"Gabriel, tulong! Tulungan mo akoooo!" Halos manginig na ang buong katawan ni Aliyah dahil sa sobrang takot niya. "Saan ninyo ako dadalhin? Ma-aawa kayo sa akin!" Umiiyak na pakiusap niya. Nasa may intersection na siya ng biglang may humarang na mga armadong kalalakihan sa kanyang sinasakyan. Pauwi na siya ng kanilang bahay galing sa isang bar kung saan siya nakipagkita sa mga kaibigan niya para makipag-inuman at upang ilabas ang lahat ng sama ng loob niya dahil sa nangyari sa kanilang dalawa ni Gabriel. Dito niya ibinuhos ang lahat ng sama ng loob niya. Pagkatapos nilang makapag-usap ni Gabriel sa opisina nito ay inakala niyang siya ay susundan ng nobyo, ngunit laking pagkadismaya niya dahil taliwas iyon sa inaasahan niya. Gabriel doesn't love her, because he still chose his family

