Chapter Twenty

1132 Words
Third person Malapit na siya sa kwarto ng Donya ngunit Napa hinto siya pag lalakad nang masilayanan niyang palabas ng kwarto si Marco at padabog pa nitong sinara ang pinto. Matalim na tingin lang ang pinukol nito sa kaniya ng makita siya nito. At dire diretsong umalis. Tatawagin niya pa sana kaso naisipan wag na lang umimik dahil baka sa kaniya pa ibuntong nito ang galit nito. "Hmm' bakit kaya' nag away naman siguro silang dalawa ni tita" Nagpatuloy na siya sa paglakad niya at ng akmang kakatok na sana siya nang may marinig siyang boses babae at na bosesan naman kaagad iyon. Walang iba kundi ang boses ng kanyang tita at ni Lexien. "Alam kong mahal mo si Marco kaya sana naman mapalitan mo ang nasa puso niya ngayon na wala naman ginawa kundi iwan siya" Parang may kumurot naman sa puso niya ng marinig niya ang sinabi ng Ginang. Napa buntong hininga na lang siya "Talagang hindi halata na gustung gusto ni Tita na si Lexien ang mapa ngasawa ni Marco" Wika naman nito. Nang akmang hahawakan niya ang doorknob upang buksan na ang pinto narinig niya pang nag salita si Lexien. "Pero Ma'am ang hirap po ng-" Di na niya tinuloy pa ang sasabihin ni Lexien baka mas lalo pang siyang masasaktan kapag pina tapos niya pa iyon,. Kaya naman di na siya kumatok agad niya nang binuksan ang pinto kita naman niya ang nan lakihan mga mata ng dalaga ngumiti naman siya dito. "Hi " Bati niya naman sa dalaga at tanging ngiti na lang din ang tunigon nito sa kaniya Ngiting nakaka bighani naman ang dating sa kaniya kaya ilang sigundo siyang napatitig dito. "So gorgeous" gusto niyang sabihan ito ngunit kabig bibig dahil nandon ang Ginang. * * * * Leo PoV; "Hmm' bukas na uwi niyo?" basag ko sa katahimikan namin' kanina pa kasi ito tahimik simula pa kanina at mukhang walang ganang kumain. Ito nandito na naman kami sa cafeteria. Buti din pumayag siyang sumama sa akin dito, dahil ramdam ko din na naiilang siya nung inaya ko siyang sabay na kaming kumain dahil alas tres na ng hapon di pa pala siya kumakain simula kaninang umaga, nasabi din kasi ni Tita Esma na busy daw silang sa pag aasikaso tungkol sa business proposal para sa bago nilang investor's na pinapagawa sa kanilang dalawa ni tita. Pansin ko din kanina habang papunta kami dito halata sa kaniya na di mapakali dahil panay lingon kong saan saan. "O baka naiilang nga siyang kasama ako dito" sa isip ko. "LHex" tawag ko pa dito Saka ito umangat at tumingin sa akin. "Ahm?" ang lalim nga ng iniisip nito "Bakit Lhex? okay ka lang ba kanina ka pa tahimik?" "Ahmm' Baka kasi makita tayo dito ni Sir Marco mag kasama" "Sabi na nga ba eh, sorry Lhex ha kung matigas angulo ko sinabihan mo na ako kahapon na huwag na pumunta, pero pumunta parin ako" "Bakit binabawalan ka na ba niyang kasama ako?" "Hindi naman sa ganon ano kasi- " Ano?" malumanay kung tanong "AHmm' Alam mo naman., wala sa hulog ang pagiging dragon ng kaibigan mo baka bigla na lang tayong dalawa mag liyab dahil sa galit non" "Kamusta pala trato niya sayo?" "Dati parin' yung tipong kulang na lang ilalagay ako sa sako at itapon niya kung saan" Natawa naman ako "Eh' paano iyan pag uwi niyo sa inyo, baka itapon ka