Denvher PoV
masyadong inosente tong kapatid namin langya
hahahaha ako tuloy natatawa sa mga inasta niya, parang timang
bihira kasi siyang lumalabas sa bahay, wala pa ding nanliligaw sa kanya kasi hindi siya exposed sa maraming tao
"may nililigawan kayo?"tanong nito dahilan para mapaubo kami ni wick
habang ang iba ay nakabungis ngis nang tawa
gagi ka Phoenicia hahahah langya
lumapit ako sa kanya tas ginulo ang buhok
"wala pa, pero may napupusuan na"nakangiti kong saad
yeah, kahit malamig at di palakaibigan ang babaeng yun, mahal ko na ata yun
iwan pero iba ang bilis nang t***k nang puso ko kapag nakikita ko siya
tumango naman si Xia tas ngumiti, tas tumingin kay Wick umiling naman si Wick
uupo na sana si Xia pero tumingin siya agad samin
"Kuya Den, nakakaturn on ba ang lips ko?"tanong niya
0__0
pinagsasabi nang gagang to?
Napaiwas naman nang tingin ang lahat at tila naiilang sa tanong niya
"what the! At bakit mo naman natanong yan!"asik ni Wick sa kanya
tumingin siya sa kisame na parang nag iisip
"i met a guy, tinulungan ko siya kasi marami siyang pasa tas titig siya nang titig sakin tas pati sa lips ko, nakaramdam ako nang pagka asar kaya ayun inupakan ko tapos....."tumigil siya sa pagsasalita at tumingin samin
mga tokmol ko namang kaklase nakatingin lang sa kanya at inaabangan ang susunod niyang sasabihin
nako wag lang yung hinalikan siya, kasi kapag nagkataon talagang mapapatay ko ang lalaking yun!
"TAPOS"sabay na saad nang mga kaklase ko
hahah mga puta
"Tapos sabi niya na normal lang daw sa kanya na titigan ako nang ganun kasi lalaki siya, tas nakaka turn on daw ang lips ko lalo na kapag malapitan, Ano ba yang nakaka turn on? Switch? On at off ganun?"usal niya
napanganga naman kami sa daldal niya
tunay ngang inosente pa hahaha
mukang problema lang ata ang dala nang pag ka inosente niya
"sabi pa nga niya, SO SIMPLE BUT YET HOT AND BEAUTIFUL"pangagaya niya sa bosses nang lalaki
"ANO!! SINABI NIYA YAN!!"sabay naming asik ni wick
"ano ba kasi ang suot mo nang nakilala mo ang lalaking sinasabi mo?"tanong naman ni nathan napairap naman siya tas umupo
"iwan ko sa inyo, wala kayong kwentang kausap"saad niya
langya hahahaha, kami pa talaga ang walang kwentang kausap
"seryoso inosente siya?"takang bulong ni harold
"obvious naman diba"usal naman ni Erick
napabalik kami sa upuan nang dumating si Sir Airol
tumayo naman si Xia at agad lumapit kay sir airol
oh come on! Yan nanaman ang tatanungin niya
"Sir ano ba ang meaning nang nakaka-----"di niya natapos ang sasabihin niya nang sumigaw ako
"XIA! SIT DOWN!"asik ko na may tono nang pagbabanta
napatikom naman ang bibig niya at bumalik sa upuan
"how cute"rinig kong usal ni Erick kaya napatingin ako sa kanya na nakataas ang kilay
Cute daw
"what?"tanong niya
nginisihan ko naman siya nang nakakaloko at tinapik sa abaga
"inosente yan bro haha"saad ko
napaismid naman siya at binaling ang attensyon sa upuan
katabi ko si wick at Erick sa harap naman si Nathan,liam at Floyd sa likuran ko naman si Brian
ang president namin kaso wala siya nag bakasyon, bukas pa yun darating, kasama niya sina Elton at Tyler
"ano ba dapat ang itatanong mo lucky one?"tanong ni sir sa kanya
"actually i was about to ask something"saad nito na nakatayo sabay tingin sakin at sa mga kaklase ko
"but i think,maybe next time"usal niya tas umupo
nakahinga naman kami nang maluwag tumango lang si sir tas humarap samin
where's your reflection in enchanting?"tanong ni sir
"lagot!"rinig kong sambit ni Erick
"bakit? Wala ka?"tanong ko umiling naman siya at marahang tumingin sa kinaroroonan ni Xia
"oh come on! Don't tell me na di niya alam?"agad na tanong ko
napatango naman siya kaya nasapak ko,dumagdag naman si wick na sinapak din siya
"grabe kayo sakin! Kumaripas kasi siya nang takbo kaya di ko natapos ang sasabihin ko"paliwanag ko
napatingin kami sa gawi ni Xia na ngayon ay masamang nakatingin kay Erick
hahhaha! Lagot!
