Lexien PoV
"Ayusin niyo nang dalawa lahat ng mga papeles para sa mga investor natin, Para wala na kayong gagawin pag balik niyo dito galing sa inyo Lexien, dahil kasal niyong dalawa naman ang aasikasuhin natin"
Nanatili lang akong nakayukong nakikinig sa kaniya habang busy din sa pag babasa ng mga papeles ganon din si Sir Marco.
"Lexien okay na din ba mga documents mo? Na asikaso mo ba?" wika ni Ma'am Esme
Documents para sa kasal tinutukoy niya. Buti na lang din agad ko din talagang inasikaso kasi naisip kona na agaran na naman kung mag disesyon pa naman si Ma'am. At ito na nga ngayon'
"Opo ma'am ito po" agad kong kinuha ang aking folder at inaabot ko sa kaniya
May inabot din ito sa akin na iilang piraso na papel
"Pirmahan mo iyan"
"Sa ngayon' sa huwes na muna kayong dalawa ikakasal, iyon din ang pag uusapan namin ng tatay mo"
Di parang secret marriage. Pero mas okay nga iyon, dahil kami kami lang ang nakakaalam. sa isip ko
"Kapag nag deal na ang mga Fuentebella' magpakasal ulit kayo para double engrandeng kasal ang gagawin natin"
Oo nga pala dahil may malaking offer sila sa mga Fuetebella. Pina kamayan din na pamilya dito sa pilipinas.
Nanatili lang akong sinusunod mga pinapagawa niya ngayon, ganun di si Sir Marco nanatili ding tahimik habang busy na din paghahalungkat ng mga papeles. Sa kakaibang seryoso ba naman ni Maam ngayon parang mangangain ng buhay kapag may isa sa amin mag kamaling umimik tiyak na bi bingo talaga.
"Ito din sayo Marco"
Na saka naman umangat ng tingin at inabot iyon.
Pasimple din akong sumulyap sa kaniya nung inabot na din ni maam yong papeles para sa kaniya. Biglang nakakunot noo naman tiningnan isa isa ang mga iyon.
Nahuli naman ako nitong naka tingin sa kaniya, na agad naman akong yumuko dahil matatalim na mga mata na naman ang pinukol sa akin nito.
"Okay na ba ang mga gamit mo Lexien bukas na ang uwi niyo"
"O-opo ma'am"
"Marco? ikaw?"
"Okay na din po" sagot nito na di tumitingin kay Ma'am dahil naka focus siya sa mga papel na binigay ni Ma'am
"Good' by the way iyang box na iyan dalhin niyo pag uwi para sa tatay at kapatid mo iyan Lexien"
Ang gara pa nang pagkakabox
"Sige po ma'am thank you po"
Bahagya akong napatingin ulit kaniya na nakatingin na din ulit pala ito sa akin kaya agad naman akong umiwas kasi pakiramdam kong may lalabas na naman na apoy sa mga mata nito. pakiramdam ko para akong malulusaw sa kinauupuan kapag nararamdaman kong naka tingin siya sa akin.
Diko na lang ito pinansin sa halip Nagpatuloy na lang din ako sa pag pipirma.
Mga ilang minuto pa
"Why Marco?"
Napahinto naman ako at tumingin ulit dito, iyon pala ay hawak parin niya yong binigay ni Maam na papel. At kulang na lang magusut gusot dahil sa gigil na pagkakahawak nito.
Tumingin pa ito sa akin saka bumaling kay Maam Esme at ngumiti ng mapaklang ngiti.
"Sana maging masaya na kayo kapag na pirmahan ko na to." madiin na tunong wika niya
Iwan ko pero nanlamig bigla ang buo kong katawan nang marinig ko ang boses niya.
"And you Nerd, masaya ka na ba?!! Congrats ha,!!"
Biglang lumakas naman ang t***k ng puso ko.
"Mag uumpisa ka na naman ba Marco?!"
"Im just asking her' kung masaya na ba siya Mom." sarkastikong sabi niya pa
Masaya?? di ko pa nga nararamdaman kung paano talaga maging masaya kundi takot ang nararamdaman ko Marco at lungkot. At mukhang malabo din na malasap ko pa iyon kapag nag sama na tayo. agad na pumasok sa isip ko
"Will you just shut your mouth Marco and sign it?!!" singhal na sabi ni Ma'am
Naku galit na din
"Ma'am? huminahon po kayo"
Ito na naman po silang dalawa, taga awat na naman ba ulit ako sa kanilang dalawa. sa isip ko
"Tsskk!!" napailing at napangisi pa ito at saka pinirmahan ang mga papeles
Pinanood namin siya ni Maam habang pinipirmahan ang mga papeles kulang na lang mapunit ang mga papel dahil sa sobrang diin nito mag sulat. na pagawi naman ang tingin ko kay Ma'am Esme na may pa simple naman na ngiting pinakawalan habang naka tingin kay Sir Marco na inisa isa ang mga papel sa pag pipirma.
Ngiting tagumpay'
"Ma'am ano po ba talaga ang balak niyo?"
"Done!!" sabi nito at padabog na nilapag sa lamesa saka humakbang patungo sa may pinto
Akmang bubuksan na sana niya ang pinto nang biglang magsalita si Maam Esme. Kaya na pahinto ito.
"Matutunan mo din mahalin si Lexien kapag mag kasama na kayong dalawaq Hijo"
Bigla naman siyang tumingin sa akin na halos magtagisan ang mga panga at naniningkit sa galit.
Ganyan yong mukha niya nung gabi na iyon.
Na ikana lunok ko naman ng laway ko. At lalo pang bumilis ang t***k ng puso ko.
Ayan na naman siya naging dragon na naman, pasaway naman kasi tong si Maam okay na ehh'
"That will never happen!!., Hoy! Nerd!! wag kang assuming na mangyayari iyon asa ka naman!!"
"Aray naman ang sakit ah"
At binuksan na ang pinto.
"Saan ka na naman pupunta?!! bukas na ang alis niyo!!"
"Don't worry Mom Hindi po ako tatakas!! magpapahangin lang ako sa labas!!"
Padabog pa ngang sinara ang pinto.
Napabuntong hininga naman kaming dalawa.
"Don't worry Lexien magiging mabait din sayo si Marco"
Naku ma'am kaylan naman kaya iyon? tong mga nakaraan nga lang ehh may muntikan na nga" sa isip ko.
"Lexien?" hinawakan niya pa ang kamay ko at mukhang nag susumamo pa.
"Ma'am?"
"Alam kong mahal mo si Marco kaya sana naman mapalitan mo ang nasa puso niya ngayon na wala naman ginawa kundi iwan siya."
Si Natalie ang tinutkoy niya
"Sana magawa mo iyon"
"Pero Ma'am ang hirap po ng-"
Di natuloy ang sasabihin ko dahil biglang nag bukas naman ang pinto at bumungad sa amin si Leo.
"Oh' Leo ikaw pala" biglang palit naman ng Awra ng mukha si Ma'am Esme.
"Hi Tita kamusta na po?" masiglang bati naman ni Leo at lumapit sa amin saka nag beso kay Ma'am Esme.
"Hmm' ito medyo okay okay naman na"
"For you po Tita" nilagay sa lamesa ang naka basket na punong puno ng mga prutas.
"Naku' nag abala ka pa Hijo, pero thank you"
"Hi" pa simple din na bati niya sa akin
Tanging ngumiti na lang din ako dito.