na lang niya sa bangin hahah" Biglang sumeryoso naman ito. "Nga pala, alam na ba ng itay mo na uuwi kayo?" "Hindi pa' di pa nga pala ako tumatawag doon" "Ayaw mo non para ma surprise sila" "Talagang surprise! at mas lalong masu surprice mga yon' dahil umuwi akong mag aasawa agad." "Bakit? Hindi mo pa ba nasasabi sa kanila tungkol sa kasal niyong dalawa?" Pero may kung anong bigat ang nasa dibdib ko, kanina ko pa ito nararamdaman. Umiling na lang ito at tinuloy ang pag subo ng pagkain pinag masdan ko pa ito habang ngumunguya nguya ang cute mo talaga Lexien bahagya naman akong napa ngiti na ikina kunot noo naman nito bigla. "Bakit may dumi ba ako sa mukha" tanong nito at sabay punas naman sa mukha niya. "Wala' ang cute cute mo kasing ngumuya hahah" sabi ko pa at pinisil ko pa ang pisngi niya Nagulat naman ako sa ginawa ko naku di na nakatiis ang mga kamay ko. Bigla na naman namula ang magkabilang pisnge nito at bigla naman siyang umiwas upang di ko makita iyon. Nahiya tuloy Nanatili lang akong nagmamasid sa kaniya. Kung kahapon puno ng lungkot ang mukha niya, ngayon naman problimadong problimado. Napansin ko pa ang mga kalmot niya sa likod ng palad niyang nakapatong sa lamesa. Ngunit agad naman niyang binaba ito dahil napansin na din pala niya na doon ako nakatingin. "Hindi pa gumagaling iyang mga sugat mo" "Ahm' ngangati parin kasi" sabi nito "Hindi na din ba naulit yong pagdugo ng ilong mo" Umiling naman ito at pinag patuloy sa pag sandok ng pakain. Ako naman itong di makakain ng maayos dahil sa kaniya lang ako nakatutok. Maya maya pa narinig kong kumawala ito ng malalim na pag hinga "Paano ko ipapakilala si Sir Marco sa Itay ko?" sabay tanong naman nito Bahagya naman akong natawa "Ayon lang ba? eh di ipakilala mong nakuha mo lang sa tatabi tabi yong tipaklong na iyon hahaha" diba wala talaga ako sa katinuan kausap para gumaan lang pakiramdam niya,. Ngunit walang effect' kasi nakita ko pa itong biglang umiba ang Awra nito. "Anong sabi mo Leo??!!" parang bigla naman kaming binuhusan ng malamig na tubig ng marinig namin ang boses ni Marco na nasa likuran ko na pala. At si Lexien naman kitang kita ko na bigla niyang nilunok ang kakasubo pa lang na pagkain. "Marco?! nan diyan ka pala' sa- sabay ka na sa amin kumain" Wooh kahit ako kabado bente' Sa halip nanatili lang itong nakatingin kay Lexien na para bang kulang na lang madurog si Lexien mga tingin nito. Di naman ito maka tingin sa kaniya inayos pa nito ang makapal niyang salamin sa pagkakasuot at saka yumuko. Totoo nga ang sinasabi niyang nagiging Dragon nga si Marco. Dragon na umuusok ang ilong sa galit. "Tssk!! magsama kayong parehong Nerd!!" bago man ito umalis nag iwan muna ito ng banta look kay Lexien. Ilang minuto kaming na tahimik pareho. "Sabi ko sayo eh" pabulong naman na sabi niya natawa naman ako at napailing dito. * * * Third Person" Pagkatapos nilang kumain dalawa nag pasya na din umuwi si Leo, si Lexien naman nag pa iwan sa ospital dahil meron pa siyang tatapusin na mga pinapagawa sa kaniya ng Ginang at doon na din siya matutulog para bukas di siya ma late ng gising oras ng pag uwi nila ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD