Chapter 4

1224 Words
Patuloy ang pagpapagaling ni Tatay sa ospital, at ako naman ay nag-aaral habang ginagampanan ko ang pagiging f**k buddy kay Mr. Trevor. Nasa cafeteria ako, kumakain ng sandwich nang makatanggap ako ng text mula kay Mr. Trevor. How are you? What are you thinking right now? Napangiti ako, sabay nag-isip kung ano ang irereply. Still pretty at fresh, agad kong isinend. Maya-maya, sunod-sunod na ang mga text na natanggap ko mula sa kaniya, may mga emoji pa sa dulo. Nagpaalam na rin ako sa kaniya at ibinalik ang phone sa bulsa. Tinapos ko ang sandwich at uminom ng tubig. Tatayo na sana ako nang biglang may humila sa buhok ko. Naghiyawan ang mga estudyante sa cafeteria. “Malandi kang babae ka! Pinagkalat mo pa talaga na nags3x kayong dalawa ng boyfriend ko! Kakalbuhin talaga kitang malandi ka!” Si Samantha Collins. “Ano ba iyang pinagsasabi mo? Wala akong nagawang kasalanan sa’yo! At saka hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo! Bitawan mo ang buhok ko!” Pilit akong nagpupumiglas, nanginginig ang boses ko sa takot at galit. Ang sakit ng anit ko, pakiramdam ko ay mabubuwal na ang buhok ko. Tangina talaga! “Wag kang magmaang-maangan! Alam kong may gusto ka sa boyfriend ko. Bawiin mo ang ipinagkakalat mo sa campus. Napaka-ambisyosa mo talagang babae ka!” Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahila, ramdam ko ang hapdi at panghihina. Wala naman talaga akong alam sa mga bintang niya. Hindi ko nga kilala ang boyfriend niya. Ayaw niyang tumigil, kaya nakipagsabunutan na rin ako. Bahala na! Kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko. “Kakalbuhin kitang malandi ka!” gigil na sigaw niya. Hindi ako nagpatalo. Maya-maya, may umawat sa amin. Ang SSG president ng campus, si Wilfred. “Sabing tumigil kayong dalawa!” galit na bulyaw niya, malakas at matalim ang boses. Napaghiwalay niya kami. Agad kong inayos ang sarili ko, nanginginig pa rin ang mga kamay ko. “Pagsabihan mo iyang malanding babae na iyan!” sabay turo ni Samantha sa akin, nanlilisik ang mga mata. “I said enough! Kayong dalawa, sumunod kayo sa akin sa Dean’s office!” Umiling si Samantha, nanlilisik ang mga mata habang nakatingin sa akin na para bang lalamunin ako ng buhay. “Opo,” sagot ko, mahina ngunit matatag. “At ikaw, Miss Collins?” baling ni Wilfred. Mariin itong umiling at inirapan pa siya. “Wag na wag mo akong iirapan, Miss Collins, baka gusto mong dukutin ko iyang mga mata mo! Follow me now!” sigaw niya sabay hila sa kamay ni Samantha, ngunit nagpumiglas pa rin ito. “Let go of me! Kilala mo ba kung sino ako?!” Halatang spoiled brat si Samantha. Sino ba naman ang hindi nakakilala sa kaniya, e kung sinu-sinong lalaki ang ikinakama niya. “I don’t fvcking care kung sino ka, Miss Collins. You broke the rules sa unibersidad na ito!” kalmadong tugon ni Wilfred, ngunit ramdam ang bigat ng awtoridad. “That b***h was the one who started it! I am innocent. I just defended myself.” Napakunot ang noo ko. Ako pa talaga ang binaliktad niya! Siya ang nanghila ng buhok ko at nagbintang pa ng fake news. Hindi ako ganong klaseng babae. Oo, mahirap lang kami, pero disente akong babae. Hindi tulad niya na kung sinu-sino na lang ang lalaking ikinakama. “Hoy! Samantha, ikaw itong bigla na lang nanghila sa buhok ko! Wag mo akong babaliktarin!” depensa ko, nanginginig ang boses sa galit. “Tumahimik nga kayong dalawa!” saway ni Wilfred. Agad kong itinikom ang bibig ko at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa