Marco PoV: 'I miss her' laging bumubulong sa isipan ko ang mga katagang iyon na pilit ko huwag pansinin. Halos mag iisang buwan na, pero ganon parin kami sa dati ni Lexien ni di parin niya akong kayang tingnan ng deretso si lagi lang itong nakayuko, at pag iiwas sa akin na para bang takot ito sa tuwing nasa bahay ako. Gusto ko man siyang lalong pahirapan ngunit iwan ko ba pakiramdam ko din umiiba na ang takbo ng mundo ng puso ko kapag kasama ko na siya, sa isip ko gusto ko siya pahirapan ngunit tong puso ko naman sumusuway. Pinilit ko din na huwag makipag siping sa kinya simula nong may nangyari sa amin ni Natalie, parang nahiya ako bigla sa kaniya. Kaya sa condo ako natutulog, kahit itong si Natalie naman gustong gusto lagi na sa kaniya ako mag stay. Naging mahirap din sa akin na pan

