Chapter 14

895 Words
Di ako natinag sa sinabi niya. Wala akong pakialam kung hindi pa tapos ang kasunduan naming dalawa bilang magka‑fuck buddies. Ang gusto ko lang ay lumayo sa kaniya. Balang araw, mawawala rin ang lihim na damdamin ko para kay Trevor. “Bitaw!” mariin kong sigaw sabay hawi sa kamay niyang nakahawak sa aking braso. Dinukot ko mula sa aking wallet ang ATM card at ibinalik ko iyon sa kaniya. Hindi ko na iyon kailangan. “Ibinabalik ko na sa’yo ang ATM na iyan. Huwag kang mag‑alala, singko mil lang ang na‑withdraw ko.” “You’re not leaving, Jey! You stay here!” mariin niyang pigil nang akma akong hahakbang palayo. “Please, Trev! Hayaan mo na ako,” halos pagmamakaawa ko. Ngunit umiling siya, tila ba sinasadya akong pahirapan. Bigla niya akong niyakap nang mahigpit. “About what happened earlier… it’s just a damn arranged marriage. Hindi ko siya mahal, Jey! Dahil ikaw ang mahal ko.” Ayaw niya talagang tumigil. “Ano ba, Trev?! Huwag mo namang paglaruan ang damdamin ko! Akala mo ba maniniwala ako sa lahat ng pinagsasabi mo? Nagkamali ka, Trev! Isa kang sinungaling. Lahat ng ito ay mga ilusyon lang!” Buong lakas ko siyang itinulak kaya napabitaw siya sa akin. Napaluhod siya sa harap ko. “Sorry, Trev… pero gusto ko munang piliin ang sarili ko. Please, let me go!” Ayoko na. Hindi ko kayang makita siyang nasa piling ng iba, kahit pa sabihin niyang isang arranged marriage lamang iyon. Ayokong manatiling f**k buddy niya habang buhay. Ang gusto ko ay mahalin at piliin niya rin ako. UMALIS pa rin ako. Nagmamakaawa niyang tinawag ang buo kong pangalan, ngunit hindi ko na siya nilingon. Hanggang sa nakalabas na ako ng gate. Agad akong pumara ng taxi, at sakto namang may huminto sa harap ko. Bago ako pumasok, nilingon ko muna ang mansyon at malalim na napabuntong-hininga. Masakit sa akin na iwan siya, ngunit kailangan kong piliin muna ang sarili ko. Habang nasa biyahe, hindi ko mapigilang maging emosyonal. Muli akong napahagulhol, pinapawi ang bigat sa dibdib. Panay silip at tanong sa akin ang taxi driver. “Hija, okay ka lang?” mahinahon niyang usisa. Tumango lamang ako, sabay punas ng luha sa aking mga mata. Hanggang sa natanaw ko na ang maliit naming bahay ni Tatay Dadoy. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng taxi at lumabas. Ibinaba ni Manong Driver ang dalawang maleta mula sa compartment. Tumango siya sa akin bago umalis. Huminga ako nang malalim. Inayos ko ang sarili ko, lalo na ang buhok na magulo sa pag-iyak. “Tay!” tawag ko, ilang sandali bago niya binuksan ang bintana. Nang makita niya ako, dali-dali siyang lumabas ng bahay. Mangiyak-ngiyak niyang binuksan ang gate namin na gawa sa kawayan. “J-Jey, anak!” agad niya akong niyakap nang mahigpit. At nang kumalas siya sa pagkakayakap. “Anak, bakit ka umiiyak? May nangyari ba? Sinaktan ka ba ng amo mo?” sunod-sunod niyang tanong. “Sorry po, Tay! Simula ngayon, magkasama na tayong dalawa!” Hanggang ngayon, hindi pa rin batid ni Tatay na isa lamang akong parausan ng amo kong si Trevor De Guzman. “Tay, namiss ho kita nang husto! Patawad po!” hinalikan ko siya sa noo at sa pisngi, ramdam ang init ng yakap na matagal ko nang hinahanap. Nagulat siya nang makita ang dalawang maleta. “Bakit may dala kang dalawang maleta, anak? Pinalayas ka ba ni Sir Trevor sa mansyon niya? May nagawa ka bang mali sa kaniya?” sunod-sunod niyang tanong, puno ng pag-aalala. Mariin akong umiling. Iginaya niya ako papasok sa loob ng bahay, siya na mismo ang nagtulak ng mga maleta. May kaunting nagbago sa bahay namin, pinaayos kasi ito ni Trev. “Tay, aalis ho tayong dalawa. Uuwi tayo ng probinsya,” wika ko habang nakaupo sa upuan naming gawa sa kawayan. Naguguluhan siyang nakatingin sa akin. Hindi niya mawari kung bakit bigla ko siyang niyaya na umuwi ng probinsya. “Bakit tayo aalis, anak? May tinatakasan ka ba?” tanong ni Tatay, halatang naguguluhan. Napahilamos ako ng mukha, halos hindi ko na mapigil ang luha. “Please, Tay…” pagmamakaawa ko, hanggang sa napapayag ko rin siya. Gusto kong lumuwas agad, upang hindi kami maabutan ni Trev. Tinulungan ko si Tatay sa pag-impake ng kaniyang mga damit. Pagsapit ng alas-diyes y medya ng umaga, sumakay kami ng taxi at nagpahatid sa bus terminal. Lumipas ang ilang linggo. Dumating si Aling Koring habang nagwawalis ako sa labas ng bahay. “Jey, may naghahanap sa iyo!” tawag nito sa akin. Ngunit mayroon akong hindi inaasahang bisita si Trev. Napakunot ang noo ko at bahagyang napataas ang kilay. Paano niya natunton ang probinsya naming ito? Ako lamang mag-isa ang narito dahil nasa bukid si Tatay, binista nito ang kaniyang kalabaw roon. Inabutan ni Trevor ng puting sobre si Aling Koring, paniguradong pera ang laman nito dahil nasilayan ko ang matamis na ngiti ng pinagbigyan niya. Nagpaalam rin agad si Aling Koring. Mariin akong napahawak sa walis tingting na bitbit ko. “Ano'ng ginagawa mo dito? Paano mo natunton ang probinsiyang ito?” Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit, ilang minuto rin bago siya bumitaw. “U-umalis...” Hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin nang bigla niyang sinunggaban ng halik ang labi ko. Napatulala ako sa ginawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD