Marco PoV;
Ano naman kong masasaktan siya sa sinasabi ko' kulang pa nga iyon sa kaniya eh!'
Pero buti na lang din, di kami na huli sa ganon eksena namin kanina.
Mukhang nag e enjoy naman kasing tong isa na'to sa tuwing ganon ang ginagawa ko sa kaniya tssk!.
Pahinhin pa kunyare!
Mag antay ka lang makakamit mo na kung ano man ang inaasam mo mas sasagarin ko pa sa gusto mo. May kung ano na naman ang pumasok sa isipan ko.
"Mapa saan ka man Hijo?" tunong probinsyano naman ang narinig ko
Pag lingat ko ang kaniyang Itay pala. Hanggang ngayon di ko pa alam ang pangalan niya.
"Uhm' mag papahangin lang po sana" sagot ko naman
"Ah' ganon ba? sige pasok na ako sa loob aayusin ko pa kasi ang magiging kwarto mo" paalam naman nito
"Sige po"
Mukhang mabait din naman ito,
Oo nga pala ano kayang pinag usapan nila kanina?
Nakita ko din kasi silang dalawa mag ama nag uusap, sumunod kasi ako sa kaniya pag ka tapos kong mag hugas ng plato.
Tumingala naman ako sa langit sarap pag masdan ng mga bituin., Naalala ko tuloy kapag nag de-date kami ni Natalie at ginagabi kami ng uwi., Gustung gusto niyang panoorin ang mga bituin na nag kikislapan.
"Sobrang sakit parin talaga"
Nilabas ko naman ang cellphone ko sa bulsa ng short ko para mag pa tugtog, saka ko na lang din na pansin ang oras mag se-7 pm na pala.
Ci-click ko na sana ang tugtog ngunit sakto naman na may tumatawag. Napa higpit lalo ang pag kakahawak ko dito at sabay nang pag lakas ng pag kabog ng dibdib ko. Ayoko sanang sagutin kaso kahit papaano marupok pa tayo.
"Marco? please.,, alam kong galit ka' wag mo muna ibaba please!., please!!"
"Ano na naman ba natalie? Diba tapos na tayo ano pa ba ang-
"Im back"
Parang nabingi naman ako bigla sa sinabi niya
"What?!!"
"Nandito ako sa condo mo, buti di mo pa pinapalitan ng password ng pinto mo, date parin natin kung kylan kita sinagot."
Teka tama ba ang pakaka rinig ko oh baka naman...
Pang uuto na naman ba niya ito?!
Hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman ko ngayon tila na wala ata ang galit ko bigla sa kaniya ng marinig kong nasa condo ko siya..
Ano na naman ba ito Natalie??" sa isip ko
"Its too late Natalie!, kaya tumigil kana!!" ngunit mas pina ngibabaw ko parin ang galit ko sa kaniya.
"Pwede umalis ka na din diyan baka madatnan ka pa ni Mommy baka ano pang gawin sayo diyan" dinahilan ko na lang para umalis nga ito at baka mamaya din talaga isa sa mga alalay ni mommy ang pumunta bigla sa condo at maabutan siyang nandoon ito. Baka ano pang mangyari dahil galit na nga sa kaniya si Mommy.
"Pero Marco nakikiusap ako huwag mo nang ituloy ang kasal niyong dalawa-"
"Paano mo nalaman??" takang tanong ko.
"Kay Aaron ko nalaman"
Oo nga pala mag kaibigan nga din pala tong mga to'
"Babe! kaya, wag mo ng ituloy. Mag sama na tayong dalawa na gustung- gusto mong mangyari,.. diba gusto mo nang iwan ang mommy mo para mag sama na tayong dalawa para masolo mo na ako??."
Muling na buhay na naman ang galit ko sa puso ko. Sa ganon setwasyon ng Mommy ko ganun ganun na lang din siyang mag salita.
"Noon yon Natalie!!!....Noon yon!!Anong pakiramdam nang nag mamakaawa at nag pupumilit sa minamahal mo?? sobrang sakit din diba?" singhal ko na sa kaniya.
"Tama din bang gumanti sa mahal mo?? ganon na ba ang ginagawa ko sa kaniya ngayon ang saktan din siya??" kastigo naman ng isipan ko.
"Ma-MARCO" naririnig ko na naman na umiiyak na ito..
"Pwede ba Natalie-
"Pero wala na akong mapupunta Marco... dahil sa pag atras ko sa bago kong kontrata sa New York nag si atrasan na din ang mga sponsor ko pati na ang condo ko binawi nila huhuhu" mamaos maos na boses at nag hahagulhol na ito sa pag iyak, may kung anong kumurot naman bigla sa puso ko ng marinig ko na siyang ganon.
Napa buntong hininga naman ako. Wala parin pala talagang akong magagawa.
"Sige pag bibigyan kita 3 days ka lang diyan sa Condo at kaylangan pag balik ko wala kana diyan!!" Okay na din siguro iyon.
"Pe-pero babe naman!"
"Oh! aalis ka diyan ngayon din?!!" pag kasabi ko saka ko binaba ang tawag niya. Na kulang na lang mabutas ko ang cellphone dahil sa lakas ng pag pindot ko.
Mahal ko parin siya ngunit kylangan niya din maranasan ang pag hihirap ko.
Hanggang ngayon sakit parin ang nasa puso ko, dinoble pa ng aking Ina.
May naramdaman naman ako na may tao sa likuran ko kaya humarap naman ako dito.
Si nerd lang pala,
"What?!!" singhal ko dito kanina pa ata to nandito.
"Uhm' mag papatulong po sana kami ni itay sayo na ibaba ung kamang gagamitin niyo po"
"Tsskk!!" at iniwan ko na ito nauna na akong pumasok.
* * * *
Third person
Napahinto na siya nang makita niyang mukhang galit ito habang may kausap sa cellphone
"sige pag bibigyan kita 3 days ka lang diyan sa Condo ko at kylangan pag balik ko wala kana diyan!!"
"Hindi kaya si Maam Natalie ang kausap niya" sambit niya
Nagulat naman ang dalaga ng biglang humarap ito sa kaniya.
"What?!!" singhal naman nito sa kaniya
"Uhm' mag papatulong po sana kami ni itay sayo na ibaba ung kamang gagamitin niyo po"
Inabot na sila ng anong oras bago na tapos na linisin ang kwarto na gagamitin ng binata. Halos puros alikabok at bahay na ng gagamba ang kwarto, ginawa na kasi itong budega dahil walang naman gumagamit.
Ngayon malinis na at nilagyan din nila ng pabango para sa kwarto.
"Mag pa hinga na din kayong dalawa" sabi naman ng itay niya saka lumabas ng kwarto.
"Mag sabi lang po kayo kung ano pa po ang kylangan niyo" sabi niya naman dito
Ngunit wala naman ka imik imik ito sa halip humiga na lamang. Na pinag masdan niya pa ito
"Bakit gusto mo ba tabi tayo sa pag tulog??"
Agad naman siyang lumabas
"baka ano na naman gawin non malalagot na talaga kami kay itay" wika niya habang papasok na din ng kaniyang kwarto.
Nang mahiga na din siya "Hays!! namiss ko tong higaan ko" wika pa nito habang parang batang pagulong gulo naman sa kama.