Xia PoV
andito ako sa clinic ngayon,pinapagamot ang sugat sa kamay ko pati na rin sa paa ko,nanamumula nakatyenelas lang ako kaya bawat sipa ko sa sikmura nila ayun masakit
"ok na ang kamay mo,wag mo munang tanggalin ang benda,maaring wala nang sugat dahil sa ability ko pero mamanhid yan kapag tatangalin mo ang benda"mahaba niyang litanya
kaya tumango lang ako kanis kasi ang mga tokmol na yun, pupunta pa pala ako sa
Royal bank san naman kaya yun?
FLASHBACK
"explain further! Di kita maintindihan anong royal bank?"usal ko sa kanya sabay diin sa paghawak nang kamay
"ahhh f**k ahhhh shitt! Arayy putaa!! Bitawan mo muna kamay ko!"asik niya kaya
binitawan ko naman naghahabol hininga siyang umupo at hawak hawak ang braso na muntikan nang mabali
"Tanga! Ano pang e explain ko kung yun na yun!, scan mo yung ID mo tas piliin mo ang earning money"usal niya
ok tapos? Anong kasunod?
Napatingin siya sa green card na nasa sahig dahan dahan itong nawala na parang naging abo
anyari?
"kapag nawala ang card,ibig sabihin tapos na ang pagtransferred nang pera"habol hininga niyang saad
napatango naman ako sabay lapit sa kanya, kaya napa atras siya
"gago! Tutulungan lang naman kita"saad ko sabay hawak sa braso niya at akmang ipapatayo siya
"wag na kaya ko!"asik niya kaya napairap ako
"chossy ka pa, salamat ka nga kasi tutulungan kita"balik ko sa kanya
sabay kuha nang braso niya at pina akbay sakin tuluyan siyang nakatayo na nakatitig sakin
kaya napatingin ako sa kanya pansin ko na naka tingin siya sa lips ko di ko alam pero nakaramdam ako nang asar kaya binitawan ko siya tas inupakan
"ouch! s**t! Kala ko ba tutulungan moko! Puta sakit nun!"usal niya nagdurugo na nga ilong niya eh
"nakaka asar ang titig mo! Ikaw na nga tinutulungan ikaw pa tong may ganang mang asar! "balik ko sa kanya sabay talikod
iwan pero di ko gusto yung mga titig niya, ako na nga tong nagpakabait sa kanya eh
"normal lang sakin na titigan ka nang ganun kasi lalaki ako, tyaka nakakaturn on kaya ang lips mo lalo na kapag malapitan"usal niya
ano daw? Nakaka turn on? Di ko gets
"Bahala ka dyan!"asik ko sabay iwan sa kanya
bakit ba masyadong komplikado?
Palibhasa kasi sa bahay lang ako, lumalabas ako pero wala akong masyadong nakakasalamuha na tao
anong meron sa lips ko?
END OF FLASHBACK
lumabas ako nang clinic kasi hahanapin ko pa ang royal bank
masyadong tahimik ang gabi, malamig din ang simoy nang hangin
naglalakad ako nang mag isa, sanay naman ako eh
napatigil ako nang may lalaking humarang sa harap ko
nakasuot siya nangfacemask na kulay black tas nakasuot din nang jacket na may hood tas black jeans
titig siya sakin tas binaling din ang tingin sa kamay ko na may benda pati na rin sa paa ko
"saan ang punta mo? Masyadong mapanganib ang gabi sa babaeng katulad mo"walang emosyong saad nito
napalunok tuloy ako nang laway sabay tingin sa kamay ko
bakit naman? Maganda kaya kapag gabi
"di ka dapat humihiwalay sa section mo"dagdag pa niya na nakapamulsa
wow ah di dapat, kahit gabi di pa rin puwede?
"hinahanap ko ang royal bank, tyaka tulog na siguro ang mga kaklase ko"usal ko sa kanya
sino kaya siya? Kailangan pa talaga magsuot nang face mask
"samahan kita, sa susunod wag kang aalis nang mag isa, o di kaya mas mabuting wag ka nalang lalabas kapag gabi"usal niya at nakapamulsang naglakad
napatango naman ako at sumunod sa kanya
di naman siguro masama ang lalaking to, nako kung anong gagawin niya sakin talagang pagsisihan niya
"tss, sa gabi nga lang ako nakakapaglakad nang malaya"nakasimangot na saad ko
napatigil siya sa paglalakad at humarap sakin na nakataas ang kilay
"what do you mean?"tanong niya napatingin ako sa ibang direksyon at bagsak balikat na naglakad ulit
sumabay naman siya sa paglalakad na nakatingin parin sakin
"ayaw nila akong mawala sa paningin nila, nakakainis!"padabog na saad ko habang nag lalakad
"kapag nawala ka sa paningin ko malilintikan ka!, ang tigas nang ulo mo!, wag kang lalayo sa tabi ko, wag kang tatakas "pang gagaya ko sa mga boses nang kaklase ko
"hahaha"natatawa niyang saad kaya napatingin ako sa kanya nang masama
"anong section mo? Category diamond ka diba"saad niya sabay turo sa blue cord ko
oh nga pala lagi ko tong suot kasi importante
"Star"tipid na sagot ko, bahagya naman siyang natigilan at tumingin sakin
"bakit?"tanong ko, umiling lang siya at tila malalim ang iniisip
"responsibilidad nang bawat isa sa bawat section kaya intindihin mo sila, nakakapagtaka lang, bakit pumayag sila na may babae sa section nila"usal niya kaya napatingin ako na naka kunot ang noo
"di kaba pinalayas nang president nila?"tanong niya ulit
ang gulo langya!
