Ngunit napahinto kami nang may kumatok sa pinto. Agad akong nag-ayos ng aking sarili at pinunasan ang pawis na dumagayday sa mukha ko. “Pasok!”
Nakayuko lamang ako. “Ito na po ang mga damit na pinabili mo sa akin, boss!” saad ng babaeng pumasok, medyo ka-edad ko ito..Sekretarya niya ata ito. May dala-dala itong shopping bags. “Ilapag mo lang diyan, Miss Allison,” ma-awtoridad na utos ng lalaki sa babae.
Saglit na tumitig sa akin iyong babae na para bang ini-scan niya ang buong pagkatao ko. “Miss Alisson? Is there something wrong? Bakit ganiyan ka makatitig kay Miss Kim?”
“N-nothing, boss. I just curious about that woman medyo pamilyar kasi siya sa akin. Have we met before, Miss Kim?” nag-angat naman ako ng tingin sa babae.
Siya iyong babaeng isa sa mga customer ni Manang Isay sa restaurant nito. “Po? Hindi ko po alam, ma'am!” pagsisinungaling ko pa.
“Hindi kita pinapasok sa opisina ko para interviewhin ang bisita ko, Miss Allison. Pwede ka ng lumabas, we have important to do.” Napalunok ako ng laway.
Yumuko iyong babae, bago ito lumabas ng opisina ay tinignan niya ako ng makahulugang tingin na para bang winawarningan niya ako. “Pinagpawisan ka ata, Miss Kim? Are you scared?” biglaang tanong nito sa akin.
Umiling ako. Paano kong gawin niya rin sa akin iyong mga napanood ko? Pinapahirapan habang niroromansa? Ayoko ng ganon, di ko ata kakayanin. Baka ikamatay ko pa.
“Pwede naba akong umalis?” nauutal kong wika na ikinakunot ng noo niya. Tumayo siya at lumapit sa akin. “for what? Hindi ba't sabi ko sayo na mula ngayon ay dito kana sa mansyon titira? Di mo na kailangan na mag-alala sa tatay mo, may ipinadala na akong tauhan roon. Sila na ang bahala sa tatay mo.”
Malulungkot si tatay kapag magising siya na wala ako sa kaniyang tabi. Iniimagine ko pa nga lang ang magiging reaksyon niya ay nasasaktan na ako. “Please kahit sa huling sandali lang. Kapag nagising si tatay, pangako babalik ako rito. Parang awa mo na, Mr.Trevor De Guzman!” halos lumuhod na ako sa harap niya.
“Okay you can go pero kasama mo ang tatlong bodyguards ko. Every single minute ay mag-uupdate ka sa akin.”
Tumango ako bilang tugon sa kaniya. May inabot siyang phone sa akin. Napakamahal nito dahil latest iphone 17 promax ang phone na inabot niya sa akin. “Ano po ito?”
“If you need anything or you're gonna miss me
Just dial my number dadating ako. Kahit saan kaman, kahit sa imperno pa iyan pupuntahan kita.”
Lalabas na sana ako ng opisina niya nang muli siyang magsalita. “Wag mong subukang tumakas, Miss Kim. Teka lang, i forgot to give you this. Balik ka muna rito!”
Lumingon ako sa kaniya at naguguluhang naglakad papalapit sa gawi niya. “Buy anything you want, Miss Kim. Nakapangalan na iyang atm ma iyan sa iyo! Sampung milyon ang perang nilagay ko riyan. Ayokong magpagutom ka, okay? Kapag natapos ang six month contract aggreement, you are freely to leave! Hindi kita pipigilan.”
“At saka wag ka ng mag-alala pa sa operasyon ng tatay mo sagot ko lahat ng pangangailangan niya within six months habang nasa puder kita bilang f**k buddy ko.” Dagdag niya pa.
Panay lamang ako sa pagtango. “Before you leave, can you give a gently passionate kiss? Para naman hindi kita agad mamiss? Baka kasi mapasugod ako sa hospital nang wala sa oras.”
Napalunok ako ng laway. Napahawak ako ng aking dibdib nang bigla siyang sumulpot sa harapan ko. Bahagya niyang inangat ang aking mukha. “Kiss me!” mariing utos niya pero hindi ko magawang maigalaw ang aking paa. At saka hindi ko rin naman siya maabot. Hanggang braso niya lang kasi ako.
“Ouh sige, ako nalang ang hahalik sayo!” awtomatiko niya akong binuhat at mapusok na hinalikan sa labi. It takes 15 minutes bago niya binawi ang labi niya. Mariin akong napakuyom ng kamao.
----
Tulad ng sinabi niya, kasama ko ang tatlong bodyguard niya patungo sa hospital kung saan naroon si tatay. “Maswerte ka miss dahil sa dinami-raming babae na nagkakandarapa kay Boss Trevor ay ikaw ang napili niya. Kahit ang sekretarya niya ay hindi siya magawang akitin. Alam mo bang pumapatay iyon?” biglaang wika ng isa sa mga bodyguard na nakaupo sa tabi ko.
“Hindi naman sa tinatakot kita, Miss pero gusto kitang warningan. Marami na kasing napatay si Boss Trevor eh.” Dagdag pa ng boydguard na nagmamaneho ng kotse.
Napalunok ako ng laway sa mga narinig ko. Hindi ko magawang maibuka ang aking bibig.
“Once you sign the contract aggreement ay isinuko mo na sa kaniya ang kaluluwa at katawan mo.” wika pa ng isa na katabi ng driver.
Mas lalo akong natakot sa posibleng gagawin sa akin no'ng Trevor na iyon. Ayokong mamatay sa kamay niya. Gusto ko pang makasama si tatay Dadoy nang matagal at makapagtapos sa aking pag-aaral.
Am i lead my life to death? “Wag mo na siyang takutin, Sam baka magsumbong iyan kay Boss at baka tayo ay mapatay non!” saway nong isa habang ang mga mata ay nasa daan.
Hanggang sa nakarating kami sa hospital..agad naman nilang pinarking ang kotse. Pinagbuksan ako ng pinto ng isa sa kanila. “Be careful, hindi ka pwedeng bumalik sa mansyon ng baldado baka buhay naming tatlo ang magiging kapalit.”
Di ba talaga titigil ang bodyguard na ito? Baka hindi ako makapagpigil ay masuntok ko ang mukha nito. Kanina pa siya eh! Nanginginig na nga ang kalamnan ko sa takot, ayaw niya pang tumigil. Baka ako ang makapatay sa kaniya hindi iyong Trevor na iyon!
Pinanlinsikan ko siya ng mata kaya't agad na itinikom nito ang kaniyang bibig. Pumasok na ako sa loob ng hospital habang nakasunod sa akin ang tatlo. Habang naglalakad ako sa hallway papasok ay natanaw ko ang kasamahan ni Tatay Dadoy iyong nagdala sa kaniya sa hospital. “Jey!”tawag nito nang makita niya ako.
Ngunit bahagyang kumunot ang noo niya nang makita niya ang tatlong boydguard na nakasunod sa akin. “Nasa operating room na ang tatay Dadoy mo,” turan nito.
“Sino iyang mga kasama mo hija?” baling nito sa tatlo. Sasagot na sana ako kaso biglang nagsalita ang isa sa mga bodyguard ni Trevor.
“Kami ang bodyguard ni Miss Kim, Sir!”
Makahulugang tumingin sa akin iyong kasamahan ni tatay Dadoy na para bang hindi siya makapaniwala. “Bodyguard?”
“Oo, bakit may reklamo ka?” may diing sagot ng isa.
Sinamaan ko ng tingin ang lalaki kaya't napayuko ito. Napapasunod ko silang tatlo kahit hindi ako ang kanilang boss. I am just their boss f**k buddy pero isang tingin ko lang sa kanila ay kita ko ang takot sa mga mata nila. “Ah eh kumusta na po si Tatay, Manong Damian?” pag-iiba ko ng usapan.
“Tulad ng sinabi ko hija. Kasalukuyan siyang inooperahan ng mga doktor sa loob ng operating room. Mabuti nga't may mabuting tao na umangkin sa operasyon ng tatay mo hija. Kunti lang kasi ang nalikom kong pera sa mga kasamahan namin. Alam mo naman hija na medyo matumal ang kita..”
Kung alam mo lang, Manong Damian. “ Hija? Okay kalang? Namumutla ka ata?”
“O-opo, okay lang ako Manong Damian medyo nahilo lang ako sa pagod lang ako.” Nauutal kong sagot.
Bumaling ang tingin nito sa aking paa. Wala kasing anumang saplot ang paa ko. Nagkasugat-sugat na kasi ito. Ramdam ko rin ang hapdi ng aking paa.
Nagkagulo ang mga tao nang may humintong limang kotse sa harap ng hospital. Sabay-sabay na lumabas ng kotse ang sampung bodyguard ng lalaki at pinagbuksan nila ng pinto. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat—si Trevor De Guzman ang lumabas ng kotse pero kasama niya iyong sekretarya niya na may bitbit pang shopping bag sa magkabilang kamay habang nakasunod sa lalaki.
“Oh my god! Si Mr. Trevor De Guzman!” rinig ko mula sa isa mga nurse. “Ang gwapo niya talaga kahit medyo may edad na siya!”
“Oo nga, kahit single dad siya! Sobrang hot at gwapo niya parin..Diyos ko,kailan kaya ako magkakaron ng isang Trevor De Guzman?”
Pinagpapantasyahan siya ng mga nurse. Naglakad ito papalapit sa gawi ko. Yumuko ang tatlong bodyguard na ipinasama niya sa akin. “Sino ang babaeng iyan? Ang swerte niya nilapitan siya ng isang Trevor De Guzman.”
