He always there for me kahit sa unibersidad ay sekreto niya akong pinupuntahan ro'n. Nag-invest rin siya ng malaking halaga.
“Miss Kim, gusto kang makausap ng bagong investor ng unibersidad.” Biglang sumulpot si Dean Rodriguez sa harap ko. Kakasubo ko lang rin ng sandwich na binili ko sa canteen habang nags-sketch ng bahay.
“Po?” kilala ko na kasi kung sino iyong tinutukoy niyang investor eh. “He's waiting for you at my office,” sagot ni Dean, mariin akong napalunok ng laway.
Dali-dali kong inubos ang sandwich na bitbit ko at agad na uminom ng tubig. “Okay po,” tumayo na ako at sumunod kay Dean patungo sa opisina niya. Pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa akin si Trevor habang nagpabalik-balik sa paglalakad.
Lumingon siya. “D-dar, i mean Miss Kim!” kinabahan ako doon ah? Akala ko kasi ay tatawagin niya akong darling sa harap ni Dean. “Thank you so much, Dean! Can you leave us alone? I just want to talk this beautiful lady,” tumango naman si Dean sa kaniya.
Lumabas na si Dean at nagulat nalang ako nang ilock niya ang pinto. As in double locked. Sa ikinikilos niya ay halatang makikipagsex siya sa akin. At dito pa talaga sa opisina ni Dean. Napaka-pervert talaga ng matandang ito. “A-anong kailangan mo sa akin?”
“I missed you, Darling. How are you? Binully kaba ng mga estudyante rito?” umiiling-iling naman ako kahit ang totoo ay palagi akong binubully ng grupo ni Shantal. Di naman kasi ako sumbungera. I can handle myself.
“Are you sure? May nakarating kasi sa akin eh,” napakunot naman ang noo ko. Agad na sumagi sa isipan ko ang tatlong bodyguard niya na laging nakamasid sa akin sa malayo.
Ayoko ng gulo at baka maapektuhan ang records ko rito sa unibersidad. “At kapag nalaman kong sinaktan ka nila. Hindi ako magdadalawang isip na ipatanggal sila sa unibersidad na ito!” baritonong wika niya. Ramdam ko ang galit sa tono ng boses niya.
Ang tanda-tanda na pero pumapatol sa bata? Isip bata yarn? “Ano ba kasi ang kailangan mo sa akin? May klase pa kasi ako,” late na ako ng sampung minuto. Yumakap siya bigla sa akin. “Aren't you gonna missed me? Kasi ako, every single seconds namimiss kita!”
Walangya talaga ang matandang ito. Ang landi! “Bakit? Magjowa ba tayo?” kunot-noo kong tanong sa kaniya. He smirked.
“What the?!”
“Totoo naman diba? We are just fvck buddies at hanggang doon lang iyon. After this, i can do whatever i want without any shadow of you.” biglang lumungkot ang mukha niya. “Wala ba talaga akong chance?”
What does he mean? Klaro sa akin ang nabasa ko sa aggreement. At dapat nga wala kaming endearment eh kasi fvck buddies lang kami. At saka ang layo ng age gap naming dalawa. “Chance for what?”
“Nevermind,” napairap nalang ako. Bakas sa mga mata niya ang lungkot pero pilit niyang itinatago ito. “Have we s3x?” he asked
Napakunot noo naman akong napatingin sa kaniya. “Pwede bang pagkatapos nalang iyan ng klase ko? Nakasalalay kasi ang future ko rito eh,” sagot naman sa kaniya.
Tumango-tango siya. Akala ko ay ipipilit niya talaga. “Okay, you may go back to your fvcking class but ako mismo ang magsusundo sayo mamaya. And i don't want you to be anybody else lalo na mga lalaki. Ako lang dapat ang nilalandi mo, remember we are fvck buddies!”
Fvck buddies lang kami pero kung kontrolin niya ako ay parang nabili na niya buong pagkatao ko. “But before you go out, may i ask you one kiss? A goodbye kiss!”
Bakit? Mamamatay naba siya? I have no choice kahit labag sa akin ay hinalikan ko siya sa labi. “May utang ka sakin ha? Dapat you do your best para mapasaya ako sa ibabaw ng kama,” dagdag niya. Napamura ako sa aking isipan.