"president? Iwan, pero may bakanteng tatlong upuan sa likuran"usal ko
napatango naman siya at tumigil tas tinuro ang isang building
kita ko ang umiilaw na Royal bank, maganda ang pagkakagawa nang building kaya napa wow ako
nailibot ko ang tingin ko tas dumapo ito sa gilid nang lalaking kasama ko ngayon
isang Shop? Napalapit ako sa glass na nakaharang at manghang tiningnan ang Pana na nakadisplay
"5Million Royal ang halaga nang panang yan"usal niya kaya napatingin ako sa kanya
ang mahal naman!
"di libre yan, para makaipon nang Limang milyon, kailangan mong maghamon nang laban at manalo para may makuha kang pera"paliwanag niya
napayuko naman ako, unti unti ko nang naintindihan ang mga kaganapan
"bibilhin ko yan, kapag nakaipon ako"usal ko
sabay lagay nang kamay ko sa glass at iniisip na hawak ko ang pana
"marunong kang gumamit nyan?"tanong niya ngumiti ako na nakatingin sa kanya
"medyo"usal ko tas tiningnan ang pana kulay pula ito tas may bracelet na katabi
naglakad na lamang ako para puntahan ang RB pagdating ko agad kong iniscan ang ID ko tas pinindot yung earning money
200K Royal
yan ang lamang nang pera sa earning money ko
tiningnan ko naman ang LocalMoney
9999999999.999999 Royal
ganyan ang nakasulat,napakunot ang noo ko
napatingin ako sa lalaki na nakatalikod sakin
tinapik ko siya kaya napalingon siya sakin
"bakit ganyan ang localmoney ko?"tanong ko sa kanya napatingin siya sa Machine tas tumingin sakin
"your the luckyone, it means you can buy all you want as long as the product was part of the academy, kagaya nung PANA hindi yun sa academy kaya hindi libre yun"usal niya
napatango naman ako at inoff ang machine
200K ang layo pa para maging 5M
5M yung sabi nang nakalaban ko, bakit 200K lang yung akin?
"ihahatid na kita sa dorm mo"cold na pagkakasambit niya
wow change mood ganun?
Sumunod lang ako sa kanya at di na umimik pa
medyo malayo ang distansya namin, parang nakakatakot kasi siya sa awra niya ngayon
nag iba ang mood niya,kaya kinakabahan ako
mahina pa ang katawan ko,mukang wala akong laban kapag aatakehin niya ako
"ahh mommy!!"pasigaw na sabi ko nang may biglang sumulpot sa harap ko at agad hinawakan ang magkabila kong braso
nakasuot sila nang kulay itim at balot na balot ang katawan nila
napalingon sakin ang lalaki pero mukang wala lang sa kanya
"A.A"sambit niya
A.A?
Ano naman yan napalingon sa kanya ang tatlo at tila nagulat pa
binitawan ako at bahagya nilang niyuko ang ulo tas umalis
"sino ang mga yun!"agad na tanong ko sa kanya sabay lapit
"gaya nang sinabi ko, mapanganib ang gabi sa babaeng kagaya mo, bumalik ka na sa dorm mo iiwan na kita"usal niya tas lumihis nang daan
kanina lang parang ang bait niya tas ngayon mukang nasaniban lang
isanawalang bahala ko nalang at pumanhik na sa dorm ko
pagdating ko sa dorm agad akong pumasok at humiga sa kama
na miss ko tuloy si dady at mommy
si myla ano kayang ginagawa niya ngayon ang alam ko,bawal ang junior na pumunta sa department namin
napatingin ako sa relo na binigay ni mommy tas humarap ako sa salamin
tinanggal ko ang eyeglass ko dahilan para lumitaw ang tunay na kulay nang mata ko
BlueGreen
napabuntong hininga ako at akmang ibalik ang eye glass ko nang gumalaw yung relo ko
nagtransform siyang box kaya ganun na lamang ang pagkamangha ko
kusa itong bumukas tas bumungad sakin ang isang pares nang contactlens
Contact lens?
