"I miss this!" Sabi ko habang nakahiga ngayon kasama ang aking bestfriend. "Me too noon nag-aaral pa tayo ay madalas na tayo palagi ang magkatabing matulog kahit pa nga nasa bahay tayo ay hindi talaga tayo mapaghiwalay." Wika naman nito sa akin. "Matutulog ba talaga tayo Besh o magkwekwentuhan pa din?" Tanong ko na dito dahil sa dami ng gusto ko pa sana na itanong dito ay pinipigilan ko na lamang ang aking sarili na magtanong pa dahil baka abutin na kami ng umaga nito sa kakakwentuhan. Hanggang sa naramdaman ko na lamang na tila nakatulog na ito. Pinagmasdan ko ang mukha nito at naawa talaga ako para sa sinapit nito nang dahil lamang sa mga taong iyon. Tumayo ako at nagpunta sa aking desk dito sa kwarto. Kailangan na makahanap na ako nang mukha na maaring gamitin nito para makapaghig

