Panay ang iyak ni Aurora' humihikbi habang nakapiring ang kanyang mga mata. Mabuti na lamang at tinanggal ang busal sa bibig niya pagkapasok nila sa kanya sa loob ng sasakyan. "Sino ba kayo? Kung katawan ko lang din ang habol ninyo, bakit hindi niyo sabihin? Ibibigay ko naman ah, magsabi lang kayo' hindi iyong kailangan niyo pa akong dukutin para makuha ang katawan ko!" Panay ang salita ni Aurora na umiiyak habang nasa byahe na sila. "Ahahahah! Ikaw papatusin namin? Hindi kami mga patay-gutom sa babae uy! Hahahah.. Kung ikaw lang din, magsasarili na lang ako." Panay ang tawa ng mga armadong lalake sa kanya. "Ba-bakit? Maganda naman ako ah' disney princess ako, hindi niyo ba ako nakikilala?" Muli ay saad niya at napapasinghot pa. "Hahahah.. Disney princess daw oh mga pare' hahahah.."

