Lexien PoV: Habang patagal ng patagal, lalo akong nahihirapan sa Mansion. Di parin nagbabago ang pakikitungo niya sa akin, lalo na kapag inuuwi niya si Natalie. May beses din na nahuhuli ko silang dalawa sa office dahil nag dedeliver din ako sa mga kakilala kong empleyado don. Lalo pa ako nawalan ng pag asa nang malaman kong buntis na si Natalie. At magiging ama na ito. Masaya na sila, masayang pamilya. Kulang pa sa triple ang kirot na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko silang masayang nagpaplano sa magiging buhay nila. Na di ko man lang kayang ipadama sa kaniya at sa sarili ko kapag ako ang kasama niya. Sa sobrang naging abala ako sa pag be-bake ko para makapag padala kila itay, di ko na namamalayan na lalong palala na ng palala na pala ang sakit ko. * * * "Ms. Mendez' bakit nga

