CHAPTER:4

1210 Words
"Stephanie sino ba talaga ang pupuntahan natin sa isla na iyon?" Tanong sa akin ulit ni Kuya ng makasakay ako sa chopper. "Kuya maniniwala ka ba sa akin kung sasabihin ko sayong si Candice ang pupuntahan natin." Sagot ko sa tanong nito sa akin.At dahil tila nagulat nga ito ay napalingon pa ito sa akin na may nagtatakang tingin. "Anong sinabi mo?" Tanong pa nito sa akin ulit. "Kuya alam ko na hindi ka makapaniwala,Ako din naman kanina kaya lamang ay may sinabi s'ya na isang sikreto ko na tanging si Mom at ako lamang ang nakakaalam at si Candice na din." Sagot kong muli dito. "Baka naman pinagtritripan ka lamang ng tumawag sa'yo Bunso, imposible na buhay pa s'ya alam naman natin na inilibing ang katawan n'ya at nagmatch din ang DNA sa bangkay na iyon.Kaya naman paanong mangyayari na tumawag s'ya sa'yo at s'ya ang pupuntahan natin ngayon." Sabi pa ni Kuya na halata naman sa tono ng boses nito na hindi talaga s'ya naniniwala sa akin. "Kuya please,dalhin muna lamang ako sa isla na ito para nalaman talaga natin kung totoo ang sinasabi ng tumawag sa akin." Sabi ko pa dito. "Kaya nga ikaw ang inirequest ko na piloto dahil mapropotektahan mo ako kung sakali man na niloloko ang tumawag sa akin." Paglalambing ko pa dito. "Okay sige na,kundi lang kita kapatid ay malabong gawin ko ito. "Mapagkakatiwalaan din naman ako." Nagulat pa ako ng may nagsalita mula sa likuran namin. "Alex,bakit kasama ka?" Tanong ko dito. "Bakit naman isinama mo pa ang isang ito Kuya?" May pagmamaktol na tanong ko pa kay Kuya. "Mas maganda na kasama natin s'ya Bunso at h'wag kang mag-aalala mapagkakatiwalaan ang kabuddy ko na yan." Sagot sa akin ni Kuya. "Grabe ka naman sa akin Stephanie, parang ramdam na ramdam ko naman sa iyong mga pananalita at pagtatanong kay Kaizer na hate na hate mo talaga ako "Sabi naman ni Alex na nagpapaawa pa. Inismiran ko na lamang ito. Hindi naman sa ayaw ko na kasama okay,ang sa akin lang kasi ay napakahirap magtiwala." Sabi ko dito. "Hindi pa ba sapat ang sinabi ng kuya muna na mapagkakatiwalaan ako!?" Tila patanong na pagkakasabi pa nito. "Tumigil na nga kayong dalawa d'yan,dahil kapag hindi kayo tumigil ay ihuhulog ko kayong dalawa." Pagsasaway sa amin ni Kuya na halata naman na naiirita na sa pagtatalo namin ni Alex. "Okay Kuya titigil na." Sabi ko pa at nanahimik na lamang. Hanggang sa makarating kami sa sinasabi na Isla ni Candice sa akin. "Ito na ba ang Isla Verde Kuya?" Tanong ko kay kuya. "Oo ito na."tipid na sagot nito sa akin. "May nakikita akong kumakaway na babae sa ibaba." Sabi naman ni Alex kaya naman napatingin din ako sa sinasabi nito sa amin. "Kuya pwede ba na bumaba pa tayo." Sabi ko pa. "Sige sandali lamang at hahanap ako ng pwede natin lapagan." Sagot sa akin ni Kuya. Hanggang sa lumapag na kami ng dahan-dahan at agad naman na bumaba ako. Naglakad ako palapit sa babaeng kumakaway sa amin.Nang makalapit ako ng tuluyan dito at nagulat ako sa hitsura nito dahil sa sunog ang mukha nito na nasisinagan ng buwan. "Steph ako ito,si Candice." Sabi nito na kaboses nga ang aking kaibigan. "Ikaw ba talaga ang bestfriend ko,bakit sunog ang mukha mo?" Sunod-sunod na tanong ko pa dito. "Dahil sa aksidente kaya nagkaganito ang mukha ko." Sagot nito sa akin habang tumutulo ang mga luha nito sa kan'yang mga mata. Mga mata na kilalang kilala ko,dahil sa kakaibang kulay nito na parang jolen kapag nasisinagan ng araw. "Besh, ikaw nga!" Agad akong yumakap dito at niyakap