"sir what reflection?"tanong niya kay sir Airol
"kong ano ang masasabi sa buong oras nang enchanting,anong ginagawa mo o di kaya anong natutunan mo"usal ni sir
napataas naman ang kilay ni sir sa tanong ni Xia
"hindi mo ba alam?"agad na tanong ni sir
pinasa na namin ang mga nagawa namin,nakalagay ito sa kulay asul na papel
napatingin naman si Xia sa papel na may kunot ang noo
"wala kong ganyan, bag nga wala"usal niya dahilan para uminit ang dugo ni sir
"LUCKY ONE! YOU MUST BE DEPENDENT OF EVERYTHING"sigaw ni sir tumayo naman si Xia tas tumingin samin
"I'm sorry sir, I never know, di na po mauulit to, para po makabawi ako i will be the one performing the entertainment"usal niya
ang kaninang nagiinit na ulo ni sir ay tila kumalma napatayo nang tuwid si sir airol at tumango
"very good, gandahan mo ang performance"usal ni sir at umalis sa table niya tumayo si Xia tas pumunta sa gitna
ano kayang gagawin nito?
"anong kailangan mo para sa performance, for example, knife or what ever i will let you borrowed"tanong ni sir
"Piano, i need piano"usal niya
napakunot naman ang noo namin
Piano? Anong gagawin niya sa piano?
Kakanta siya? Putik! Di naman yan ang ibig sabihin sa entertainment
nagdadalawang isip si sir pero binigay niya parin
pumalakpak siya nang dalawa tas sumulpot ang isang piano
pumikit si Xia tas minulat ang mata at sinimulan ang pagtugtug nang Piano
nag uusok naman sa galit si sir dahil akala niya magpakitangilas si Xia sa ability niya
di parin pinansin ni Xia si sir at simulang kumanta
'Amazing grace, how sweet the sound
That saved a wretch like me
I once was lost but now am found was blind now i see
It was Grace that taught my heart to fear.
'And grace, my fears relieved
How precious did that grace appear
That hour, i first believed
'Amazing grace,how sweet the sound
That saved a wretch like me
I once was lost but now am found was blind, but now i see
'Through many dangers, toils and snares
That we've already come
Tis grace that brought us safe so far And grace will lead me home
'Amazing grace how sweet the sound
That saved a wretch like me
I once was lost but now am found was blind now i see it was grace that taught my heart to fear
napatingin ako sa mga kaklase ko na tila napatulala
nakanganga pa nga ang ilan habang si Sir na tila di alam kong ano ang nararamdaman niya
sa kantang yun, mukang tagos ito sa puso ni sir Airol sa pinagdaanan niya sa buhay
mukang iba ang laman nang kanta
napatayo si Sir at ginulo ang buhok ni Xia
napakurap kaming lahat dahil sa ginawa nito
"not bad for an entertainment"usal nito kasabay ang paglaho nang piano
hin-di si-ya gal-it?
Nagkatinginan kaming magkaklase dahil sa inasta nito
maganda din naman kasi ang bosses ni Xia
talagang mararamdaman mo ang mensahe nang kanta
"bukas ikaw pa rin ang gagawa nang entertainment"usal ni sir na nagpahiyaw samin
"yessss! Save by the lucky one!"
"whoaaaa your da best lukyone!"
mga hiyawan nang iba dahil sa katunayan, ayaw namin sa subject na entertainment
"my pleasure sir"nakangiting saad ni Xia
todo ngiti si Sir at tila may nawalang bigat na nararamdaman napatingin ako kay Xia
"you already grown up nicia"bulong ko
maintindihan mo rin ang ginagalawan nang paaralang pinasukan natin
gagawin namin ang lahat,maingatan ka lang
alam naming worth it ang lahat, ngayun pa lang kita kita ko na deserve mong alagaan,mahalin at protektahan
napangiti na lamang ako at umakbay kay wick
"kapatid natin yun"bulong na saad ko
ngumiti naman siyang nakatingin sakin at tinapik din ang abaga ko
"sakin nagmana yun haah"bulong niya sakin kaya nasapak ko
sa kanya daw, eh ako ang panganay malamang sakin nag mana yun
tumingin si Xia samin na may ngiti, sabay kaming nag thumbs up ni wick
napatingin naman samin si Erick na puno nang pagtataka
"husay nang crush mo bro"maktol ko sa kanya, nanlaki naman ang mata niya at sinamaan ako nang tingin
"crush pinagsasabi mo?"inis na saad niya
"hahah don't deny it, may paghanga ka sa kanya hahah" panunukso ko
umismid lang siya tas deritsong tumingin kay sir
"tsk"usal nito kaya napahagikik ako nang tawa
haha mukang may manliligaw na sa kapatid namin
kmsta na kaya si myla, pasaway pa naman ang bunso na yun
bibisitahin nalang namin siya mamaya
Xia PoV
natapos ang discussion ni sir, iwan ko pero parang ang saya ni sir
kanina akala ko nga pagkatapos nang kanta ko sisigawan niya ako hindi pala
andito kami sa cafteria ngayon kumakain
as usuall poker face sila
nakakapagtaka nga kasi sa room todo ngiti at asaran sila pero kapag dito na sa labas poker face!
