Lexien PoV; Mabilis na lumipas ang mga araw halos mag iisang buwan na kami dito sa Mansion. Wala paring pinagbago sa relasyon naming dalawa ni Marco. Minsan naririnig ko pang kausap niya si Natalie, nasasaktan naman ako sa tuwing ganon ang eksena. Minsan di pa ito umuuwi. Siguro dahil kasama niya si Natalie mag damag, iyon ang laging nasa isipan ko.Na ang akala ko pa naman okay na kami nung araw na nagkasakit ako, siya pa ang nag presenta na sunduin na lang sila itay sa condo, para makasama ko pa ito ng ilang araw para di na din daw ako bumyahe. Akala ko may pagka romantiko na ito. Hindi pa pala, napunta naman ako sa maling akala. Tungkol naman sa sakit ko, itong mga nakaraan araw din, palala ng palala naman ang nararamdaman kong pagkikirot ng ulo ko. Minsan din nag susuka at madalas an