“I forgot to give you this shoes,” malamig na turan nito sabay na inabot sa akin ang isang shopping bag.
“Wear it, ayokong nakapaa ka. Baka magkasakit kapa!" Dagdag niya
Hindi ako nakasagot. Bigla niyang kinuha sa loob ng shopping bag ang isang kulay grey at kumikinang na sapatos. “Gawa sa diamond ang sapatos na iyan, it worth one milyon.” Rinig ko sa mga taong nakiusyoso.
Ganon kamahal ang sapatos na ito? Gawa talaga sa diamond? Mukhang hindi ko kaya na magsuot ng ganitong klase ng sapatos. “Nevermind them, darling” wika niya pa at sabay na yumuko.
Mas lalong umingay ang tao nang kuhanin nito ang isa kong paa at pinasuot sa akin ang sapatos na gawa sa diamond.. Kumikinang ito sa sobrang ganda.
“It really fits you, darling.” Kumento niya pa sabay na tumayo. Lumingon siya sa kaniyang sekretarya.
“Miss Allison, pakisamahan siya sa comfort room. She need to change her clothes.” Utos niya na agad namang sinunod ng sekretarya niya.
Marahan akong inakay nito papunta sa comfort room ng hospital at nakasunod sa amin ang tatlong bodyguard. Ngunit naiwan ang mga ito sa labas. “Wag kang feeling entitled, Miss Kim dahil baka paggising mo ay nasa loob kana ng kabaong.” May diing wika ng sekretarya ni Trevor sa akin.
Hinagis niya sa mukha ko ang shopping bag na bitbit niya, dahilan upang tumilapon ito sa sahig. “Siguro naman ay kaya mong magbihis mag-isa diba? You're not a kid anymore, Miss Kim!” kibit-balikat at taas kilay nitong turan sa akin.
Di ko naman sinabi na siya mismo ang magbibihis sa akin ah? Ang laki ng galit ng babaeng ito sa akin, wala naman akong ginawang masama sa kaniya.
Dinampot ko ang shopping bag na nasa sahig at pumasok na ako sa loob ng cubicle upang magbihis. Tumambad sa akin ang isang pulang backless dress. Hitsura palang ay paniguradong, mas mahal pa sa buhay ko.
Paglabas ko ng cubicle ay napatulala iyong sekretarya ni Trevor. “Cheap pa rin!” kumento niya pa. Nauna siyang lumabas ng comfort room at sumunod naman ako bitbit ang shopping bag kung saan nakalagay ang damit ko.
Napatulala iyong tatlong bodyguard na nakabantay sa labas ng comfort room nang makita ako. “So gorgeous! Kaya pala sa dinami-raming babae na nagkandarapa kay boss siya lang ang nagustuhan ni Boss Trevor!”
“Shut up, Sam!” naiinis na saway ng sekretarya ni Trevor.
Habang naglalakad ako sa hallway, nasa akin ang atensyon ng lahat. Samu't-saring kumento ang narinig ko mula sa mga tao.
“Feeling entitled b***h?” rinig ko pa sa sekretarya ni Trevor na nakasunod sa akin. Bahala siya, magmaktol diyan.
Nalaglag sa sahig ang bitbit na kape ni Trevor nang makita ako na para bang ngayon lang siya nakakita ng babae. Halos malaglag ang panga nito. “Sige lang, namnamin mo ang mga oras na ito dahil sa mga susunod na araw ay nasisiguro kong nasa loob kana ng kabaong!” dagdag pa ng sekretarya ni Trevor.
Napairap nalang ako. Akala niya siguro ay masaya ako sa mga papuring natanggap ko mula sa mga tao dito sa loob ng hospital.
Kung hindi lang dahil sa tatay ko ay hinding-hindi ako papayag na maging f**k buddy ni Trevor De Guzman.
At bigla nalang may sumugod na babae sa akin. Galit na galit ito. “Malandi kang babae ka!” nangangalaiting wika ng babae.
Sasampalin na sana ako nito nang may humawak sa braso niya—si Trevor. Namumula ang mukha nito sa galit. “Don't you dare lay your fingers to my woman!”
Kita ko sa mukha ng babae ang takot. At dahan-dahang lumingon sa gawi ni Trevor. Nanginginig ang mga tuhod nito. Bigla nalang itong lumuhod sa harap niya.
“Spare my life, Mr. Trevor De Guzman!” mangiyak-ngiyak na pakiusap nito.
“Apology to my woman!” utos nito.
“Sorry, please forgive me!” pagmamakaawa ng babae sa akin.
“Umalis kana at wag kang magpapakita sa akin ulit.” Sagot ko sa babae, tumayo ito at kumaripas ng takbo palabas ng hospital.
Lumapit sa akin si Trevor. “Are you hurt, Darling? At bigla nalang ako nitong binuhat ng pabridal style.