Lexien PoV"
Agad akong pumasok sa kwarto ko upang mag palit ng damit.
"Hay's na kalimutan kong sando lang pala ang pinang doble ko"
Pag ka palit ko, agad kong naman kinuha ang cellphone sa bag para mag update kay Ma'am Esme na nasa bahay na kami. Tinatawagan ko ngunit di sumasagot.
"Hmm baka natutulog ata" kaya naman nag send message na lang ako sa kinya.
Pag ka lapag ko ng cellphone ko sa maliit na lamesa na nasa gilid ng kama, saka ko lang napansin ang kabuuan ng buong kwato ko, ibang iba na ito sa dati. Dati kasi naka hollow blocks lang na magaspang ang pader itong kwarto ko, ngayon makinis at malinis ang pakaka pintura na kulay apple green na paborito kong kulay.
May kung anong sigla naman akong naramdam dahil dito.
"Tinupad din talaga ng itay na pagagandahin niya ang kwarto ko" pati din ata buong bahay diko kasi na pansin kanina kasi nag madali nga akong pumasok ng kwarto.
"Asan si ate' itay?!!" rinig ko naman ang boses ng kapatid ko
"Nasa kaniyang kwarto nag papalit"
Pati ingay ng nag mamadaling mga hakbang nito sa hagdan rinig ko.
"Ate, ate lexien?!" sigaw pa ulit nito
"Wag ka ngang maingay may bisita tayo oh" suway naman ng itay
"Sino naman siya itay?"
"Asawa ng ate mo"
"Ah'...., ano?!! asawa?!!!... ate lexien?!"
"Ano ba Princess ang lakas ng boses mo!!" sigaw pa ng itay
Napa buntong hininga naman ako
"Diba pati ang kapatid nagulat din"
At narinig ko na nga ang katok nito sa pinto, na agad ko din binukas ang pinto.
"Ate?!" agad niya naman akong niyakap niya naman ako ng mahigpit
"Na miss kita"
"Ako din namiss ko kayo ni itay" sa isip ko ko
"Sus! alam ko na iyan ito na ang pasalubong ko sayo" at nilabas ko naman ang supot na binili ko sa bayan
"Hindi naman ito ang gusto ko eh"
"Eh ano?"
"Cellphone" naka nguso pang sabbi niya
"Iwan ko sayo' pa tingin muna ng mga grades mo kapag matataas-"
"Bibilhan mo ako?" excited naman agad ito
"Depende"
"Ayytt!! ganun" at sumimangot pa nga
"Oo ganun' kaya nag aral ka ba ng mabuti?"
"Oo kaya, halos nagkaka eye bag na nga ako dahil sa gabi nag aaral pa ako eh"
"Sus!! nag aaral daw baka panay boyfriend ka lang nag pupuyat"
"Hindi kaya wala pa nga ako non' eh" sabi niya
Mapanga asar na ba ako na ate.
"Teka muna ate ma iba ako tama ba ang pag kakarinig ko sa itay na asawa mo daw yong guy na nasa sala natin"
Napa buntong hining nga naman ako at tumango bahagya
Nanlaki naman bigla ang mata at na pa takip pa ng bibig naman ito
"Gulat na gulat ba sis, kung alam mo lang pati din ako nagulat"
"Paano?" tanong naman nito
"Anong paano?"
"Paano mo nakuha ang ganon ka gwapo at katikas na pangangatawan , samantalang ikaw-" di niya na tinuloy pa ang sasabihin dahil pinan dilatan ko na ito
"Sige wala kang bagong cellphone" banta ko naman
"Hahaha joke lang ate" sabay yakap ulit sa akin
"hMM sobrang na miss ko to" sambit ko at hinigpitan ko din ang pag kakayakap ko sa kaniya.
Kahit papano gumaan gaan ang pakiramdam ko ng makasama ko ulit sila.
"Lexien anak kumain na muna kayo' baka nagugutom na din ang asawa mo"
Ang sarap sana pakinggan non' pero iwan ko ba mas lalong lumalakas ang pag kabog ng dibdib ko sa tuwing sinasabi ni itay na "asawa mo"
"Si-sige po itay tara na princess sabay kna sa amin"
"Mamaya pa ako ate, nasa labas mga classmate ko, may project pa kasi kami tinatapos napasugod lang ako dito kasi narinig ko sa labas na umuwi kana daw"
"Hmm' project nga ba iyan oh baka naman-"
"Ang ate naman eh" parang bata namang nag mamaktol ito natawa naman ako namiss ko lang asarin to.
"Hahaha siya' sige na umuwi ka kaagad ha"
"Opo mamaya na lang tayo ulit mag daldalan ate" at sabay halik sa pisnge ko
"Thank you ulit sa pasalubong" habol pa nito at nagmadali na din bumaba.
Na pailing naman ako "Hay! naku makulit parin talaga" sambit ko
"Saan ka na naman pupunta na bata ka' may iuutos pa ako sayo"
"Tay saglit na lang po kami"
"Uwi agad ha"
"Opo"
Nag madali na din ako lumabas ng kwarto pag kababa ko nasa lamesa na siya at busy nang kumakain.
"Mukhang nagutom ata sa byahe" napasin niya naman na naka tingin ako sa kaniya.
"What?" tanong naman niya bigla
"Wa-wala po"
Umiling naman ako dito at umupo na din
"Kayo itay di pa po kakain?" tanong ko dito na kakalabas lang galing sa kusina mukang may niluluto pa ito.
"Kakain ko lang din nung pag dating niyo sa kubo"
"Ikaw Lexien' kakain kana din ba may niluluto pa ako, yong baborito mong nilagang baka"
Isa pa tong namiss ko ang luto ng itay ko na nilagang baka masarap din kasi talagang mag luto ang itay. Halata nga din kay Sir Marco na sarap na sarap sa kinakain niya.
Napalingon naman ang itay sa kaniya.
"Luto ko iyan, kaninang umaga pa iyan, ininit ko lang ngayon" sabi pa nito kay Sir Marco na mukhang na sarapan sa kinakain niya.
Na ubo naman ito bigla.
Agad naman akong kumuha ng tubig ngunit, "Tubig hijo ito oh" naunahan naman ako ni itay na bigyan ito.
"Thank you po"
"Aba marunong din pala ito mag thank you" sa isip ko
Pinagmasdan ko pa ito
"Lexien mabubusog ka na niyan" matigas na tunong wika ng itay
Nahiya naman ako bigla at yumukong nag sandok na din ng pagkain.
Nag liligpit na ako ng pinag kainan namin maya maya bigla naman nitong inagaw sa akin ang platong hawak hawak ko
"Ako na dito" sabi niya naman na di man lang tumitingin sa akin.
"Hi-hindi po ako na po ang mag-" di ko na natapos ang sasabihin ko dahil matalim na mga mata na naman niya ang nakatutok sa akin' kaya agad ko na din binitawan
Pinag masdan ko lang itong na nag huhugas ng plato,
"Aba marunong din pala ito"
"Nakaka panibago naman, sana ganiyan na lang siya palagi, yong tipong hindi laging nag ala dragon ang mukha,." sa isip ko,
"Pero kanina lang" hinawakan ko pa ang labi ko habang inaalala yong halik niya kanina.
"Hay's tumigil ka nga Lexien kung ano na naman nasa isip mo" kastigo ko naman sa sarili at iniwan ko na lang ito, at pinuntahan si Itay sa likod ng bahay namin. Ito na ang malalim na pag uusap naming dalawa ng itay tungkol sa amin ni Sir Marco.
Kabado Bente talaga'