Nang makauwi kami dito sa condo ni Candice ay hindi ko na muna ito inusisa pa.Kahit pa gustong gusto ko ng malaman ang lahat. "Bunso aalis na kami, sigurado ka ba na okay na kayo dito ni Candice?" Tanong pa ni Kuya Kaizer sa akin. "Oo Kuya okay na okay na kami dito,at salamat ulit sa tulong mo sa akin na makuha natin sa Isla na iyon si Candice "Sabi ko kay Kuya na tumingin naman kay Candice ngayon. Alam ko noon pa man ay may pagtingin na si Kuya sa aking bestfriend kaya lamang ay naunahan na s'ya ni Zach dito. Kita ko pa din sa mga mata ni Kuya ang pagmamahal sa tuwing tinitingnan n'ya si Candice, sad'yang torpe din kasi itong kapatid ko kaya naman laging sawi dahil lagi din nauunahan. Hindi ko akalain na kahit ganito na ang naging hitsura ni Candice ngayon ay magiging ganito pa din s

