"Marco paki buhat din tong box" tiningnan niya naman tinutukoy ng Ginang yong box pala na para sa tatay ni Lexien.
"Kaya niya na po iyan!" at nagpatuloy ng maglakad pa tungo sa pintuan.
"Ayt! opo ma'am wag na po kaya ko na po ito" agad naman na sabi ng dalaga sabay buhat din nung dalawang box
"Hindi naman po mabigat" sabi pa nito
"Marco!" tawag ulit ng Ginang na may halong pagbabanta ang boses at pinandilatan pa ito ng mata nang lumingon ulit ang binata sa kaniya
"tSKK!" walang nagawa ang binata kundi sumunod ito di naman
"Sumunod ka na agad Nerd!!" singhal namn nitong sabi sa dalaga pag kakuha nung box sa kaniya. At nagpatiuna ng lumabas.
"O-opo Sir"
"Lexien?' mag update ka lagi ha" sabi nito at binuka pa ng ginang ang kabilaang braso niya iyon pala ay yayakapin siya ng Ginang na ikinagulat niya naman.
"O-po" naiilang na sagot niya naman habang yakap yakap siya nito.
Ilang saglit kumalas na din ito
"Ingat kayo, at pag sabihan mo din si Marco hinay hinay sa pag patakbo ng sasakyan, may pagka rascal pa naman batang iyon" bigla naman siyang kinabahan sa sinabi nito.
Baka mamaya niyan mabilis nga itong magpaharurot ng saksakyan.
"Sige po Ma'am"
Bahagya lang tumango ang Ginang.
At nagmadali na din siyang nag lakad patungo sa parking lot.
"Lagot na patagal pa ata" sambit niya pa habang lakad takbo siyang tumungo ng elevator ng di niya na pansin ang ka salubong niyang lalaki kaya na bangga niya ito. Kaya nag laglagan ang mga papel na hawak nito.
"Naku! sorry po!" sabi niya dito at nagmadali na din pinulot isa isa ang mga papel "Pasensya na po talaga" sabi niya pa na di tumitingin sa lalaki.
"It's Okay" sabi naman ng lalaki
Nang makita niyang nag bukas ulit ang elevator, agad naman niyang inabot ang mga papel na di parin tumingin dito at nag madaling pumasok.
Pag dating niya nga sa may parking lot naka busangot na naman nga ang mukha ng binata.
"Ang tagal mo naman!!" singhal nito sa kaniya
"So-sorry po" Naka yukong wika naman ng dalaga
Di na ito umimik pa sa halip pumasok na sa kotse at ganon din siya.
Pagkaupo niya agad naman nito inabot ang cellphone na alam na din kung ano gagawin don'. Ang ways ang hinihingi nito kaya agad naman niyang tinype yong lugar nila at pagkatapos nilagay iyon sa ibabaw ng dashbored.
* * *
LEXIEN PoV
Ito na ang araw ng pag uwi naming dalawa excited na kinabahan ang nararamdaman ko ngayon. Excited dahil makikita ko na ulit sila itay at ang kapatid ko. Pero kinakabahan parin ako dito sa kasama ko. At sumulyap pa ako ng palihim sa kaniya,. Di ko pa alam kong paano ko siya ipapakilala sa itay ko, inaalala ko baka atakihin pa iyon dahil sa pag bigla huwag naman sana.
At ganto ka gwapo pa ang mapapangasawa ko. May kung anong kilig parin akong nararamdaman. "Manahimik ka nga Muntikan ka nga niyang anohin" kastigo ko naman sa sarili ko.
"Masyado bang gwapo ang view" sarkastikong sabi nito na ika gulat ko naman, agad ko naman binaling ang tingin ko sa daan,.
Mahaba haba din ang byahe kaya di ko na din na pansin naka tulog na pala ako.
Nagising na lang ako ng na uuntog na ako sa bintana, napa silip pa ako sa labas iyon pala ay lubak lubak ang tinatahak namin na daanan.
Nan lakihan pa aking mga mata ng makita ko ang lugar at pamilyar na ito sa akin.
