Chapter 15

1205 Words
Itinulak ko siya at isang malakas na sampal ang dumapo sa kaniyang pisngi. Napahawak siya sa kaniyang namumulang pisngi. “How dare you to kiss me?! Ano'ng ginagawa mo dito?” galit kong tanong sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko ngunit winakli ko siya. “Kung kailan nasa proseso na ako ng pagmomoving-on tapos magpapakita ka sa akin dito na parang walang nangyari?”dagdag ko pa. Lumuhod siya sa harap ko. “Sorry for eveything that i've caused you. Nandito na ako, Jey! I am choosing you!” “Please, Jey! Pinutol ko na ang ugnayan ko sa fiance kong si Martina. Umatras ako sa kasal naming dalawa kasi ayokong makasal sa babaeng hindi ko mahal dahil gusto kong ikaw at ikaw lamang ang magdadala ng apelyedo ko wala ng iba pa. Jey! Give me another chance!” dagdag niya. Mapait akong ngumiti. “Sa tingin mo ganon nalang iyon? Hindi porket na pinutol mo na ang ugnayan mo sa fiance mo ay matatapos na ang lahat. Kaya nga ako nagpakalayo, Trev para makaiwas sa gulo at makaiwas sayo! Di kana sana nagpunta rito, Trev! tanggap ko naman eh, na hanggang parausan mo lang ako.” Umiling-iling siya at tumayo. “ Please, Jey! Let me stay here with you. Hindi ko kaya na mawalay ka sa akin. Mababaliw ako!” nagsusumamo niyang wika. “Umalis kana!” muling taboy ko sa kaniya. Maya-maya ay dumating si Tatay Dadoy. Nagulat siya nang makita si Trev. “Ano'ng ginagawa mo rito? At paano natunton ang probinsiya naming ito?”sunod-sunod na tanong ni tatay kay Trev. Bumeso muna siya kay Tatay bago sumagot. “Nandito ho upang sunduin ang anak niyo at bumalik sa mansyon kasama ako.” “Ano'ng ibig mong sabihin? May relasyon ba kayo ng anak ko?” nagugulang tanong ni Tatay sa kaniya. Lumingon muna siya sa akin. “Mahal ko ang anak mo. Lahat gagawin ko para sa kaniya. Proprotektahan ko siya tulad ng pagprotekta mo sa kaniya,” sagot niya kay Tatay. Bumaling ng tingin sa akin si Tatay, napayuko na lamang ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sasabihin. Natatakot ako na kapag sinabi ko sa kaniya ang totoo, magalit siya sa akin at itakwil niya ako. “Jey! Ano ang pinagsasabi ng lalaking ito?” Malalim akong napabuntong-hininga. Pahamak talaga ang lalaking ito kahit kailan. “K-kasi...ano..sorry po! Hindi ko po kayang sabihin.” Sagot ko pa at sabay na kumaripas ng takbo patungo sa ilog. Hindi pa ako handa sa posibleng mangyari kapag nalaman ni Tatay ang totoong namamagitan sa aming dalawa ni Trevor. Halos magkasing-edad kasi silang dalawa ni Tatay. Posibleng magalit siya sa akin. Nanginginig ang aking tuhod habang tumatakbo. “Jey! Bumalik ka rito! Saan ka pupunta?!” tawag sa akin ni Tatay. Alam kong nakasunod sa akin si Trev. Patuloy lamang ako sa pagtakbo, hindi alintana ang mga mayayabong damo. “Jey! Wait for me!” Hindi ko siya nilingon pa. Hanggang sa narating ko ang ilog. Halos habol ko ang aking hininga sa sobrang pagod. “Jey! Where the hell are you?” Dali-dali akong nagtago sa malaking bato. Mas mabuting hindi niya ako matunton nang sa gano'n ay uuwi siya sa siudad na pinanggalingan niya. “Magpakita ka sa akin, Jey! Alalang-alala na ako sa'yo!” patuloy siya sa pagtawag sa pangalan ko. Sa tono ng boses niya ay alalang-alala na siya sa akin. Hindi ako kumibo, hinayaan ko lamang siya. Hanggang sa palayo ng palayo ang boses niya. Nang masiguro kong nakaalis na siya ay saka ako lumabas mula sa malaking bato. Naghilamos ako ng aking mukha. “Kaya