KAHIT KINAKABAHAN si Charlotte na makaharap ang kaniyang mommy ay nilakasan niya pa rin ang loob. Alam niya na may tyansa na masaktan siya nito dahil sa pagsuway niya sa gusto nito kanina. Nakaikom ang mga palad ni Charlotte at ramdam niya ang tensyong bumabalot ngayon sa sala. Masama ang tingin ng mommy niya sa kaniya habang nakaupo sa pangsolohan na sofa. Hindi siya makatingin nang diretso rito. Ang daddy naman niya ay nasa tabi nito ay nakatayo. Ang mga pinsan niyang sina Elijah at Olivia ay kababakasan ng kaba at takot sa mga mukha. Si Madam Aurora naman ay naupo sa gitna nilang mag-ina. Normal na yata rito ang pagiging mukhang mataray dahil nakataas nang pirmis iyon. Habang siya ay nakatayo sa harap ng mga ito. Ramdam niya ang tingin ng mga kasama. Namataan ni Charlotte si Manang I