din naman na gumanti ito ng yakap sa akin. "Besh anong nangyari sa'yo,bakit ngayon ka lang nagparamdam sa akin?" Tanong ko pa dito habang aking yakap-yakap ito ng mahigpit ngayon.Miss na miss ko ito ng sobra at para bang ngayon na nakasama ko na ito at nahahawakan ay tila ba labis ang saya na nararamdaman ko ngayon. Humiwalay ito sa akin at tumingin sa mga mata ko. "Besh, kailangan na natin na makaalis dito at saka ko na lamang sa'yo sasabihin ang lahat kung bakit ba ngayon lamang ako nakatawag sa'yo." Imbes na sagutin nito ang aking tanong ay iba ang narinig ko mula dito "Magpapaalam lamang akong muli sa mga taong tumulong sa akin." Sabi pa nito. "Sasamahan na kita." Sabi ko naman dito. "Kuya maiwan na muna namin kayo dito,sandali lamang kami." Paalam ko naman kila Kuya at Alex na ramdam ko ang awa sa mga mata nila habang pinagmamasdan si Candice. "Candice." Tawag pa dito ni Kuya. "Kuya Kaiser!" "Ikaw nga si Candice." Sabi naman ni Kuya. "Ako nga Kuya,pero mamaya na lamang tayo mag-usap usap dahil kakausapin ko pang muli ang mga tumulong sa akin dito na sila na naging parang mga tunay na magulang ko na din.Dahil sa naging trato nila sa akin habang nandito ako at walang maalala." Sabi pa ni Candice na napatakip pa ako sa aking bibig dahil sa sinabi nito na wala s'yang maalala nang mapadpad s'ya dito sa isla. Siguro iyon ang dahilan kung bakit ngayon n'ya lamang ako tinawagan at naalala. "Sige maghihintay na lamang kami sa inyo dito." Sabi naman ni Kuya sa amin. Nang makarating kami sa kubo ng mga kumupkop dito ay hindi naman sinabi sa kanila ni Candice ang tunay ko na pangalan ku'ndi ay binago nito na akong ipinagtataka,pero tumingin ito sa akin ng makahulugan kaya naman sinakyan ko na lamang ang nais na palabasin nito. "Nay Patring,Tay Nestor gusto ko po sana na magpasalamat sa inyo dahil sa pag-aalaga n'yo sa aking kaibigan habang nandito s'ya sa poder n'yo." Sabi ko sa kanila nang taos sa puso ko dahil kung wala sila ay baka kung ano na ang nangyari kay candice. "Walang anuman iyon Iha, para sa amin ay anak na ang turing namin kay Maliyah" Sagot naman nila sa akin kaya naman napatingin na naman ako kay Candice dahil maging ang pangalan n'ya pala dito ay pinalitan din. "Nay Patring, Tay Nestor aalis na po kami,,pero promise ko po sa inyo kapag nakuha ko na ang aking anak ay babalik po ako dito." Pangako sa kanila ni Candice na halata naman na napamahal na dito ang mga ito. "Mag-iingat ka Iha,at kung kailangan mo kami ay handa pa rin kaming tanggapin ka dito,bukas palagi ang pinto para sa'yo.".Sabi naman dito ng mga itinuring n'ya na mga magulang habang wala s'ya maalala. Hanggang sa makaalis na kami ng tuluyan sa kubo at inihatid pa nila kami kung nasaan sila kuya. "Kayo na ang bahala kay Maliyah." Bilin pa sa amin ng mag-asawa. "H'wag po kayong mag-alala dahil hindi namin s'ya pababayaan." Sagot ko sa mga ito. Muli pa na niyakap ni Candice ang mga ito bago kami tuluyan na sumakay sa chopper. Kumaway pa sa kanila ang kaibigan ko at habang umaangat kami at may narinig pa akong tinig na tumatawag sa pangalan nito dito sa isla na Maliyah. Isang lalaki ang nakita ko na isinisigaw ang pangalan nito. "Kilala mo ba s'ya Besh?" Tanong ko pa dito. "Oo s'ya si Noe,"malungkot na sagot nito sa akin. Tila hindi lamang basta kakilala para sa kaibigan ko ang Noe na ito. Hinayaan ko na lamang muna ito na makapagpahinga habang bumabyahe kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD