Chapter Twenty-Six

1181 Words
LEXIEN PoV; Diko alam kung paanong pag uusap ang ginawa ng itay at ni Ma'am Esme at na papayag niya itong sumama sa amin pag balik ng maynila. Medyo nangalangan kasi ako nakaraan pag uusap namin na baka hindi siya sumama. Aantayin lang daw na matapos ang pag aani ng palay aabutin na lang daw ng dalawang araw kaya sobrang excited naman si Ma'am na sinabi niya iyon sa akin. 'Siya excited pero ako kabado bente' Pero bilib din ako sa itay ko kahit alam niya na hindi kami tunay na nag mamahalan, maayos parin ang pakikitungo niya kay Sir Marco. Lagi niya naman itong binabati minsan sabay pa silang kumakain. Ako kasi naiilang sumabay sa kanilang dalawa para kasing umiinit ang paligid ko na nanggagaling sa kanilang dalawa. Pareho kasing di na nag iimikan kapag nasa lamesa na silang dalawa. Baka mamaya bigla kaming e hot seat ng itay., Kaya minsan aantayin ko pa si Princess dahilan ko o kaya busog pa. Kay Sir Marco naman na papansin ko din sa kaniya tong mga nakaraan araw, minsan na aabutan ko itong may kausap sa cellphone niya. Mukhang galit pa ito sa kausap niya na ang akala ko si Ma'am Esma. Ngunit sa tuwing tumatawag naman sa akin si Ma'am wala naman na e kwento sa akin na mag kagalit silang dalawa. 7:00 am na, hindi pa sana ako tatayo dahil parang nahihilo ako. "Anong oras ka na naman umuwi kagabi?" rinig ko na naman ang sermon ng itay sa kapatid kong mabait kaya agad naman akong tumayo upang puntahan sila. "Ang itay naman eh nag paalam naman po ako sa inyo na mag pa practice kami ng mga classmate ko" "Practice? inabot ka na ng anong oras dahil sa practice na iyan?! naku princess sumasakit ulo ko sayo na bata ka! Naabutan ko na ang itay na hinihilot ang kaniyang sentido. "Itay tama na po iyan ang aga aga po, at baka po magising..." at tinuro ang kwarto ni sir Marco. Napa buntong hininga naman ito "Ito kasing kapatid mo sobrang tigas ng ulo" malumanay na ang kaniyang boses. "Ang puso niyo itay' Hayaan niyo po kakausapin ko po" napapa ngisi kong sabi nilingon ko naman ang kapatid ko na naka yuko naman na naka upo na sa sala. "Wag mong susubukan na umalis ngayon Princess, naku malilintikan kana talaga sa akin ngayon" alam ko naman na hanggang galit lang ang itay ni kahit pitik ng kaniyang daliri di niya magawa sa amin ng kapatid ko ayaw na ayaw nga nito noon na sinasaktan kami ng Inay nung nabubuhay pa ito. "Sshh' itay tama na po sige na ako na po ang klakausap diyan" Napalingon naman kami pareho ng marinig na namin ang pag sara ng pinto lumabas na ang mahal na prinsepe este ang dragon ay si sir Marco pala. Biglang huminahon naman ang itay. At lumakad patungo sa kusina. "Sabay na tayong mag almusal Marco" sabi pa ng itay Bahagya naman itong tumango at ngumiti, na ikina tulala ko na naman sa kaniya. "Sana lagi siyang ganiyan lalong gumagwapo kapag naka ngiti tong dragon na'to" "Lexien malulusaw na iyan" panlokong sabi ng itay, at saka lumakad patungo sa kusina. Tiningnan niya lang din ako na agad naman akong umiwas. "Kakausapin ko po muna si Princess" agad kong sabi "Sumabay kana sa amin kumain" sigaw pa nito "Mamaya na lang po" sagot ko naman Nang makalapit naman na ako sa kapatid ko, pigil naman ang iyak nitong tumingala sa akin. Tumabi na din ako sa kaniya. "Ate?" "Ang