nga ako umuwi ng probinsiya kasama si tatay upang maging mapayapa na ang buhay ko. Malayo sa gulo at sa mga posibleng mangyari sa akin sa siudad na iyon. Tapos, bigla nalang susulpot si Trevor. Nanatili ako ng ilang oras sa ilog hanggang sa unti-unting kumilimlim ang kalangitan. Pagtingin ko sa aking relo ay singko minutos nalang para mag-alas singko. At biglang nagring ang aking selpon na nasa loob ng bulsa ng short ko. Pagtingin ko sa screen—si Tatay Dadoy. Sa mga sandaling ito ay alalang-alala na siya sa akin. Sinagot ko ito. “Jey, anak! Nasaan ka? Parang awa mo na nak, umuwi kana. Baka ano pa ang mangyari saiyo kung saan kaman ngayon naroroon.” Bumungad sa akin ang nag-alala at nagsusumamong boses ni Tatay. “Tay, si Trev ho umalis naba?” Hindi ako uuwi ng bahay hangga't naroon pa ang lalaking iyon. Kasi kukulitin at kukulitin niya lang akong sumama sa kaniya pabalik sa siudad. “Kanina pa siya nakaalis anak, ngunit sabi niya sa akin ay babalik raw siya rito.” Nakahinga ako nang maluwag nang malaman kong nakaalis na nga si Trev. “Nandito ako sa ilog tay, mangunguha lang ho ako sandali ng panggatong natin para bukas. Maya't-maya ay uuwi rin ako diyan.” Biglang dumilim ang kalangitan, parang uulan ata. Dali-dali akong nanguha ng kahoy na ipanggatong namin bukas. Ngunit bago paman ako makauwi ay bumuhos na ang malakas na ulan. Napatakbo ako sa malaking kahoy upang sumilong. At bigla nalang kumulog ng malakas kaya't napayakap ako sa aking sa sobrang takot. Nanginginig ang aking kalamnan at tuhod sa mga sandaling ito. Wag lang talaga kumidlat kasi delekado ako sa pwesto kong ito. Baka matamaan ako ng kidlat. Di talaga ako makakauwi ng buhay kay Tatay. Mataimtim akong nanalangin nawa'y hindi kumidlat. “Shít!” napalingon ako nang may narinig akong nagmura. Nagulat ako sa aking nakita, si Trevor. May bitbit siyang bayabas sa kaniyang kaliwang kamay. “Jey?! Mabuti't ligtas ka. I'm glad to see you. Akala ko napano kana!” tumakbo siya papalapit sa akin na parang bata at niyakap ako nang mahigpit. Itinulak ko siya palayo kaya't nabitawan niya ang isang kumpol na bayabas na bitbit niya. “Where have you been? Kanina pa ako naghahanap sa'yo!” isa-isa niyang pinulot ang mga bayabas sa lupa at kaniya itong hinipan. Ang akala ko ay umuwi na siya ng siudad, ngunit hindi pa pala. So ibig sabihin ay nagsinungaling sa akin si Tatay? “Pasaway ka talaga, Jey!” dagdag niya pa. Hanggang sa tumila na ang ulan. Basang-basa iyong kahoy na panggatong namin bukas ni Tatay Dadoy. “Uwi na tayo?” suhetsyon niya, pinagtaasan ko siya ng kilay. “Doon ka umuwi sa siudad,” masungit kong sagot sa kaniya at sabay na dinampot ang iilang piraso ng kahoy ngunit humarang siya sa akin. “Ano ba?! trev? Ano bang trip ito ha?!” Halos umusok na ang ilong ko sa galit. Walangya talaga ang lalaking ito. At bigla nalang niyang binawi sa kamay ko ang iilang kamay na ibinigkis ko pa. “Sakay!” utos niya. Bahagya siyang yumuko upang makasakay ako sa likod niya. “Sabing sakay, Jey!” muling turan niya. Gusto niya akong sumakay sa likod niya. “Isa..” nagsimula na siyang magbilang pero hindi ako kumibo. Kumaripas na ako ng takbo pauwi. Hinabol niya ako bitbit ang iilang kahoy. Sigaw siya ng sigaw habang tinatawag ang pangalan ko. “Bahala ka diyan!” “Kapag naabutan kita, Jey! Sisiguraduhin ko talagang hindi ka makalakad!” pagbabanta niya pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD