PAGDATING SA ospital ay ang Daddy ni Charlotte ang sumundo kina Elijah, Amelia at Franco. Halatang stress na stress ito at pagod sa unang tingin. Ganoon pa rin at may bahid pa ng dugo ang longsleeve polo na damit nito. "Tara na sa private room ni Charlotte," anito. Lalakad na sana sila ngunit kaagad nitong hinawakan ang kaniyang braso. Sinundan niya ang tingin ng kaniyang Tito Amando at nanlaki ang mga mata ni Amelia nang mapagtanto kung saan ito nakamata. Nasa maliit na garapon kung saan nakatusok ang insenso ang mga titig nito. "Ano iyan?" Tumaas ang isa nitong kilay. Umatras si Amelia saka pasimpleng tinago sa likuran ang garapon. "W-wala po ito. Ah, magbabanyo lang po ako. Susunod na lang po ako." Tumalikod na siya at mabilis na nilandas ang mahabang pasilyo. Nang makita niya ang ban

