Chapter 10

944 Words
Napapangiwi na lamang ako. Nong una ay hindi niya nagustuhan ang lasa ng balot ngunit kalaunan ay nagustuhan na niya ito. Nakatatlong piraso siya ng balot. Hinihigop niya rin ang suka. Nag-iinarte pa siya kanina e nagustuhan naman pala niya. Nagtake out pa siya ng limang piraso, numero eighteen na balot. Nakulangan pa siya sa tatlong piraso. “For my entire life kung hindi ka dumating sa buhay ko, hindi ako makakain ng balot. ” At ngayon panay siya puri. Iyong kaninang pinandidirihan niya ay s4rap na sarap siya. Dumukot siya ng pera sa wallet niya—isang libong piso at kaniya itong inabot kay Manong Tindero. “Maam, sir wala ho ba kayong sensilyo nito?” “Keep the change, Manong.” Sagot ni Trev at muli siyang dumukot ng limang libo sa wallet niya. “Ito naman ay para sayo.”Sabay abot niya ng pera sa tindero. Nanlaki ang mga mata nito sa galit. Hindi ito makapaniwala sa perang inabot sa kaniya ng estranghero niyang customer. “Maam, sir ang laki ho nito. Sakto na ho itong isang libo na binayad niyo.” Mariing tanggi ng matanda ngunit inilagay parin ito ni Trev sa palad ng lalaki. Nagpupunas ng mga mata ang lalaki. “May pangdagdag na ako sa operasyon ng aking asawa,” mangiyak-ngiyak na turan ng lalaki. “Maraming salamat po, maam sir sa kabutihan niyo po!” dagdag niya. “Bakit, Manong? Ano po ang sakit ng asawa niyo?” seryosong tanong ni Trev,tila ba may plano siyang tulungan ang asawa nito. “May breast cancer ho siya, Sir. At malaki pang halaga ang kakailanganin para sa oeprasyon niya.” Breast cancer? Napakadelekado no'n, kailangang maagapan iyon sa lalong madaling panahon kasi maari na ikamatay iyon ng asawa niya. “Sagot ko na ang operasyon ng asawa mo, Manong,” wika ni Trev sabay na inabot ang calling card niya. Tuluyang tumulo ang luha sa mga mata ni Mamang Tindero. Walang paglalagyan ang saya na nararamdaman nito. Napatitig iyong tindero sa calling card na inabot ni Trev. “Tumawag ka sa akin sa numerong ito at para mai-schedule natin ang operasyon ng asawa mo.” Sa sobrang tuwa ay niyakap si Trev nang mahigpit no'ng tindero at napapahagulhol. “Hulog po kayo ng langit sa aming mag-asawa Sir! Nawa'y marami pang blessings ang dumating sa inyong mag-asawa!” mangiyak-ngiyak na wika nito. “O sige po, Manong. Aalis na po kami at maghihintay ako sa tawag mo.” Nagpaalam na kaming dalawa sa tindero ng balot. Bumalik kami sa ihawan ng barbeque at nagulat ako nang kumuha siya ng betamax at ihaw. “Kumuha ka ng anumang gusto mo.” ----- Hanggang sa nabusog kami pareho. Umuwi kami pagkatapos sa mansyon. Saktong pagdating namin ay nagring ang phone niya. Nang tignan niya ay unregister number ang tumawag sa kaniya. Saglit na lumingon sa akin si Trev bago niya sinagot ang taong tumawag sa kaniya. “Pakitext ang full address ng hospital nang sa ganon ay mapa-schedule ko ang operasyon ng asawa mo.” Iyong tindero ng balot pala ang tumawag sa kaniya. Agad niyang pinaschedule ang operasyon ng asawa nito. Ang hospital na ito ay pagmamay-ari niya kaya't wala siyang ilalabas na pera para sa operasyon ng asawa ng balot vendor. Napakalambot talaga ng puso niya sa mga ganito. Hindi siya magdadalawang isip na tumulong sa tao na nangangailangan ng tulong niya kahit hindi ito lubusang kilala. Napakabuti talaga ng puso niya kahit paminsan-minsan ay hindi niya nagagawang kontrolin ang kaniyang sarili sa pagiging over protective sa akin. KINABUKASAN ay agad siyang nagtungo sa hospital upang makausap nang personal si Manong tindero ng balot at ang asawa nito na may breast cancer. Nagpaiwan ako sa mansyon. Dahil may online class pa ako. Nakapag-adjust naman ako sa online classes ko. Nong una kasi ay sobra akong nahirapan. Di naman nagtagal ay natapos ang aking klase at dahil wala akong magawa sa buhay. Tinulungan ko ang mga kasambahay na linisin ang buong mansyon. Pag-uwi ni Trev ay nadatnan niya akong nagpupunas ng mga pigurin niya. “What the hell are you doing?” “Manang! Bakit niyo naman ipinasa kay Miss Kim ang trabaho niyo?!” Sinubukan kong bawiin sa kaniya ang feather duster na bigla niyang hinablot sa kamay ko. Ayaw niya itong isauli sa akin. “Ibalik mo sa akin iyang feather duster na iyan!” At hindi ko na ito magawang maabot. Ang liit ko ba namang babae. Sa kakaabot ko ay nawalan ako ng balanse, mabilis niya akong nasalo. “ Mabilis akong bumitaw sa kaniyang bisig, ngunit hindi niya ako agad pinakawalan. Ramdam ko ang init ng kaniyang palad na mahigpit na nakahawak sa aking braso. “Kung gusto mong tumulong, sabihin mo sa akin. Hindi mo kailangang gawin ang trabaho ng mga kasambahay,” mariin niyang wika. Napayuko ako, nahihiya. “Gusto ko lang naman makatulong, Trev. Ayaw kong palaging nakaupo lang dito sa mansyon.” Sandaling natahimik siya, bago dahan-dahang bumuntong-hininga. “Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo. May mga tao para sa mga ganyang gawain. Ang kailangan ko lang ay manatili kang ligtas.” Napatingin ako sa kaniya. Sa kabila ng kaniyang pagiging istrikto, ramdam ko ang tunay na malasakit. “Pero Trev,” mahina kong sagot, “hindi mo naman ako pwedeng bantayan palagi. Kailangan ko ring matutong tumayo sa sarili kong paa.” Napakurap siya, tila ba nagulat sa sinabi ko. Unti-unti siyang ngumiti, isang ngiting bihira kong makita. “Tama ka. Pero tandaan mo, hindi kita pababayaan.” At sa sandaling iyon, parang tumigil ang oras. Ang dating nakakatakot na presensya niya ay biglang naging mas magaan, mas mainit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD