Aratiles Valencia Nasa kusina ako nagluluto ng makakain namin ni Timothy. Oo, kami lang ni Timothy sa bahay niya na malapit lang din sa bahay ko. Wala si Andie. Hiniram ni Stella. Mother and daughter bonding daw nila. And since it’s weekend, walang pasok sa opisina. So, we decided to stay in his house. Jowa bonding din daw namin. Napailing na lang ako sa sarili. What’s this, my queen?” tanong ni Timothy mula sa likod ko na ang tinutukoy ay ang niluto ko sa cooking pan. Nakapulupot ang mga braso niya sa baywang ko. Wala itong suot na pang-itaas at tanging boxer lang ang suot niyang pang-ibaba. Napaka-husky din ng boses niya na halatang bagong gising pa lang. “Breakfast?” patanong din sagot ko sa kanya. Kinantalan naman niya ako ng mabilis na halik sa labi ng lingunin ko siya bago ku

