Chapter Twenty-Four

1052 Words
Lexien PoV; Nandito kami ngayon sa likod bahay nag uusap ni Itay, namiss ko din tong tambayan na ito. Bukod din sa mahangin tanging huni ng palaka at kuliglig ang maririnig mo. Dito din kami lagi noon tumatambay ni Princess tuwing gabi habang nag ki kwentuhan kami ng kakatakutan. Ilang taon pa lang noon si Princess paborito kong ginagawa sa kaniya tinataguan ko pa siya pag katapos namin mag kwentuhan ng nakakatakot, iyakin din naman ang isa. "Eh' kong ganon naman pala balak ng Amo mo bakit hindi na lang niya pinakasal sa iba ang anak niya" seryosong sabi ng itay, Pinaliwanag ko na kasi lahat lahat sa kaniya at inamin ko na din talaga ang totoo. Ayoko kasing ilihim pa sa kaniya. "Hhhm' mas lalo pong mahihirapan si Ma'am kapag sa iba pa po at sa akin niya lang po talaga pinag katiwala tong naging disesyon niya" wika ko "Ikaw naman ang mahihirapan niyan anak, baka mamaya niyan saktan ka lang ng anak niya aba hindi ako makakapayag kung gayoon" "Itay hindi naman po ata mangyayari iyon mabait naman po si Sir Marco" "Ata?? Alam ba yoon na ang mga nangyayari." napakunot noo naman ako naguluhan naman ako sa tanong niya Napabuntong hininga naman ito "Tama nga din talaga na mag kabukod kayong dalawa ng kwarto ngayon" Bigla ko naman siyang niyakap. "Itay' galit po ba kayo?" malambing kong tanong dito "Hindi naman sa ganon' nag alala lang kasi ako sayo baka mamaya niya'n- Kumalas ako sa pag kakayakap at bigla naman akong na tahimik. Napa isip din. "Bahala na po itay" Napa buntong hininga naman ito "Kaylan ba ang balik niyo?" "Pero itay kailangan po kasama kayong dalawa ni princess sa pag balik namin ng maynila" Nanatili lang itong tahimik "Itay?" malumanay na tawag ko pa dito siniko ko pa ng bahagya. Saka lumingon sa akin. "Naguguluhan pa ako anak binigla mo kasi ako umuwi ka ngayon ikakasal kana, naging masaya na sana ako, kasi ang anak kong panganay mahahatid ko na sa altar, kaso hindi naman pala kayo tunay na nag mamahalan" Ramdam na ramdam ko din ang pag kalungkot nito., "Kahit din po ako itay" "Ano pa ba ang sunod na binabalak ng amo mo pag katapos into??" Nag kibit balikat na lang ako. "Anak masyado na ba kaming pa bigat sayo?" Nagulat naman ako sa tanong niya. "Ang itay naman bakit naman nag iisip ng ganyan?" bigla naman ang pag bigat ng dibdib ko, alam ko na naman to iyakan for show na naman po kami nito. "Anak pwede ka naman mag atras diba, tumanggi, bakit kaylangan mo pang i sakripisyo yang sarili mo sa mga Amo mo?" "Itay malaki ang utang na loob ko kay Ma'am Esme, nang dahil po sa kaniya napa gamot po kayo, at sobrang bait niya po sakin parang mag ina na po ang turingan naming dalawa." Natahimik ulit ito "Itay?" inakbayan ko pa ito na para lang kaming mag tropa "Wag ka na pong mag isip ng kong ano ano ang mahalaga po ngayon ay maganda parin po ang anak niyo hahaha" biro ko kasi mapupunta na naman kami sa iyakan nito, kapag ma's lalo ko pang seryosohin. Ang bigat na nga ng pakiramdam ko papabigatin ko pa ang kaniya paano na kami niyan. "Umayos ka nga Lexien" "Hahah pinapatawa ko lang po kayo itay" "Ikaw talagang bata ka, wala ka na naman sa katinuan mo, kaya manang sayo kapatid mo eh!" ayan nakita ko na siyang ngumiti. "Nga pala kanina na pansin ko ang mga sugat mo diyan sa braso mo ano nangyari diyan? Patingin nga ulit" at hinawakan niya nga ang kamay ko at bahagyang inangat ang manggas ng long sleeve ko. "Tioonkk!! akala ko naman di niya napansin kanina nagmadali na nga akong pumasok para makapag palit agad" "Wala lang po ito itay nag ka rashes lang po ako" Kunot noong tiningan niya naman ako na parang may iniisip na naman ng kung ano man. "Nga po pala, na buksan niyo na po ba yong pina pa bigay po sa inyo ni Ma'am Esme?" iniba ko na agad topic "Hindi pa" iling naman nito at binitawan na ang kamay ko. Buti di na nangulit "Ay! wait lang po pala itay che-check ko po muna pala ang cellphone ko baka tumatawag na si Ma'am, gusto din po kasi kayo non' makausap." "Uhm" bahagyang tumango naman ang sinagot niya. At nag madali na din akong pumasok sa loob. Napahinto naman ako sa pag hahakbang nang maramdaman ko din na may pababang yabag naman hagdan. Pag angat ng tingin ko siya pala. Bagong ligo naka all white na t-shirt at maong na short. Amoy na amoy ko na naman ang matapang na pabango niya. "mala adones talaga tong dragon na'to eh lumalandi na naman tong utak ko tuloy" "Siguro kong yelo lang ako lusaw na ako kanina pa" biglang sabi naman nito at huminto din sa pag lakad. "So-sorry po" napa yuko naman ako dahil pakiramdam ko biglang uminit naman ang mag ka bilang pisnge ko. Narmdaman kong humakbang ito ngunit lalo naman itong lumapit sa akin at napa atras naman ako hanggang sa napasandal naman ako sa pader. "Hmm' bakit ganyan ang amoy mo ang bango" at nilapit pa niya lalo ang mukha nito sa bandang leeg ko na palunok naman ako sunod sunod ganon din ang pag t***k na naman ng dibdib ko. "Jusko lord ayan na naman po siya" sa isip ko Lumingat pa ako baka naka sunod ang itay, buti hindi kundi malalagot na talaga. "Parang hindi nerd ang kaharap ko sa tuwing na sasamyo ko na ang pa bango mo" naramdaman ko na ang init ng hiningat niya na nakaka panlambot lalo ng buo kong katawan lalo na ang pag dampi ng mainit at malambot na labi niya sa leeg ko. Buti na lang talaga may pader kung wala kanina pa ako natumba. Napa kuyom pa ako nang maramdaman kong na paangat na nang paangat na ang labi niya papunta sa tenga ko. May kung anong kiliti na naman akong nararamdaman. "w***e" biglang bulong nito Natauhan naman ako kaya bigla ko siyang tinulak napa ngisi pa ito at nakakalokong tingin na naman ang pinukol nito sa akin saka umalis. Aray pasakit na nang pasakit na siya kung mag salita. Akala ko naman bumait na, hindi pala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD