy mo na siya di yung isinaman mo pa hanggang dito. Ano ba naman iyan Zoey," sabi ko.
"Drae I know di mo gustong ipaalam sa kanila kung nasaan ka. So don't worry your secret is safe with me," ani ni Drew.
Napabuntong hininga na lamang ako. Pag-upo ko sa sofa ay magaling ang mga mata nila sakin.
"What happened to your forehead?" sabay nilang tanong.
"Wala lang iyan. Malayo sa bituka," bulalas ko.
"Let me see, Drae. Huwag matigas ang ulo," hawak nito sa mukha ko. Bahagya pa itong naupo sa centre table at iniangat ang mukha ko. Masama akong tumingin sa kanya pero di natinag si Drew. Tinanggal nito ang pagkabenda.
"f**k!" angil ni Drew.
"It almost ripped," tuloy pa niya.
"Hoy huwag kang O.A baka paalisin kita," asik ko.
"Fine but lemme gamot this."
"Tsk... kaartehan mo bilisan mo na at umalis ka na," pagtataray ko.
"Ano ba kasi talagang nangyari dyan?" tanong ulit ni Zoey ng makabalik galing kusina. Hays... kahit kailan talaga ang ingat nito. Di makukuntento hangga't di sinasagot ang tanong niya pero di siya uubra sakin.
"Will you please just shut up?" ani ko.
"Oo na nga," nakanguso itong umupo malapit sakin.
Pagkatapos linisin ni Drew ang sugat sa noo ko ay nag-aya ng kumain si Zoey.
"Dito ka na din kumain Drew," agad na sabi ni Zoey. Tumingin muna sakin si Drew saka napakamot sa ulo.
"Ah next time nalang siguro Zoey. May duty pa din kasi ako then maaga pa ang pasok bukas," sagot nito.
"No kumain ka na dito Drew. And, wala ng next time para sa pagpunta dito," direkta kong sabi.
"Uyy Raven naman. Bakit ka ganyan?" tanong ni Zoey.
"Tsk... bahala nga kayo," angil ko. Alam kong kinausap pa ni Zoey si Drew bago ito tuluyang umalis.