Marco PoV:
"Tsskk!! ang sarap talagang takotin tong' Nerd na'to"
"Hmm' tamis din ng labi ng Nerd na'to ah" sa isip ko habang pinunasan ko ng daliri ko ang labi ko.
Napa tingin pa ako dito parang naging statwa naman dahil walang ka imik imik na naka upo at naka patong pa ang mga kamay sa tuhod niya, Kapansin pansin din ang pamumula ng pisnge nito.
Nakakapikon lang dahil kaya pala ang tagal kasi nakikipag landian lang pala sa mokong na Leo na iyon!!
"Ayan tuloy di ako maka pag timpi buti nga ganyan lang ginawa ko sa kanya tsss!!"
Binabaybay na namin ulit ang daan mga ilang saglit pa.
"Sir Marco wait lang po hinto po muna tayo saglit ang itay po ata iyon" sabi nito habang naka tingin sa di kalayuang kubo na nasa gitna ng pilapil.
Hininto ko naman ang sasakyan at nag madali itong lumabas nilingat ko naman ang kabuuan ng lugar ngunit wala pang ka bahay bahay, tanging iilang kubo lang nandon at nasa gitna pa ng pilapil.
"Itay!"
Masaya namang tawag niya at kumaway kuway pa ito pag lingon ko naman may isang matanda na nasa kubo at mukhang kinikilala niya pa kung sino ang tumatawag sa kaniya.
"Tay!!" tawag niya ulit
Nung makilala niya na, nag madali na din naman itong nag lakad palapit sa amin.
"Lexien!! Anak!" rinig ko naman na masigla din na tawag nito sa kaniya at agad naman niyakap si Nerd
May kong anong ingit naman ako naramdaman sa eksena nilang mag ama. Bata pa lang kasi ako nung na aksidente ang daddy ko. Kaya tanging Mommy ko na lang ang nag sasakripisyo sa Company nung nawala siya na dapat sana ngayon kaming dalawa ang nag tutulungan..
Busy sila sa eksena na iyon kaya di nila ako napansing lumabas ng kotse.
"Naku ang anak ko di man lang tumaba ai ka payat mo naman ano ba pinag gagawa mo??"
"Busy lang po sa trabho"
"Kaya ba hindi ka tumawag tong mga nakaraang araw"
"Opo' tsaka para surprise ko din po sa inyo tong pag uwi ko"
Nag kunwari pa akong umubo para sa akin naman ang atensyon ng mga to'
"Umhh umhh"
"Sino naman tong kasama mo anak?"
"Hello po' Im Marco Buenaventura po ..." nag mano naman ako dito, at tumingin pa ako sa kaniya at kitang kita na naman biglang paglunok niya "asawa niya po" ngiting dugtong ko pa
"Kala mo ikaw lang marunong umarte tskk!!"
Diko naramdaman na kabahan man lang, mas nag enjoy pa nga akong pag masdan sa reaksyon nilang dalawa.
Nan lakihan naman ang mga mata ng kaniyang Itay.
"Ano?! asawa??!" at palipat lipat na tingin sa aming dalawa ni Nerd.
"Ahh' Itay don ko na po papaliwanag sa inyo sa bahay" agad naman niyang hinawakan sa braso ito.
"Teka Anak' kunin ko lang ang mga gamit don sa kubo"
"Samahan ko na po kayo" sumunod naman agad ito.
Tanaw ko naman silang dalawa na mukhang seryong nag uusap mga ilang saglit pa nag tatawanan na silang dalawa lalo na si Nerd yong mga ngiti niyang labas ang mapuputing ngipin.
"Tskk! Kanina lang parang tamiming tamimi pero ngayon"
"Hmm' paano niya kaya pinaliwanag" sa isip ko pa
"Okay na?" tanong ko naman sa kanila nang makalapit na sa akin.
Bahagyang tumango naman si Nerd
Agad ko naman binukasan ang compartment sa likod ng sasakyan para don ilagay ang mga gamit ng kaniyang itay.
Nakita ko naman ang pagka mangha ng itay niya habang tinitingnan ang kabuuan ng kotse ko.
"Ang gara ng sasakyan anak, siguro mahal to' no?"
Ngumiti lang ito
Pagkatapos kong ilagay ang mga gamit, nag patiuna na akong pumasok at ganon din si Nerd.
"Naku Lexien' wag na lang kaya madudumihan ang ma uupuhan ko" sabi ng itay niya habang pinapagpag ang suot nito na hindi din naman karumihan, nag tinginan pa kaming dalawa
"Hindi okay lang po" Sabi ko pa
"Ito na lang po itay" hinubad niya naman ang long sleeve niya at agad na sinapin sa uupuan nito,
Tumampad naman sa akin ang mapuputi at malulusog na dibdib nito dahil naka sandong kulay itim na lang ito kaya lantad na lantad ang kaputian nito.
Napatingin pa ako sa balikat niya dahil akala ko nag marka yung pag kahawak ko sa kaniya kanina. Napadako pa ang tingin ko pababa ng kaniyang braso napa kunot noo pa ako ng mapansin ko may marka ng kalmot iyon.
"Ito pa kaya yong-"
Bigla naman na ilang ito nang mapansin niyang sa kaniya ako nakatingin siguro ngayon niya lang din na realize na sando lang ang kaynang panloob kaya naman pilit nitong kinukubli ang sarili.
May kung anong demonyo na naman ang biglang pumasok sa isipan ko at bahagya ako lumapit sa kanya at bumulong
"Wag mo ng itago iyan' nakita at nahawakan ko naman na yan" sabi ko dito na bigla na naman namula ang pisnge at napalunok na naman
Ano ka ngayon Nerd"
Lumingon pa ito sa tatay niya at ganon din ako.,Parang hindi din naman ata ako narinig ng itay niya kasi nakatuon na din ang tingin nito sa labas.
Saka ko na inistart ang makena ng sasakyan
* * * *
Third Person
"Mr. Fuentebella ang inaasahan ko ang daddy mo makaka meeting ko ngayon?" mayasang bati ng Ginang dito
"He''can't make it, kasi isa din masama ang pakiramdam"
"Hmm' Nandito ka ba para ituloy na ang deal?"
"Actually' pag aaralan ko pa ang mga bawat details niyo as a new CEO ng Company ng daddy ko medyo hirap pa po akong mamahala sa companya niya"
"Oh' really?! ikaw na pala ang bagong CEO"
"Kayo po baka mabigyan niyo akong ng tpis to how improve and successfull the company like you have now"
Napa buntong hininga naman ang Ginang
"Iyon na nga din ang malaki kong problima dahil nung nalaman nilang nasa ospital ako may mga iilang Investors ang nag si atrasan para sana sa bago namin project."
"So' kaya pala kami ang kinukulit niyo"
"Actually matagal na namin pinag usapan iyan ng daddy mo, pina plano pa lang namin nag prisenta na siyang malalaki daw ang iinvest niya"
"May pagka mayabang din talaga ang daddy ko eh no" natatawa sabi pa ng binata
"Well' mukhang kalculado na din kasi ng dad mo na malaki laki ang kikitain niya"
"Ngunit mukhang mahihirapan pa ata akong kunbinsihin ang bagong CEO niya para mag invest sa bagong project namin."
Napailing iling na lang ang binata habang binubuklat naman ang kanyang papeles na dala niya, ngunit napa kunot noo naman siya ng mapansin niyang meron naka ipit na ID.
"Hmm hindi kaya ito yung naka banggaan ko kanina, sa kaniya ata to.?"