Matandang demanding ang loko! “Tumango lamang ako. Lumabas na ako ng opisina at napahawak ako sa aking dibdib nang makita kong nakatayo si Dean sa harap ng opisina niya. Narinig niya kaya ang pinag-uusapan naming dalawa ng matanda na iyon? Wag naman sana!
“D-dean, kanina kapa diyan?” nauutal kong tanong at nagpalinga-linga sa hallway baka kasi may iba pang nakarinig eh. Mapait siyang ngumiti sa akin. “Hindi, kararating ko lang.”
Nakahinga naman ako ng maluwag sa naging sagot niya. “Tapos naba kayong mag-usap ni Mr. De Guzman?” tumango lamang ako sa kaniya bilang tugon.
Nagpaalam na rin ako sa kaniya. Habang nasa hallway ako pabalik sa classroom ay sumagi sa isipan ko si Tatay Dadoy. Pagkatapos ng operasyon niya hanggang ngayon ay hindi pa siya nagigising. Tatlong araw na ang lumipas.
Agad kong kinapa ang aking selpon na nasa loob ng bulsa ko at dinial ang numero ni Mang Damian. “Hija napatawag ka?”
“Kumusta na po si Tatay? Gising napo ba siya?” sabik na akong magising si Tatay. Namimiss ko na kasi ang kakulitan niya.
Ilang segundo bago siya nakasagot at nagsimula na akong kabahan sa mga sandaling ito. “Inoobserbahan pa siya hija ng mga doktor at hanggang ngayon ay hindi pa siya nagigising. Sabi ng doktor, baka maabutan ng ilang linggo bago magising ang tatay mo hija.”
Ang tagal naman. Ganon ba talaga kapag dumaan sa operasyon? Kung sabagay, heart transplant din kasi iyon. At hindi agad naghihilom ang sugat na sanhi ng operasyon niya. Makapaghintay naman akong magising si Tatay Dadoy pero may plano kasi si Trevor na i-excuse ako ng ilang linggo, dadalhin niya ako sa palawan. Ang birth home niya. Ayoko sanang sumama sa matandang iyon kaso natatakot ako na baka mangyari iyong palaging sinasabi sa akin ng sekretarya niya.
Ayoko pa kasing mamatay kaya akong choice. Gusto ko bago magweekends ay magigising na siya. Para naman makapagpaalam ako sa kaniya nang maayos.
Kung kinakailangan kong magsinungaling at itago kay tatay ang pinasok kong ito ay gagawin ko dahil natitiyak ko na kapag nalaman niya na ibinenta ko ang aking katawan sa matandang mayaman na iyon ay baka itakwil niya ako. Natatakot ako na mangyari iyon. Ayoko.
“Okay sige po, kapag nagising siya Mang Damian itext o di kaya tawagan moko ah? Ikaw na muna ang bahala sa tatay ko. Wag po kayong mag-alala dahil babayaran ko po ang bawat minuto mo sa pagbabantay kay Tatay. Sa ngayon ay isesecure ko muna ang kinabukasan ko.”
“Oo, hija. Wag kang mag-alala sa tatay mo, kami na ang bahala sa kaniya rito. Focus ka muna sa pag-aaral mo diyan.” Sagot naman niya. Ang buong akala kasi si Mang Damian ay nag-woworking student parin ako sa kabatchmate ni tatay Dadoy na si Ruth.
Agad kong pinatay ang tawag at ibinalik sa bulsa ko ang aking phone. Pagdating ko sa klase ay awtomatikong napalingon sa akin ang mga kaklase ko kasama na roon si Professor Pablo. “Sorry, I'm late!” nakayukong turan ko at pumasok sa loob.
“Saan kaba galing, Miss Kim?” taas kilay na tanong ni Prof Pablo sa akin.
Mag-isip ka ng alibay, Kim! Di nila pwede malaman na galing ako sa office ni Dean at nakipag-usap kay Trevor. “May inutos lang si Dean sa akin, Prof.” Pagsisinungaling kopa.
“Talaga?” may pagdududang tanong niya. Hindi kasi basta-basta naniniwawala si Professor Pablo sa bawat alibay ko. Para bang may alam siya. “Nasayo po iyan kung maniwala kayo o hindi.” Umupo na ako sa aking upuan banda sa may bintana.
Nagte-take notes ako sa bawat discussion ni Prof. Hanggang sa natapos ang klase niya. Saktong paglabas niya ng pinto ay nagring ang phone ko, awtomatiko nasa akin ang atensyon ng mga kaklase ko. Hinintay nilang sagutin ko ang sinumang tumawag sa akin. Makikita ko sa mga mata nila ang kuryosidad.