Kinuha ko ito tas, nilagay ko sa dalawa kong mata
"ahhhhh"daing ko parang pinipiga nito ang mata ko
"ahhh fuckk!"mahina kong daing
napahawak ako sa mesa nang mahigpit kalaunan ay tila humupa ang sakit na naramdaman ko
Ano yun? Napatingin ulit ako sa salamin na naghahabol nang hininga kulay
BROWN
di ko alam pero nakaramdam ako nang saya, parang feeling ko di ko na kailangan mag eye glass
napatingin ako sa Box tas kusa siyang nagtransform pabalik sa anyo nitong Relo napangiti na lamang ako, na nakatingin sa Relo
"thank you mom"tanging sambit ko pakiramdam ko, tinutulungan ako nang kakaibang contact lens na to na kontrolin ang namuong lakas sa mga mata ko
nahiga na lamang ako sa kama at natulog na
KINABUKASAN
nagising ako,nang maaga dahil pakiramdam ko parang ang gaan gaan nang katawan ko
konekted ata to sa contact lens na sinuot ko kagabi
napatingin ako sa schedule ko
.
Napakunot ang noo ko nang kusang nag iba ang mga letra nito
SCHEDULE
-Entertainment
10 minutes
-History
1 hour
Recess
-Build up
3 hours
-capability
4hours
lunch
-Enchanting
nagbago ang dalawang subject bagong guro na naman for sure
agad kong ginawa ang morning routine ko tinangal ko na ang benda ko sa kamay baka kasi magtaka ang mga kaklase ko
agad akong lumabas sa dorm at deretsong naglakad papunta sa room
pansin ko na ako lang ata naglalakad na mag isa lahat may mga grupo, ang ilan is buong section pa
ganun ba talaga ka halaga ang bawat grupo?
Dapat sama sama?
Di ko expect na ganito pala ang pagaaral
nakarating ako sa room tas pumasok, walang katao tao
hala!
Pumasok ako tas umupo na lamang, wala akong dalang bag
wala namang silbi!
"maganda siguro ang araw ko ngayon"saad ko na may malaking ngiti
napatingin ako sa kamay ko, mukang di na mahirap kontrolin ang kapangyarihan ko
"whoaaa, grabe nadagdagan ang pera ko"-liam
"makakabili na rin ako sa wakas"-cole
"pero wala naman tayong nakalaban"-erick usal nila
habang papasok sa room nangunguna si Kuya wick at Kuya Denvher
"nakakacurios, baka mali ang pagtransfered nang pera"saad naman ni nathan
napakunot ang noo ko pera?
Nadagdagan ang pera nila? Kaya ba 200K lang akin kasi hinahati ito sa buong section
ang daya naman! Ako lang mag isa nakipagbakbakan tas mabibigyan sila
"hey Xia, andito ka na"usal naman ni Sean tumango lang ako, kanya kanya silang pumanhik sa upuan
lumapit si Kuya wick at kuya denvher sakin yumakap siya kuya den tas humalik sa noo ko
"hala ano yunn? Kitang kita ko hahaha"maktol ni harold
umismid lang si kuya den habang si kuya wick titig sakin tas yumakap din
anyari sa mga to? Hahah sweet bigla?
May kailangan to for sure
"what do you want"walang gana kong saad
"hahahah s**t alam na agad"-wick
"hahahah wow ah pano mo nahulaan"-denvher
napairap ako tas umupo,lang napatingin samin ang lahat na may panunuksong tingin
"hoy denvher, aminin mo nga nililigawan mo ba si Xia?"taas kilay na tanong ni Erick
napaismid naman si Kuya den tas bahagyang tumawa
malamang sino ang di matawa, kapatid niya ako tas liligawan
haha anyway ano ba ang ligawan?
"Ligawan?"taka kong tanong napatingin sila sakin na may pagtatakang tingin
"di mo alam yun?"gulat na tanong ni Nathan
umiling lang ako, kaya nagkatinginan sila sa isa't isa tas tumawa
"hahahaha seriously!"-davis
"inosente ampucha hahaha"-Nathan
"tang-ina! Hahaha"-Erick
"What the hell!"-Floyd
ano ba yan!
Wala namang nakakatawa, nagtatanong ako nang maayos pero ang mga tokmol tumatawa
si kuya wick at kuya denvher naman na napatampal sa noo na umiling iling
"anong nakakatawa?"asar na saad ko napatigil sila sa pagtawa tas tumingin sakin
"ligawan means ano susuyuin ka para maging girlfriend ganun"usal naman ni Erick
ahhh ganun pala yun, napatingin ako kay denvher at kuya wick
"may nililigawan na kayo?"tanong ko sa kanila
*cough
*cough
*cough
ubo nilang dalawa
eh?