Lexien PoV: "Lhex?!!" tawag naman sa akin ni Leo. Dahil sa nanghihina ang buo kong katawan tinawagan ko ito para magpasundo sa kaniya. Agad kong palihim na pinunasan ang mga luha ko. Ngunit agad naman nitong napansin. "Bakit ka umiiyak? okay ka lang ba?" Bahagyang tumango naman ako. "Tumawag kasi ako kila itay, namiss ko lang." pilit na ngiting sabi ko naman "Ganon ba?" Tumango ulit ako. "May de-deliver ka pa ba?" Umiling naman ako at iniangat ang paper bag na walang laman. "Wala na." "Asan na yong akin?" malungkot at may pag ngusong tanong nito. Napakunot noo naman ako. "Ayan tayo eh laging nakakalimutan yung akin." pagtatampo na nito "Hala sorry heheh" Natawa na din naman ito. Tahimik lang namin tinatahak ang daan pauwi sa Mansion. "Leo uuwi na ako ng probinsya." bi

