"Ano insan' ayos naba kayong dalawa ni Vincent dito?" Tanong ni Rome pagkarating nila sa isang apartment malapit sa hospital kung saan nagpapa- check-up si Vincent. Dito napili ni Tasia na mangupahan muna, bukod sa malapit sa hospital' malapit din ito sa university na pinapasukan niya. "Ayos na kami dito insan. Pansamantala lang naman ito." Sagot niya saka naglakad- lakad upang tingnan ang nag-iisang kwarto doon. May maliit itong kusina at may sala din itong maliit. Sa likod ng apartment nandoon ang CR at kung saan siya pwedeng maglaba at magsampay ng mga labahin. "Paano iyan insan' wala kayong mga kagamit- gamit? Iyong mga damit ninyo' na kina Tiyang pa." "Hindi problema iyon insan' mga damit lang naman ang nandoon. Mga importanteng gamit namin—nasa bahay lahat. Hindi naman kami pw