"Nandito na kami sa bayan"
Naiilang man pero kailangan kong sabihin.
"Sir Marco? ahmm, Okay lang po ba kung hihinto muna tayo dito sa bayan saglit mamimili lang po sana ako kunting pasalubong"
Wala parin itong imik, kaya bigla naman akong na lungkot, laglag balikat akong umupo ng maayos at hindi na tumingin sa labas.
Pero maya maya pa naramdaman kong huminto ang kotse.
"Bilisan mo!!"
Napa ngiti naman naman ako "O-opo"
"Wag kang ngumiti!!" sabi nito na agad naman nawala iyon sa labi ko, kaya mabilis naman akong lumabas baka mag ala dragon na naman ito eh.
Busy na ako sa kakapili kong pasalubong para sa kanila ng bigla mag ring naman ang cellphoone ko.
Si Leo'
"Hello Leo"
"Hi LheX' Kamusta byahe niyo?"
"Hmm' Okay lang naman"
"Bakit parang ang ingay naman ata diyan?"
"Ah' kasi nasa bayan na kami um-stop over muna kami para mamili ng pasalubong kila itay"
"Ahh... Sana ako din pag balik niyo dito hahah"
"Oo na' bibigyan din kita ng--"
Di ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil may biglang umugaw sa cellphone ko at pagka lingon ko si Sir Marco pala. Bigla naman naningkit ang mga mata at kulang na lang umusok ang butas ng ilong nito, kulang na lang madurog ang cellphone ko nung tiningan niya pa kung sino kausap ko. Napa ngisi pa ito at biglang pag hung up ng tawag ni Leo.
Biglang pag bilis na naman ng pag kabog ng dibdib ko.
Naku lagot
"Kaya naman pala ang tagal mo dahil nakikipag landian ka pa sa cellphone" madiin na sabi niya sa akin
Aray naman,
"Di mo ba ako naintindihan kanina sa sinabi ko na bilisan mo!!!" singhal nito tumingin pa ako sa paligid ko bigla naman akong naka ramdam ng hiya dahil pinag titinginan na kami.Ganun din siya, ngunit wala siyang pakialam basta siya galit.
"So-sorry po Sir" naka yuko kong sabi dahil sa hiya ko.
"Di ka parin ba tapos?!"
"Ito na lang po" at kinuha ko na yong binili kay ate na mukhang kanina niya pa inaabot sa akin
"Tssk!!"
Tumungo na nga ito sa kotse kaya naman nag madali na din akong sumunod sa kaniya baka bibingo na ako kapag binagalan ko pa
Pag ka upo ng pag ka upo ko at pag sara ng pinto bigla niyang hinawakan ang batok ko, ang akala ko iuuntog niya ako sa dashbored, kundi marahas niya akong hinalikan
"Uhhmp!!!" lakas ko siyang tinulak ngunit di umubra dahil bigla niyang madiin na hinawakan ang mag kabilang balikat ko at mas lalo niya akong sinusuk sa may gilid ng kina uupuan ko.
Sa tuwing nag pupumiglas ako mas lalo niya pang dinidiinan ang pag kakahawak sa balikat ko. Nalalasahan ko na naman ang dugo sa labi ko dahil walang ingat parin niya akong hinahalikan..
Bigla kong naalala nung gabi na muntik ng may mangyari sa amin.
"Wag! " sigaw ng isipan ko ngunit nakadama naman ako ng kakaibang pakiramdam na di ko maintidinhan.
Nakaka panghina
"Oohh" nanlaki naman ang mga mata ko ng marinig ko ang sarili ko kaya ubod ng lakas ko siyang tinulak buti naman saktong hindi mahigpit ang pagkaka hawak niya sa akin kaya agad naman itong bumalik sa kinauupuan niya.
"Nice grunt ha" malukong ngiting sabi pa nito
Nag init naman ang mag kabilang pisnge ko
"That's your pushisment dahil malandi ka!!"
Na palunok naman ako at na pa hawak sa magkabilang tuhod na ramdam ko pa ang pagka nginig nito.