BIGLANG BUMAGSAK sa sahig si Charlotte habang hinahawakan niyang bandang leeg. Sa sobrang higpit ng pagkakasakal ni Franco, pakiramdam niya ay kakapusin pa rin siya ng hininga. Tila ramdam pa rin niya ang malamig na kamay nito sa kaniyang leeg. Tiningnan niya si Franco nakapikit ngayon at hawak ang ulo. Napaatras ito ng dalawang hakbang saka napaupo sa sahig. "F-Franco," tawag niya rito. Tiningnan siya nito nang may pagkalito. "C-charlotte?" Kaagad itong lumapit sa kaniya at tiningnan kung ayos lang siya. "Ayos ka lang?" Tumango siya. "Okay lang ako. Ikaw?" "Oo. Anong nangyari?" tanong nito. Sasagot na sana siya ngunit narinig nila ang sigaw ni Madam Aurora. "Anong nangyari? Dapat sa akin na ang kaluluwa mo, Franco! Anong nangyari!?" Gigil na tanong nito. Nagtaas-baba ang dibdib nito

