GUSTO MATAWA ni Amelia nang makita ang reaksyonng kaniyang pinsan. Sumimangot ito sakasiya inirapan. Naisip niyang baka tumatalab ang pagpapaselos niya rito. "Bakit?" tanong niya rito. Hindi na niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi nang makitang inirapan siya nito. "Hindi ba at boto ka kay Franco? Don't tell me na nakalimutan mo rin iyon?" Sumandal siya sa inuupuan saka mataray na tiningnan ang pinsan. "Boto ba ako? Bakit parang hindi? Pakiramdam ko ay pinagtitripan mo lang ako." Siya naman ang sumimangot. "Hindi, ah!" Tumayo siya saka nilabas ang cellphone mula sa bulsa. "Tawagan ko lang si Franco. Diyan ka muna." "Sandali!" Napahinto si Amelia sa pagtalikod nang hawakan pa siya ni Charlotte sa braso upang pigilan. "Bakit?" "T-talaga bang b-boyfriend mo yung Franco?"

