Simula noon, wala nang sinuman ang nangtangka na ibully ako sa takot. Walang sinasanto ang fvck buddy kong si Mr. Trevor De Guzman. Willing siyang ipagtanggol ako laban sa kahit sino.
Ang swerte talaga ng greatest love niya ang babae na nasa painting. Nasa’n na kaya iyon? Patay na kaya?
“What are you thinking?” awtomatiko akong napaangat ng tingin nang biglang may nagsalita.
Si Mr. Trevor.
“Namis ko lang ho si Tatay Dadoy.”
Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan pagkatapos. Umupo siya sa tabi ko. “You should visit him at the hospital, my dear. Ipapahatid kita sa mga bodyguards ko ro’n,” hindi ko in-expect ang naging sagot niya sa akin.
Akala ko kasi ay pinagbabawalan na niya akong makita si Tatay Dadoy. Sa sobrang tuwa ko sa mga sandaling ito ay niyakap ko siya nang mahigpit. “Maraming salamat po! Pangako, babalik ho ako!”
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya. Samantala, kinuha naman niya ang kamay ko.
“You know what, I just want you to be happy kahit pa may pinirmahan kang contract sa’kin, ang pagiging f**k buddy ko sa loob ng anim na buwan. Ayoko na maging miserable ang buhay mo dito sa mansyon at sa piling ko.” Dagdag pa niya.
Tinawag niya ang kaniyang tatlong bodyguard at pinahatid ako sa hospital kung saan nagpapagaling si Tatay Dadoy matapos ang operasyon nito. Nakatanggap ako ng text mula sa kaniya:
‘If you need anything just call me, okay? And I’ll be there!’
Di ko mapigilang mapangiti nang mabasa ko ang text niya, at agad na ibinulsa ang aking selpon. Pagpihit ko ng doorknob ay nadatnan ko ang babaeng nurse habang sinusuri si Tatay. Ngumiti ito sa akin.
“I’ve already checked your father. His vital signs are stable.”
Kung anu-anong aparato ang nakakabit sa katawan ni Tatay Dadoy. “Salamat!”
Hindi nagtagal ay nagpaalam sa akin ang babaeng nurse. Hinawakan ko ang kamay ni Tatay.
“Nandito na ako, Tay. Kumusta na po kayo? Sobrang namis ho kita! Pasensya na kung ngayon lang ako nakadalaw sa inyo. Patawad kung wala ako sa tabi ninyo noong inoperahan kayo.”
Di ko napigilan ang luha, awtomatiko itong tumulo. At bigla kong naramdaman ang paggalaw ng daliri ni Tatay.
Pagmulat ni Tatay ng mata ay mas lalo akong naging emosyonal. “Tay! Gising ka na!” sabay ko siyang niyakap nang mahigpit.
Iginala niya ang kaniyang paningin sa buong kwarto. “Jey, anak? Ano’ng lugar ito? Nasaan ako?”
“Nasa hospital ho kayo, Tay!”
Bakas sa kaniyang mga mata ang pagkagulat sa aking sinabi, tila hindi siya makapaniwala na naroon siya. Napahawak siya sa kaniyang dibdib, ramdam ang sugat na natatakpan ng benda.
“Bagong opera ka lang ho, Tay. At may mabuting tao na nagsponsor sa operasyon mo.”
“Operasyon? Sinabi mo bang inoperahan ako sa puso, nak? Saan ka kumuha ng pampa-opera para sa akin?”
“May nagsponsor po sa operasyon ninyo, Tay—si Mr. De Guzman. At kapalit po no’n ay maninilbihan ako sa kaniya.” Kung kinakailangan kong magsinungaling sa kaniya ay gagawin ko, upang hindi siya magalit at madismaya sa desisyon na pinili ko.
Ayokong malaman niya na ang naging operasyon niya ay kapalit nito ang aking katawan. “Paano na ang pag-aaral mo, anak, kung maninilbihan ka sa taong iyon?” nag-alalang tanong niya.
Napasinghap ako. “Huwag po kayong mag-alala, Tay. Kahit naninilbihan po ako kay Mr. De Guzman bilang kasambahay, hindi ko po pababayaan ang aking pag-aaral.”
“Kay swerte ko kay Mr. De Guzman dahil sa walang pag-alinlangan niyang pagtulong sa aking operasyon. Maaari ko ba siyang makita sa personal, anak? Nais ko lang magpasalamat sa kaniya.”
“Magpagaling ka muna, Tay. Pangako, ipapakilala ko po kayo kay Mr. De Guzman.”
Mga ilang sandali, sabay kaming napalingon nang bumukas ang pinto—si Mr. De Guzman, nakabusiness suit pa ito.
Malapad ang ngiti niya sa akin. “Sino siya, anak?” baling ni Tatay kay Trevor nang makita ang ngiting iyon.
“Siya po si Mr. De Guzman, Tay!”
Dahan-dahang bumangon si Tatay at inayos ang kaniyang sarili. “Mr. De Guzman, mabuti’t bumisita ho kayo rito. Ako po si Dadoy, ang tatay ni Jey Kim. Labis po akong nagpapasalamat sa inyo dahil napili n’yo akong tulungan sa aking operasyon. Utang ko po sa inyo ang aking pangalawang buhay. Maraming salamat po, Mr. De Guzman!”
“Anything for your daughter, Sir. Don’t worry about your financial needs dahil sagot ko po lahat. And also to your sweet daughter, Jey Kim. I am here to support her until she fulfills her dreams.”
“Hulog ka ng langit sa aming dalawa ng anak ko, Mr. De Guzman!” mangiyak-ngiyak na turan ni Tatay Dadoy at saka bumaling sa akin.
“Jey, anak. Huwag mong bigyan ng sakit ng ulo si Mr. De Guzman.”
Matipid akong tumango.
“I lo— I mean, I truly believe and trust your daughter. She changed my life.”
Napalunok ako sa sinabi ni Trevor kay Tatay. Muntik na siyang madulas.
“Mabait ho na bata ang anak kong iyan, at napakaresponsable niya pong anak,” dagdag ni Tatay.
Nagkuwentuhan silang dalawa—si Tatay Dadoy at si Trevor—habang tahimik lamang akong nakaupo sa gilid, nakikinig sa kanilang pinag-uusapan.
Kahit pa ako ang pinag-uusapan nilang dalawa, hindi ko maiwasang magtanong sa sarili: Paano na lang kaya kung malaman ni Tatay Dadoy na puro kasinungalingan lamang ang lahat? Mapapatawad kaya niya ako?