Lexien PoV
Sa sobrang pangungulit niya, dinahilan ko na lang namimiss ko na si Carla, sabagay isa din iyon na ikanalulungkot ko.Di ko din pwedeng e kwento sa kanya yong nangyari kagabi baka mag away pa silang dalawa mag kaibigan. Masira ko pa ang pagkakaibigan nilang dalawa ng dahil lang sa akin.
Mananatili lang akong tahimik sa kanya pag tungkol na sa amin ni Marco kahit ano pa ang mangyayari.
Nagsimula na nga siyang magtugtog ng gitara at sabay na sa pag awit. Na pahanga naman ako dahil ang ganda talaga ng boses niya.Pati lahat ng manonood nagulat din dahil kuhang kuha niya bawat tuno at boses parang original lang ang pinapakinggan namin. Tulad nga ng sinabi ko sa kanya nung nakaraan gayang gaya niya din ang boses ni Jamie Miller nung kinanta niya din yung I Lost Myself. Ngayon naman si James Arthur.
Pinagmamasdan ko siya habang kumakanta nanatili lang din itong naka tingin sa may direksyon ko.
"Ang galing niya din palang mag gitara"
Siyang kiligan na naman nang mga babaeng katabi ko nang kumindat pa ito.
Bahagyang natawa at napailing na lang ako dito.
Bigla ko naman naramdaman na nariring ang cellphone ko sa may bag.
Kumamay muna ako kay Leo ng palihim buti napansin naman niya kaagad at pagtingin niya sa may gawi ko inangat ko pa ang hawak kong cellphone at nag sign na may tumatawag, para alam niya ba't ako umalis. At palihim ko din tinuro yung pwesto namin kanina. Bahagyang tumango naman ito.
Agad naman na akong tumungo sa pinag pe-pwesto namin.
"Ma'am?" si Ma'am Esme pala ulit ang tumatawag
"Nag usap na kami ni Marco tungkol sa pag uwi niyo sa inyo Lexien, sa Linggo na daw kayo uuwi"
Naku po naman kapag kausap ko itong si Ma'am Esme lagi na lang may biglaan disesyon ginaganap.
Apaka bilis naman talaga eh Friday na ngayon
Di niyo lang alam di pa po talaga ako handang makasama ulit ang anak niyo' tapos ngayon agarang uwi sa probinsya kasama siya' sa isip ko
"Tapos nung kagabi lang -"
"Jusme" nasapo ko na ang noo ko at hinilot hilot ito
"Why Lexien?? There's any problem??"
Naku narinig niya pa ata'
"Wa-wala po Ma'am"
"Kaya pumunta ka muna dito bukas para maasikaso na din natin lahat ng mga papeles na kakailanganin niyo pag uwi niyo"
"Sige po ma'am"
"Okay bye"
Napa bungtong hininga na lang ako at namlambot na umupo sa bench. Inaalala ko kung anong magiging reaksyon nila itay kapag umuwi ako don kasama si Sir Marco tapos papakilalang magiging asawa ko.
Biglang nasapo ko ulit ang ulo ko parang biglang kumirot ito.
Paano ko naman kaya sasabihin sa kanila sambit ko habang hinihilot hilot ko pa ang sintido ko.
Maya maya pa naramdaman ko ang yabag ng paa na nasa likuran ko.
"Di kana bumalik sa pwesto mo kanina" si Leo kakatapos lang sa pag kanta
"Hmm tanaw naman kita dito eh" dahilan ko naman
"tsaka may nag bubulungan bubuyog na naman kasi doon"
"Ano sabi" na tumabi na din sa akin
"May pinang huhugutan ka daw sa kanta mo"
Napa ngisi naman ito
"Totoo naman iyon eh para sayo kaya yung kanta na iyon" sabi niya na di lumilingon sa akin pero ramdam ko ang pagka seryoso niya
"Sira ka talaga"
"Hmm' Yung bestfriemd mo na ba ang tumawag?" saka siya lumingon sa akin
Umiling naman ako "Hindi' si Ma'am Esme"
"Oh? ano daw sabi ni tita?"
"Pinapapunta niya ako bukas"
"Ahhm' gusto mo samahan kita?"
"Wag na masayado na ako nakakaabala sayo niyan" para iwas din sa dragon baka nandon din bukas eh.
"Okay lang wala naman akong gagawin bukas" naku naman pinaglihi ka talga sa kulit Leo eh no.
Inaalala ko lang si Marco baka mag ala dragon na naman kasi kapag nakita tayong dalawa magkasama.
"Baka kung ano kasi isipin ni Ma'am Esme kapag mag kasama tayong pumunta doon"
"Hmm' I'll explain naman na magkaibigan na tayo"
"Pasaway ka talaga' wag na muna Leo, okay lang ba?"
"Hmm okay pero gagala pa tayo ngayon ha"
"Oo na"
"Saan mo naman gusto?"