tigas parin talaga ng ulo mo, uuwi lang pala ako dito para lang manermon sayo" di naman po ako nagagalit. "Sorry ate?" "Saan ka ba kasi nag pupuntang bata ka?" Di ito sumagot sa halip nilabas niya ang cellphone at may video na pinlay at binigay sa akin. "Ito ate ang ginagawa namin ngayon nag pa-pratice po kami dahil bukod sa malaki ang premyo mapapanalonan namin may scholarship na din kami sa buong seem" sabi nito na di parin tumitingin sa akin. Pinanood ko muna ang video, at tinapos ito. ' Pero practice pa lang ang gagaling nila' sa isip ko "hMM' maganda din naman, ang kaso nga nag alala lang sayo ang itay kasi inaabot kana ng dis oras na ng gabi" sabi ko at binalik ko na sa kaniya ang cellphone "Hindi naman din po ako nagagalit naiintndihan ko namn siya ehh" "Basta ayoko din kapag pinapagalitan ka ng itay sasagot ka naman ng pabalang ha diyan na talaga ako magagallit sayo" "Di na nga ako na imik eh" "Ah basta' ang tanda na ng itay pasaway ka pa" "Opo" "Magkano naman daw ang premyo.? tanong ko naman dito "80,000" "80 000??!!" gulat na bigkas ko Tumango naman ito "Ang laki naman iyan!" "Pa premyo ni Mayor iyon. Yong half non sa school namin mapupunta, tapos sa amin na yong half. Hindi naman iyon ang habol ko eh, ang gusto ko lang don yong scholar ship" sabi niya pa habang naka nguso. "Bakit' kaya naman kitang suportahan para sa school mo ah" Second year college na kasi ito. At Computer Engineering ang kinuhang course. Kaya Medyo malaki laki din naman ang ginagastos pero kaya ko naman pag sabayin ang pag aaral niya at mga gamot ng itay. "Nahihiya na kasi ako sayo ate na humingi pa sayo sa tuwing bayaran na ng tuition fee ko" Binatokan ko naman ito bigla at pinan dilatan ko pang ng mata na ikagulat niya naman. "Ano bang nandiyan sa kukuti mo at yan ang mga pinag sasabi mo?! malamang kapatid kita at ate mo ako kaya karapatan kong pag aralin ka, kaya ikaw tanging tulong mo lang sa akin mag aral ka lang ng mabuti!!" naramdaman ko naman na tumulo na ang luha ko, 'diba napaka babaw lang ng mga luha ko' Umiyak na din ito at niyakap ako 'Diba ang drama naming dalawa mag kapatid' "Sorry na ate' pangako ko talaga sayo na mag aaral ako ng mabuti para ako naman ang papalit sayo" hihikbi hikbing sabi pa nito habang yakap yakap ako. Oh' diba umuwi lang talaga ako para sa iyakan at yakapan for show. "Kaylan ba iyan?" tanong habang pinupunasan ang mga luha niya sa mukha. "Bukas na ate sa plaza ng bayan gaganapin, pero mga kalaban namin galing sa iba't ibang school." "Sana manalo kami ate" "Sana nga" sabi ko pa at napahilot pa ako sa sentido ko. Pinagtaka naman ng kapatid ko. "Ayos ka lang ba ate?" Bahagya naman akong tumango. At nag paalam na muna ako sa kaniyang mag papahinga muna ako dahil parang masama ang pakiramdam ko. Sinabihan ko na lang din siya na dalhan na lang muna ako ng pagkain sa kwarto. Maya't maya may narinig na akong katok sa pinto. "Pasok na Princess" tamad na sabi ko "Kumain kana daw sabi ng itay mo" malamig na boses niya ang narinig ko kaya agad naman akong napabalikwas ng bangon. "Ahh!!" Napahilot na naman ulit ako sa sentido ko dahil biglang lalong kumirot ito. "Tsskk!!" rinig ko pa sa kaniya na tiningan lang ako saka lumabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD