NAWALAN NG malay si Charlotte at sa pagbasak nito, humampas ang ulo nito sa lemesita na gawa sa solidong kahoy ng narra na may nakaibabaw na salamin. Nagsisigaw ang ina nito nang makitang may dugong umaagos mula sa ulo ni Charlotte. Habang ang ama ay kaagad na kumilos upang buhatin ang anak. Tinakbo siya sa pinakamalapit na ospital. Labis-labis nag kabang nadarama nilang lahat. Si Amelia ay napapadasal na sana ay walang masamang mangyari sa kaniyang pinsan. Nilingon niya si Franco na halatang galit na galit sa mga nangyayari. Gustuhin man nitong sumama sa ospital ay hindi maaari dahil wala ng insenso. Wala ng paraan upang makalabas ito ng bakuran ng ancestral house. Gulat na gulat pa rin ang lahat sa nangyari. Nasa sala sina Amelia, Elijah, Olivia, Manang Isa, Franco at si Madam Aurora n