"Hmm' ikaw bahala"
"Kapag ako ang pinapili mo sa amin kita ipapasyal"
"Praning ka na naman hahaha"
"Hahah kala mo diyan ah" sabi pa nito maloko talaga
"Hmm' wala naman kasi akong alam na lugar na pasyalan eh Mall lang lagi kung pinupuntahan."
"Sige, sa Mall naman tayo punta" at tumayo na ito agad naman nag ligpit ng kalat namin pinagkainan namin kanina tinapon sa basurahan.
Tumayo na din ako,
Hahakbang na sana ako ngunit bigla akong nakaramdam nang pagkahilo kaya agad akong napaupo. Na ikina bigla naman ni Leo
"Lexien!! are you okay?" nag alalang tanong nito
"O-Okay lang' bigla lang akong nahilo"
"Next time na lang tayo gumala mukhang wala ka pang tulog dahil kakaiyak mo ata niyan kagabi?"
"Siguro nga ata" siguro nga sa isip ko.
"Halika aalalayan kitang maglakad, kaya mo ba? kakargahin kita kung hindi"
"Pasaway mo talaga Wag na' kaya ko naman"
"Wag nang matigas ang ulo mamaya matalisod ka pa di pa kita maabutan para saluhin diyan eh"
Makulit eh,kaya nilahad ko na lang ang palad ko pag kahawak niya tiningan niya pa ito at kunot noong lalong tiningan ito.
"Ano to kalmot? anong nangyari dito?" Tanong nito habang hawak niya, na agad ko naman itong kinabig
"Ah ehh' kamot ko iyan" buti naka long sleeve ako kaya agad ko naman itong tinakpan ng mahabang manggas nito
"Nag- nag ka rashes din kasi ako kagabi" Buti ang dali kong makaisip nang dahilan, pero parang di pa ata naniwala kasi nakatitig pa ito sa akin na para bang inaantay na mag sabi ako ng totoo
"hMM' may gamot ka ba para diyan?"
"Meron"
"LheX?"
"Hmm?"
"May- may dugo?"
"Ha?!"
Bigla naman nataranta ito at agad naman kinuha ang kaniyang panyo sa kanyang bulsa ng pantalon at marahang dinampi sa ilong ko.
"Talaga bang okay ka lang? dalhin na kaya kita sa ospital?" sabi niya na patuloy parin na pinupunasan ang ilong ko.
"Ano ka ba' okay lang po ako" parang bigla na naman sumagi sa isip ko yung nangyari din ito sa akin nakaraan lang ta's si Carla din alalang ala sa akin noon.
"Umupo ka muna" inalalayan niya akong umupo, habang ung isang kamay niya naman ay naka takip sa may ilong ko na may panyo.
Habang pinupunsan ko naman ang ilong ko gamit ang panyo niya. Pero sa sulok na mga mata ko kita na tahimik na pinagmamasdan niya ako. Ilang minuto na ganon.
"Wala bang masakit sayo?"
Parang nanibago naman ako bigla sa aura niya kung kanina puno ng saya ngayon pinalitan naman ng pag alala ang makikita mo sa kaniya
Tumango naman ako
"Sure?"
Ngumiti naman ako dito "Oo nga' wala to, okay lang talaga ako promise"
"Ospital o Apartment?" seryosong tanong nito
"Hahaha ikaw talaga sa apartment na lang po" ngunit seryoso pa rin ito.
"Sige' pero okay na ba wala ng dugong lumalabas?" tanong nito at tinanggal pa nga ang kamay kong nakatakip sa ilong at sinilip ang butas ng ilong, biglang akong nailang kasi baka mamaya may kulangot pala ako' nagbilang pa ata kasi ilang sigundo siyang naka ganon hanggang naka ramdam na talaga ako ng pag iilang dahil sobrang lapit na nang mukha niya sa mukha ko kaya agad naman akong umiwas.
"Wala na ata tara na" aya ko dito
"Madalas bang nagyayari ito sayo?" tanong pa nito
"Hindi' ngayon lang" pasisinungaling ko
"Yung totoo Lhex" Seryosong Leo na talaga ang kaharap ko ngayon
"Oo nga po' baka kasi sa init din ng panahon kaya nagka ganito ako" paliwanag ko pa
Tahimik at parang di ata tumalab sa kanya ang dinahilan ko. Pero mga ilang sandali lang. Napa buntong hininga pa bago ito nagsalita.
"Sige na nga' ihahatid na kita sa apartment mo, pero promise mo sa akin mag papahinga ka ha"
"Opo" sagot ko at sabay ngiti
Kinuha niya na din ang bag ko nagulat pa ako
"Tara na' ako na magdadala nito" naka ngiting sabi niya at saka ako inalayang tumayo at kahit sa paglalakad namin papuntang parking lot.