opisina ni Dean Margarita—ang striktang head ng unibersidad. Pagdating sa opisina, nadatnan namin si Dean na abala sa mga papeles. “What brought you here, Miss Kim at Miss Collins? SSG President?” “Nahuli ko po sa akto ang dalawang ito habang nagsasabunutan sa cafeteria. They broke the rules!” paliwanag ni Wilfred. “At sino ang nauna?” tanong ni Dean. Mabilis akong itinuro ni Samantha. “Siya po, Dean! At pinagkakalat ng babaeng iyan na nakasex niya ang boyfriend ko!” Nagulat si Dean. “Is it true, Miss Kim?” Mariin akong umiling. “Hindi po, Dean! Wala pong katotohanan ang ibinibintang niya. Mahirap lang kami, oo, pero hindi po ako ganong klaseng babae. Wala po akong nobyo. Malinis po ang konsensya ko.” Dagdag ko pa, “Siya po ang nauna, Dean. Bigla na lang po siyang nanghila sa buhok ko.” “Mas lalong sumakit ulo ko sa inyong dalawa! Wilfred, pakikuha ang copy ng CCTV now!” Tumango si Wilfred at lumabas. Namutla si Samantha, halatang takot. Pagbalik ni Wilfred dala ang flash drive, agad itong isinaksak ni Dean. “Maybe I should go out,” biglang sabi ni Samantha, tatakas pa sana. “Upo!” utos ni Dean, baritono ang boses. “You were the one who started, Miss Collins.” Nakahinga ako nang maluwag. Nanlumo si Samantha, halos mangiyak-ngiyak. “Tatlong linggo kang suspenso sa unibersidad na ito! And before that, you must do a public apology for Miss Kim.” Tumayo si Samantha at mabilis na sinampal ako. “Miss Collins!” sigaw ni Dean, galit na galit. “I will kill you, b***h!” sabay labas ni Samantha ng opisina, naiwan kaming tatlo sa loob. --- Sabay-sabay kaming napalingon nang bumukas ang pinto at pumasok si Mr. Trevor. Agad kaming napatayo, ramdam ang bigat ng presensya niya. “Who did this to my woman?!” galit na bungad niya, mabigat ang tinig. “Sinuspendo ko na siya, Mr. De Guzman,” sagot ni Dean, nanginginig ang boses. “Suspension is not enough! I want her expelled!” Napatango si Dean, bakas ang kaba. “I’m sorry for what happened to Miss Kim, Mr. De Guzman. Hindi na mauulit.” Hinila ako ni Mr. Trevor palabas ng opisina ni Dean, mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. Ramdam ko ang init ng palad niya at ang bigat ng presensya niya. Para siyang bagyong handang manalanta. “Trevor… masakit,” mahina kong bulong, pero hindi siya nagpakita ng awa. “You disobeyed me, Miss Kim. Ilang beses ko bang sinabi sa’yo na wag ka nang pumasok dito? Look what happened. You almost got hurt.” Napayuko ako, hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko, pero natatakot ako sa galit niya. Paglabas namin ng building, ramdam ko ang mga mata ng mga estudyante na nakatingin sa amin. May mga bulungan, may mga nakataas ang kilay. Para bang ako ang bida sa isang scandal na hindi ko naman ginusto. “From now on, you’ll stay at home. I’ll provide everything you need. No more excuses.” “Pero… Trevor, paano ang studies ko? Gusto kong makatapos. Ayokong maging pabigat kay Tatay.” Bigla siyang huminto, hinarap ako, at mariin ang titig niya. “I said home study. I’ll hire the best tutors for you. You don’t need this university. You only need me.” Parang may malamig na hangin na dumampi sa balat ko. Hindi ko alam kung matatakot ba ako o matutuwa sa sinabi niya. “Trevor…” mahina kong tawag, nanginginig ang boses ko. Lumapit siya, halos magdikit na ang mukha namin. “You belong to me, Miss Kim. And I’ll make sure no one touches you again.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD