Nang tuluyan ng makapasok si Gabriel sa loob ng sasakyan—hindi niya maiwasang mapalingon sa port kung saan sila nanggaling. Kunot ang kanyang noo na napapa-iisip ng mamalim. "God! I'm sorry Aliyah! Sorry, babawi ako sa'yo babe, just wait for me." Saad pa niya sa kanyang sarili dahil hindi talaga maalis-alis sa isipan niya ang pahapyaw na boses na iyon, na tila humihingi ng tulong. Hindi siya pwedeng magkamali dahil kabisado niya ang boses ni Aliyah. Hindi tuloy niya malaman kung guiltiness itong nararamdaman niya—kaya pati sa Batangas ay naririnig niya ang boses ng nobya niya. "Let's go!" Sigaw niya sa kanyang mga tauhan dahil baka masukol pa sila ng mga kapulisan. 'Ang mga epektos ba, kumpleto?" Tanong niya sa kanyang mga tauhan. "Kumpleto lahat Boss, nakuha natin lahat!" Sagot