“Noted,” tanging sagot ko sa mga ibinungad sa akin ng matanda. Mga kalandian lang naman at nasa labas na raw siya ng gate naghihintay sa akin. Wag lang siya talaga magpapakita kasi baka isipin ng mga tsismosang estudyante sa unibersidad na ito na sugar daddy ko siya.
“Alam mo bang may nakakita sa kaniya kasama iyong matandang bilyonaryong CEO? Guest what, kung ano ang ginawa nila?” nagsimula na naman si Shantal.
“Really? Sugar daddy ba niya iyon?” usisa pa ng kaibigan nito. Ngumisi sa akin ng nakakaloko si Shantal. “more that that, Ris! They kissed!”
Napatutop ng bibig ang mga nakarinig sa sinabi niya at ako naman ay napalunok ng laway. Gustong-gusto ko siyang sugurin at ingodngod sa sahig ang mukha niya. Ginagawan na naman niya ako ng kwento. “Oh my god! Kapit patalim pala ang class genius natin, girl!” saad ni Ris Villamor—ang bunsong anak ni Mayor Santi.
“Kung sabagay, ano pabang aasahan natin sa kaniya. Pero yuck! Pumapatol talaga siya sa matanda? Kapalit ng p**e niya? Super yucky! Gagawin lahat makahuthot lang ng pera sa kawawang matandang CEO na iyon!” diring-diring pa si Chelsea nang sambitin ito.
Isinaksak ko sa aking tenga ang aking airpods upang hindi ko sila marinig pero bago ko paman maisalpak ang isang airpods sa kanang tenga ko ay may bumato sa akin ng papel.
“Read it, Miss Kapit patalim sa matanda!” galing iyong papel sa isa sa mga lalaking bully ko. Agad ko namang binuksan ito.
“Dapat sayong malandi ka ay ma-expelled. Hindi ka dapat tularan! Malanding pukpok na kumapit sa matandang bilyonaryo para sa pera!”
Naikuyom ko ang aking kamao matapos mabasa ang nakasulat sa papel. “Genuis sana kaso malandi pala!”
Samu't-sarin ang naririnig ko mula sa mga kaklase ko. Tatayo na sana ako nang bigla akong itulak ng isa sa mga kaklase ko na nakaupo sa likod ko. Sa sobrang lakas ng pagkakatulak sa akin ay nadapa at tumama ang labi ko sa semento dahilan upang dumugo ito. Ang sakit!
Pinagtatawanan nila ako. Kung anu-ano nalang ang ibinabato nilang masasakit na salita sa akin. Nagulat ang lahat sa biglaang pagsulpot ng isang matanda sa pinto—si Trevor. Kasama nito ang kaniyang mga bodyguard.
“Siya iyon!” turo pa ni Shantal.
“What the hell are you doing?!” nagpipigil sa galit na tanong ni Trevor. Dahan-dahan akong napaangat ng tingin. Agad siyang tumakbo papalapit sa akin at ipinatayo ako. ”How sweet ni Hottie Tanda sa genuis natin!”
Nagulat nalang ako nang biglang dumapo ang palad ni Trevor sa mukha ni Shantal. “Wag mo ng patulan!" Awat ko pa pero parang hindi niya ako narinig.
“Kailangan siyang maturuan ng leksyon! Hindi ba't bunsong anak ka ni Mayor Santi? Gusto ko siyang makausap!” galit na turan ni Trevor. Nanginginig na tumango si Shantal, mababakas ang takot sa mukha niya.
“At kapag inulit mo pa itong ginawa mo sa isa sa mga scholar ko ay hindi lang iyan ang matitikman mo hija! Baka gusto mong ipakalat ko ang baho na itinago ng pamilya mo!”
“That was your first warning, hija! At hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo. At kayo? Subukan niyo ulit ibully si Miss Kim, sisiguraduhin kong pagsisisihan niyo ang lahat!” banta niya sa mga kaklase ko.
Ngayon ko lang siya nakita na galit. Nakakatakot pala ang matandang ito kapag nagalit. “Dumudugo ang labi mo,” alalang turan niya at sabay akong binuhat palabas ng classroom. Ang lahat ay nagulat sa kanilang nakita.