Napatingin kami este ako sa pinto nang cafeteria nang nagsitilian ang mga estudyante
"kyahhhhh ROYALTIESSSS!"
"whoaaa the HIGHRANK!!"
"I WISH I AM ONE OF THE ROYALTIES WHOAAAAA YAHHHHH" mga tilian nila
kaya napakunot ang noo ko wala lang paki ang mga kaklase ko
habang ako titig sa limang tao na naglakad
dalawa babae at tatlo lalaki,masaya silang nag uusap
walang paki sa mga estudyante na tumitili, pansin ko na napatingin sila sa gawi namin
anong tingin tingin niyo?
Tanging sambit nang isip ko
napatingin ako sa lalaking nasa gitna na pasulyap sulyap sakin habang nakikipag usap
umupo sila sa lamesa habang ang isang babae ay tumayo para mag order
"just keep eating Xia"usal ni Nathan kaya napatingin ako sa kanya at tumango
susubo na sana ako nang bumukas ulit ang pinto tas niluwa dito ang isang babae na malamig ang tingin sa lahat
KA-YE?
Kaye! Siya nga!
Kyahhh sa wakas nakita ko na siya
pero bakit ibang iba ang awra niya?
Hindi naman siya ganyan kapag kami magkasama ang lapad nang ngisi niya
napatahamik ang lahat at tila napalunok pa nang laway
kaye ikaw pa ba yan?
Huminto siya sa kinauupuan nang Royalties tas nakipag beso sa babaeng royaltie
Royalty si Kaye?
Bakit di ko alam bakit dun siya nakatira sa lugar namin?
Dapat nasa kaharian siya pero bakit pinili niyang tumira sa mansyon?
Tumayo siya at naglakad papunta sa cashier, malapit kami sa cashier kaya todo titig lang ako sa kanya
marahan siyang napatingin sakin, ngingiti na sana ako pero ang walang emosyon ang mukha niya
Kaye!
Parang piniga ang puso ko, ang sakit, nakaramdam ako nang disappointement
gusto ko siyang yakapin kasi miss ko na siya sobra
napayuko na lamang ako di ko kaya parang tutulo luha ko kaya tumayo ako at naglakad paalis
napatigil ako nang sumigaw siya
"LUCKY ONE STOP!"Sigaw niya
di parin ako nakinig, napasinghap naman ang ilan
hindi ka ganyan kaye! Hindi mo naman ako sinisigawan!
"I SAID STOP!"sigaw niya ulit
napakuyom na lamang ang kamao ko
bakit ka ganyan? Malapit na ako sa pinto
nakarinig ako nang mga bulung bulungan tsk paki ko sa kanila
"SIX STOP!"rinig kong sigaw niya na nagpatigil sakin
SIX! She call me six
FLASHBACK
"hey xia helpp!!"tawag niya sakin
nabitag siya sa sarili niyang gawa napabungis ngis naman ako nang tawa
"kaya mong tangalin yan"usal ko nakabusangot siyang nakatingin sakin
"hey six please"usal niya
napataas naman ang kilay ko sa tinawag niya sakin
"kapag tawagin kitang six ibig sabihin may problema ako na di ko kayang lutasin mag isa, tyaka name yan nang pusa ko ang ganda diba"usal niya habang nakabitay pa rin
"kapal! Sa pusa pa talaga, bahala ka dyan"asik ko sabay talikod
END OF FLASHBACK
napaharap ako sa kanya na puno nang gulat at pagtataka
ganun din ang reaksyon nang mga estudyante dito pati na ang mga kaklase ko and even the Royalties
napatitig ako sa mga mata niya, di ko alam pero parang tinatago niya ang saya na nararamdaman niya
napakurap ako nang nandito na siya sa harap ko
"let's talk"bulong niya sabay hawak sa wrist ko
napatayo naman ang mga kaklase ko at tila di sang ayon sa ginawa ni kaye
tiningnan ko si kuya wick at kuya denvher tas marahan na umiling
ilang segundo pa ay nakarating kami sa isang roof top
napatingin ako kay kaye na tila iiyak na
hala siya!
______